PROPESIYA VII: THE SKY KNIGHT (Part 2)

21 4 0
                                    

+++++
Tuwang tuwa si Leon sa kalagayan ngayon ni Lucio. Puno kasi ng sugat ang katawan nito at panay ang pag-agos ng dugo na tila mga water faucet. Isama pa ang putol nitong braso. "Sobrang nakakadismaya naman kung papatayin na kita kaagad. Mabuti pa'y unahin ko na lang ang batang itinakda", pagmamalaki ni Leon. "Hu-Huwag mong idamay ang bata sa galit mo sa akin. Patayin mo na lang ako", pagmamakaawa naman ni Lucio.  "Hahaha, wag kang masyadong magmadali dahil hahantong tayo diyan", sabay dila ni Leon sa talim ng palakol. "Pero dahil sinabi mo, ikaw na nga lang ang uunahin ko. At pagkatapos ay ang batang itinakda naman ang isusunod ko", pagmamyabang na naman ni Leon.

"Ha-hayop ka!, Pag-pagbabayaran mo ang lahat ng ito", naghihingalong na sambit ni Lucio. Pilit nitong itinaas ang kanyang SSS. "May lakas ka pa pala para magsalita ah, ito tanggapin mo", iwinasiwas ni Leon ang palakol sa huli. Tumilapon ang weapon ni Lucio ilang dipa mula sa kanya. Madami na ang nasayang oras ni Leon kaya nagpasya na itong tapusin na si Lucio. Ngunit isang malakas na pwersa ang nagpatilapon sa kanya ilang metro ang layo kay Lucio. Nang makabawi ng tayo, pinukol nito ang buong atensiyon sa pinanggalingan ng pwersa.

Mababakas sa mukha ni Leon ang pagkabigla sa kinatatayuan ng batang si Raven. Ang katawan nito ay nababalutan ng hangin, napakalakas na hangin na tila naging isang baluti o armor. Kapansin pansin din ang pag ilaw kanang kamay nito kung saan naka-marka ang simbolo ng Guardian of Air na si Gale.
+++++

"IKAW PINATAY MO SI
LOLO ALFREDO TAPOS NGAYON SI TATANG LUCION NAMAN!", galit na wika ko. Hindi ko mawari pero hindi ko kontrolado ang katawan ko. Tila may ibang pwersa ang nagpapagalaw ng aking katawan. Napagtanto ko ding iba ang boses ko. Tila pinagsama-samang mga galit na boses na lumilikha ng napakalalim na boses. "HUMANDA KA SA AKIN, PAGBABAYARAN MO ANG MGA GINAWA MO!", sigaw kong muli.

"Nakakasiguro ka ba, bata?", rinig kong tugon ni Leon. Itinapat ko ang aking kanang kamay sa direksiyon nito at tila may kung anong matatalim na bagay ang tumama sa huli. "Aarghhh",  impit nito na tila naguguluhan sa nangyari. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung anong nangyari. Napuno ng mga sugat ang buong katawan nito. Kitang kita ko kung paano niya ginamit ang kanyang palakol para protektahan ang sarili sa mga atakeng hindi nito nakikita.

"Ikaw, magbabayad kang pangahas na kutong lupa!" pagbabanta nito sa akin. Nagkaroon ng itim na usok sa palibot ni Leon na unti-unti in-absorb ng malaking palakol. Ang kristal sa palakol nito ay naglabas ng kuryente. Ipinukol ito sa akin ni Leon at isa-isang nagbagsakan sa akin ang mga itim na kidlat. Hindi ko naman hinayaan na matamaan ako ng mga ito. Ngunit dahil sa dami ng ginawang pag-atake ni Leon ay hindi ko nagawang iwasan ang ibang kidlat. Direkta akong tinamaan, ngunit wala akong naramdaman. Tila na-neutralize ng barrier ang epekto ng kidlat. "Ikaw isa kang pangahas!", galit na galit na bulalas ni Leon dahil sa walang nagawa ang kanyang pagatake.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang umatake, gamit ang dalwang kamay ko. Lumikha ako ng isang bolang hangin na kagaya ng kay tatang lucio, isang air prison na bumalot sa buong katawan ni Leon. Nagliwanag ang kakaibang marka sa aking kamay at itinapat ko ito sa air prison. Kasabay ng pagkuyom ko ng aking kamao ay unti-unting lumiit ang espasyo sa loob ng air prison at maging ang hangin doon ay nag-deplete. Pilit na nagpumiglas si Leon sa loob. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng satisfaction dahil sa ginawa ko. Alam kong mali ito pero hindi ko makontrol ang katawan ko. Kitang kita ko kung paanong ang mga ugat nito sa leeg ay namumutok na dahil sa kakulangan ng oxygen. Nakabaluktot na rin ito dahil sobrang liit na ng espasyo sa loob. Nagpakawala ito ng malakas na pwersa ngunit kaagad itong na-neutralize. Namumula na ang mga mata nito dahil sa paghihirap. "Ta-Tama na", pagmamakaawa nito. Ngunit hindi ko siya pinakinggan. Punong-puno ng galit ang puso ko. Nasasaktan ako, may kung ano sa loob ko na nasisiyahan sa ginagawa ko. Pinaliit ko pa ang air prison hanggang sa nakarinig na ako ng mga tunog ng mga nababaling buto. Kitang kita ko kung paano sumuka ng napakaraming dugo si Leon. Sobra akong nasa-satisfy ayaw kong tumigil. Walang anu-ano'y tumawa akong ng napakalakas, isang tawa ng kagustuhang pumaslang.

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon