PROPESIYA IX: ORION

26 4 2
                                    

++++++
Kinabukasan ay maagang nagising si Raven dahil excited na itong malibot ang sentro ng Exorceria kung saan nakatayo ang Lumiere Castle na pinamumunuan ni Prinsesa Serina. Tumayo ito sa higaan at humarap sa human-size mirror at mariing sinuri ang sarili. Napansin nito ang pagbalik ng natural na kulay ng kanyang balat. Medyo mahaba na rin ang buhok nito at kapansin-pansin na lumaki ng bahagya ang katawan nito. Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang atensiyon ay ang marka sa kanyang kanang kamay, ang simbolo na hugis "Rho". Nakaramdam ito ng pagkalam ng sikmura at agad na tinungo ang maliit na kusina sa silid kung saan ito naconfine. Nahagip ng kanyang mata ang isang lunch box na may nakadikit na isang maliit na papel, isang sticky note.

Raven,
Kumain ka ng madami. Umuwi ako sa atin para mailuto itong paborito mong sinigang na bangus. Babalik ako mamayang 0730H para sunduin ka.
Lablab;
Lola

Pagkabukas palang ni Raven sa isang heat-resistant lunch box ay naamoy kaagad nito ang maasim na fume ng sampalok sa sinigang na bangus. Umuusok pa rin ito na halatang kakaluto pa lamang. Naglalaway na nilantakan kaagad ito ng bata na parang wala ng bukas. Nakaubos ito ng five (5) cups of rice at nasaid na din pati ang tinik ng isda. Tila wala itong patawad kahit ang ulo ng isda ay simut-sarap. Nagpahinga muna ito ng sampung minuto bago tinungo ang banyo. Naroon na rin ang susuotin nitong isang V-neck mint green shirt, isang sweat shorts at undergarments. At katulad ng sa lunch box may nakalagay ulit ditong sticky notes.

Raven,
Ayusin mo ang pagligo mo. Gamitin mo ang sabon na nandyan kasama ang shampoo. Ilang linggo kang hindi nakaligo kaya magkuskos ka ng maayos.
Lablab,
Lola

Hindi nito alam kung anong mararamdaman, kung matutuwa ba ito dahil sobrang concern ang kanyang lola or maiinis dahil tama ang sinabi nito sa sulat. Sa bandang huli pinabayaan niya na lang ito. Inabot ng halos veinte minutos ang pagligo ni Raven. Sakto namang pagkalabas nito ng banyo ay ang pagdating ng kanyang Lola Louisea at Tatang Lucio.

"Oh Raven, handa ka na ba?", tanong ni Louisea rito. Si Lucio naman ay pinakikiramdaman ang sarili na tila hindi mapakali. "Opo Lola", puno ng excitement na tugon nito.

Kasalukuyan silang nasa sentro ng Exorceria, ang Lumiere Kingdom. Noong una ay naninibago pa ito sa mga elf na nakakasalamuha. Pero di rin nagtagal ay naging kumportable na ito. Kilalang kilala kasi ang Lola nitong si Louisea at Lolo nitong Lucio sa buong Exorceria. Sino ba namang hindi makakakilala sa mga bayaning nagsalba sa kanilang mundo. Napakagarbo at organize ng kahariang ito. Sa t'wing napapadaan sa kanilang harapan ang mga castle knights ay nagba-bow ang mga ito sa kanila.

Patuloy lang sa paglilibot ang tatlo ng makarinig sila ng hiyawan sa likod ng isang establishment. Nagmamadaling tumakbo roon ang batang si Raven out of curiosity. Sumunod naman ang dalawang nakakatanda at doon tumambad sa kanila ang isang bilog na ring kung saan may naglalaban na dalwang elf. Hindi mawari ni Raven kung ano meron ngunit nasagot din kaagad ang tanong nito ng marinig niyang nag-uusap ang dalawang elf na kasing tangkad nito.

"Ito pala ang Elvoire Weekly Tournament na sinasabi sa akin ni ama", wika ng lalaking elf.

"Oo, diyan nagpapagalingan ang mga tulad nating spell casters sa paggamit ng Elvoire", balik na tugon naman nito.

"Ayan na si Laxius", sigawan ng ibang nanonood na elf. "Mukhang siya na naman ang mananalo",wika ng isa pang lalaking elf. "Wala pang challenger na nakatalo sa kanya", pag-sang ayon naman nito sa kausap.

Tila may kung anong bagay ang gustong kumawala sa sikmura ni Raven dahil sa sobrang excitement. Umakyat sa ring ang isang lalaking elf na naka-army cut. Malaki ang katawan nito na alam mong hinasa ng panahon. Mayroon itong luntiang Elvoire sa kaliwang baywang at isang bughaw na punyal naman sa may bandang tuhod. Nakasuot lamang ito ng isang tribal attire. Napansin naman ni Raven ang markang sa kanang balikat nito. Ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita maging ang tawag dito. Muling naghiyawan ang mga manonood ng umakyat sa ring ang isang ubod ng laking elf na may hawak na malaking baseball bat na may tinik.

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon