PROPESIYA XIII: DEATH CURSE

14 1 0
                                    

A/N: Please be considerate if you will encounter some wrong grammars and typographical errors. I'm still human. Hehe.

Yun lang, please enjoy reading this chapter

Thank you.

+++++
Mabilis ang naging pagtibok ng puso ng isang batang babae na nasa edad labindalawa dahil sa kaba at takot nito sa anim na nakamaskara. Kasalukuyan silang naglalakad sa isang napakadilim at tahimik na pasilyo at ang tanging maririnig lamang ay ang kanilang mga yabag at paghingga. Muli na namang sumagi sa isipan nito ang kahindik-hindik na sinapit ng batang lalaking iyon.

Flashback >>

Nakaupo sa isang madilim na sulok ang isang batang babae. Hindi ito pamilyar sa lugar na pinagdalhan sa kanila. Ang iba pang mga bata nitong kasama ay umiiyak na, at ang iba naman ay tahimik lang na nagmamasid. Iba-iba ang edad ng mga batang nasa loob ng silid. Sa tantya nito may siyam na taon at ang iba ay hindi lalampas sa labindalawa. Napasinghap ito ng maalala ang isang balitang nabasa niya sa facebook, ang tungkol sa nagaganap na pagkidnap sa mga kabataan. Naputol ang pag-iisip ng batang babae ng biglang nagbukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang anim na mga naka-itim. Nakasuot ang mga ito ng iba't-ibang uri ng maskara ngunit makikita pa rin ang mga pulang pula nitong mga mata. Ito ang naging sanhi kung kaya't napuno ng sigawan ang loob ng silid.

"Ma-Maawa na po k-kayo sa amin", pagmamakaawa ng isang batang lalaki. Kaagad naman nitong napukaw ang atensiyon ng isa sa mga nakamaskara. Kahit na nakasuot ito ng maskara, kitang kita ng batang babae ang nakakatakot na ngisi mula rito.

"Tabi diyan!", sabay sipa ng malakas sa bata. Dahil sa lakas ng sipa nito, tumilapon ito ng malakas sa sementadong pader ng silid. Lumikha ito ng malaking crack at kitang-kita ng lahat kung paano ito maligo sa sariling dugo. Halos humiwalay ang mga buto nito sa katawan. Ngunit ang lalong nagbigay ng takot at kaba sa lahat maliban sa mga nakamaskara ay ang basag nitong ulo. Kung saan kitang kita ang mga puting bagay sa paligid ng katawan ng bata, walang iba kundi ang utak nito.

"AAAAHHHH!", kuro ng mga bata sa loob ng silid maliban sa iilang mga bata kasama na dito ang batang babae. Kahit kakikitaan ng takot sa mata ay pinili nitong manahimik na lamang.

"Dev hindi tayo nandito para patayin ang mga yan", pukol ng isang nakamaskara sa tinawag nitong Dev. Kaagad nitong nilingon ang huli at sabay dila na tipong nagpapacute. "Pasensiya na na-carried away lang", tila nangiinis nitong tugon.

Matamang nagmamasid lamang ang batang babae sa mga nakamaskara sa likod ng mga nagkukumpulang takot na mga bata. Napansin nito ang pagbulong na ginawa ng isa nakamaskara at naghiwa-hiwalay ng direksiyon. Puro iyak at ungot pa rin ang maririnig sa paligid. Ramdam ng batang babae na nasa harapan niya ang isa sa mga nakamaskara. Hindi na ito nag-atubili pang tingnan ito matapos siyang kaladkadin kasama ang lima pang mga bata.

End of Flashback >>

Napabalik sa realidad ang batang babae matapos silang huminto sa tapat ng isang malaking itim na pinto na may ukit na ulo ng dragon. Nang kusang bumukas ang pinto ay isang napakadilim na silid na naman ang kaniyang naisip. Ngunit sa halip, isang nakakasilaw na  liwanag ang sumilaw sa anim na bata. Nang makapag-adjust ang kanilang paningin ay isang napakalaking lamesa na puno ng masasarap na pagkain ang tumambad sa kanila. Napansin kaagad nila ang isang matabang lalaking na nakasuot ng plain black suit, slacks, shoes at isang stripes na necktie. May suot din itong antiparang kulay itim ngunit ng kitang-kita pa rin ang mapupula nitong mga mata.

"Commander Zere, sila po ang mga espesyal na batang may abilidad sa mga batang nakuha namin", panimula ng pinakalider ng grupo. Tumayo ang matabang lalaki na tinatawag na  Zere sa kinauupuan nito at dahan dahang lumapit sa anim na bata na ngayon ay nakatitig na din sa huli. Pinagmasdan nito ang bawat isa at bigla na lang itong nagpakawala ng nakakatakot na itim na aura. Halos hindi makahinga ang anim na bata dahil sa bigat ng atmosphere sa loob ng silid. Nagpatay-sindi din ang ilaw ng tatlong chandelier sa kisame. Nanlaki ang mata ng mga bata dahil sa nakitang pagbuo ng isang nakakatakot na halimaw sa likod ni Zere. Ito ay gawa sa purong itim na enerhiya. Matapos ang ilang sandali ay nawala na ang bigat ng atmosphere sa loob ng silid, gayundin ang itim na aura sa paligid ng huli. Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito at pagkuway inalok o mas magandang sabihin na inutusan ang anim na bata na kumain. Hindi naman kaagad nakagalaw ang mga ito dahil sa takot, ngunit tila may kung anong pwersa ang nagtutulak sa kanila para sundin ang matabang lalaki.

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon