+++++
"LOUISEA!" malakas na sigaw ng isang matandang lalaki na nasa edad mid 60s. Mapapansin ang mga peklat nito sa braso ngunit matipuno pa rin ito kahit may edad na. Kasalukuyan itong nasa likod bahay at nagsasampay ng mga damit, kakatapos lang kasing tumigil ng ulan. "Bakit na naman Alfredo?!" tugon naman ng isang matandang babae, puti na ang mga buhok nito ngunit maganda pa rin. Sila ang lolo't lola ni Raven na mas kilala naten sa tawag na Vhen. Pumasok si Alfredo sa kusina dala ang timbang pinaglagyan ng mga basang damit at mga sobrang hanger. Dumiretso ito sa sala kung saan naroroon ang pinakamamahal nitong maybahay. "May bisita ba tayo ngayon?" takang tanong nito dahil may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay naten. "Wala nam-" hindi natapos ang sasabihin ng huli ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nagiisa nilang apo.
+++++Sa wakas nakarating na rin kami. Halos walong oras din ang itinagal ng biyahe namin. Ang kaba at takot na naramdaman ko kanina ay napalitan muli ng excitement and happiness. Pagbukas ko ng pinto ng kotse namin , ay agad akong tumakbo papuntang gate sakto namang hindi ito naka-lock kaya mabilis akong nagtungo sa pinto ng bahay ng lolo alfredo ko.
"Wala nam-" rinig kong sabi ni lola louisea sapagkat hindi na nito natapos ang sasabihin ng sumigaw ako (A/N: ung normal na sigaw, bakit may abnormal bang sigaw). "LOLO, LOLA, I'm here", excited subalit may pagkamagalang kong wika at mabilis na lumapit sa gulat na gulat na grandparents ko, sabay yakap ng mahigpit sa kanilang dalawa. Hindi kasi nila alam na ngayon na kami pupunta dito dahil ang alam lang nila ay sa isang linggo pa kami uuwi. Matapos noon ay pumasok na rin ang aking mga magulang dala dala ang mga gamit sa loob ng bahay. "Oh Tonio, akala ko ba ay sa isang linggo pa kayo uuwi" nagtatakang tanong ni lolo kay papa. "Ano kasi Tay, may nangyari po sa trabaho" sagot naman ni papa sabay titig ng makahulugan dito. Tila nagkaintindihan naman sila ni lolo. Di ko na lang iyon pinansin malamang sasakit na naman ang ulo ko kakaisip ng ibig sabihin nun. "Mabuti pa'y magpahinga na muna kayo at ako'y maghahanda muna ng ating makakain. Pasado alas-siete ng gabi na rin kasi", basag naman ni lola at agad na nagtungo sa kusina.
Mabilis na lumipas ang oras at kakatapos lang naming maghapunan. Sakto namang inaantok na rin ako dahil sa mahabang biyahe kanina. "Ma, Pa, Lo, La, tulog na po ako, goodnight po", sabay halik sa pisngi ng aking mama at papa, tapos nagmano naman ako sa aking lolo at lola. Cgeh a-, hindi ko na pinatapos ang kanilang sasabihin dahil antok na antok na talaga ako. Nagtungo na ako sa aking kwarto yung lagi kong ginagamit sa tuwing magbabakasyon ako. Pagpasok ko sa loob ay diretsong humiga na ako sa kama. "Hay! Nakakapagod naman ang araw na to" bulong ko sa aking sarili. Kasabay nito naramdaman kong bumibigat na ang mga talukap ng aking mata.
Nagising ako bandang alas dos ng umaga para umihi. Napakalamig naman ngayon, nangagatog na sabi ko sa aking sarili. Nakalimutan ko pa lang isara ang bintana ng aking kwarto. Akmang lalabas na ako ng kwarto ng makarinig ng mahinang tinig mula sa kung saan. U-u-u-u-un-n-n-na-a-a-a-an-n-n-ng-g-g i-t-t-t-ii-i-i-n--n-n-n-n-a-a-a-a-k-da-a--a--a, sabi ng kakaibang tinig. Tumingin naman ako sa bintana at napukaw ang atensiyon sa isang paniking nasa sanga ng puno. Nakatitig ito sa akin na tila nangungusap. Tinitigan ko lang ito at akmang magsasalita ng bigla na lang itong lumipad palayo. Matapos nun ay hindi ko na narinig muli ang tinig na yon, "Sobrang weird naman nun, teka sandali nga lang, parang narinig ko na kung saan ang salitang yun.Unang Itinakda?, takang tanong ko sa aking sarili. Dahil sobrang ihing ihi na ako at feeling ko anytime soon ay sasabog na ang pantog ko ay mabilis pa sa alas kwatrong nagtungo sa CR.
*********************************
Hope you enjoy it.Up Next: PROPESIYA: MULING PAGKIKITA
BINABASA MO ANG
BOOK OF PROPHECY (Ongoing)
FantasyI am chosen for a reason, to fight for what is right.