[Alex's POV]
Fck. Bat nandito tong lalaking to?!
Kung nandito sya ede ibig sabihin narinig nya yung sinabi ko?!Sheeeesssh!!
"Oi babe nandito ka pala, bakit mo ko iniwan sa loob? Namiss kita agad" Sabi ni Inigo sakin habang papalapit saken at umakbay tapos pinisil ang ilong ko.
Yuckkk! Naririndi ako sa sinasabi ng lalaking to.
Bakit ba kasi si Inigo yung naisip ko? Dapat nag isip na lang ako ng ibang pangalan, yan tuloy baka nag assume yan na may gusto ako sa kanya.
Ang tanga mo tlaga Alex, di ka nag iisip.
"Hey Alex, you didnt told me that your my brother's girlfriend huh?" may biglang lumitaw na babae sa harapan ko and to my surprise si EunJi pala ito. woah! dont tell me magkapatid silang dalawa?!
Small World! So small!
"Oi pare, ano pala ang pinag uusapan nyo ng GIRLFRIEND ko?" geeez, goosebumps.
"Wala lang pare, kinamusta ko lang sa kanya kapatid ko." tumango tango naman tong gagong Inigong to, feel na feel nya talaga yung pagakbay sakin ah?! "Pano ba yan? Mauna na ako sa inyo, marami pa kong chiks na naghihintay saken dun." nakipag high five lang si Inigo kay Andrew at bago pa man sya makalagpas sa akin, bumulong muna sya sa akin.
"Good Luck" sabay smirk at tinignan ko naman sya at poker face pa rin ako kunwari di affected pero deep inside natatakot na kasi lalaki pa rin sya no.
Nagsmirk lang din naman ako at umalis na sya.
"Andrew pasabay!" sabi ni EunJi at umalis na silang dalawa.
Tinignan ko si Inigo at ang lapad naman ng ngiti ng loko.
Tss. feel na feel nya tlaga yung joke ko. Feeler.
Kumunot yung noo nya at parang nagtatanong kung bakit ako nakatingin sa kanya tapos tinignan ko naman ang kamay nya na nakaakbay pa rin sa shoulders ko. Tinanggal nya naman ito agad at kumindat sakin.
Grrr. Nakakakilabot.
"May HD ka pala sakin eh" what? di lang pala to feelingero eh, assuming din pala to. Ano daw? May HD daw ako sa kanya?! WTH' kailangan ko ng sabihin sa kanya ang nangyari parad naman di na to umasa na may HD ako sa kanya. Tsh.
"Thank you." sabi ko sa kanya, kumunot nanaman noo nya. "What i said earlier is just a joke. Stop assuming" tumawa naman sya ng malakas.
Annoying -___-
Nanotice nya ata na malakas na yung pagtawa nya na para na syang baliw. Inayos nya naman sarili nya at tumayo ng maayos tapos tumingin sa akin.
"But you owe me twice" sabi nya sakin na nakacross arms,
Psh. He helped me earlier, so anong gusto nyang mangyari? lumuhod ako sa harapan nya aat magpathank you ng paulit ulit? maging slave nya kagaya ng ibang characters sa wattpad stories? Pero, what if yun nga yung gusto nyang mangyare? waaaah! i'm not gonna do it.
Di naman nya ata gagawin yun. Tsh.
Bat ba ko natatakot? Tss."So what do you want?" nagcross arms din ako at tinignan din sya. Nag akto sya na parang nag iisip
Nilapit nya yung mukha nya sakin...
"A one day date with me" tapos nagsmirk sya.
A date? With him?
For pete's sake! I cant last a day with him!!Tinitigan ko lang din sya habang nag iisip.
"Pero pag di ka pumayag, ipagkakalat ko sa buong campus na may HD ka saken tapos sasabihin ko rin na pinagkalat mo pa na boyfriend mo ko" sabi ni Inigo sabay nakakaloko na ngiti.
This guy! This guy really annoys me!! He really know how to annoy me! God!
"K then, di ka lang pala feeler, tsismoso ka din pala" sabi ko, no choice na ko eh kesa naman na ipagkalat nya sa buong school na may gusto ako sa kanya, yoko nga!
Wala naman siguro masama kung papayag ako.
"YES!" tapos tumalon sya with matching pagsuntok pa sa hangin.
Ayy? Ginawang punching bag ang hangin? Sira pala to eh -__-
"Susunduin kita bukas sa bahay nyo ha, 8am" sabi nya
"K" Tss. Alam nya kaya address ng bahay namin? Hahahaha. Bahala syang maghanap ng lungga ko.
Pumasok na ko sa loob ng bar iniwan sya dun sa labas at pagkapasok na pagkapasok ko yung mukha agad ni Andrew ang nakita ko habang pinalilibutan ng mga babae.
Nakita nya kong nakatingin sa kanya pero agad naman akong umiwas ng tingin tapos dumeretso na lang ako sa may Bar Counter.
Di na ko ulit umorder ng maiinom kase hilong hilo na talaga ako.
Biglang nagvibrate ang phone ko.
Si Chief Inspector Santos pala to, pinaimbestigahan ko kasi yung si manong na nagligtas sa amin ni mommy, gusto kong malaman ang tungkol sa kanya at pati na rin sa batang nagcomfort sa akin nung trahedyang yun.
Sinagot ko naman yung tawag.
"Details?"
(Napagalaman ko na ang pangalan ng lalaking lumigtas sa inyo ay si Richard Fajardo, isa syang businessman at kilalang isa sa mga business tycoons sa Korea, sya ang nagmamay ari ng FaLee Corporations, auto cars yung field ng business nila at bali balita rin na ito yung pinakamalakas na corporation ng auto sa Korea. May asawa't mga anak na sya. Ang asawa nya ngayon ang kasalukuyang nagmamanage ng business nila. Half Korean yung asawa nya, nagngangalang Catherine Lee Fajardo. May dalawa syang anak na mga lalaki at ang panganay na anak nya ay sya yung tinutukoy mo na kasama nyang bata nung nadisgrasya kayo. Sya si Kurt Lee Fajardo, 18 yrs old at yun lang ang nabasa kong mga impormasyon tungkol sa kanya at ang kapatid nyang si Kern Lee Fajardo, 7 yrd old. yun lang ang mga napagalaman kong balita tungkol sa pamilya ng lalaking nagligtas sa inyo na si Mr. Richard Fajardo)
"Ah, Salamat" inend ko na yung tawag.
Saan na kaya yung lalaking yun? Sana naman makita ko na yun para naman mapasalamatan sila sa pagligtas ng tatay nila samin ni mommy kahit na yung bunso nyang kapatid ang makita ko basta mapasalamatan ko lang sila. Bigla na lang kasi syang nawala nung gabing yun.
"O? Sir Kurt? Ngayon lang ulit kita nakita dito ah, Nakabalik ka na pala dito sa Pinas" otomatik akong napalingon doon sa nagsalitang bartender at napatingin ako sa lalaking tinawag nyang Sir Kurt.
Sya na ba to?
Sya na nga ba to?"Yup. Give me some drink." sabi nya dun sa bartender.
Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa napatitig na din sya sakin, umiwas naman agad ako at tinuon ang sarili ko sa phone ko kunwari nagtetext yun pala nagtatype type lang.
Sinilip ko ulit sya ngunit wala na sya dun sa inuupuan nya at nakita ko syang papalabas na. Sinundan ko sya, ang bilis nyang maglakad.
Pagkalabas ko sa bar hindi ko na sya makita.
Haaaay! I lost him! Dapat nilapitan ko na lang sya kanina.
"Stalker" nagulat ako dun sa boses na bigla ko na lang narinig at lumingon ako.
-------------------------------------------------
Ano kaya ang role ni Mr. Kurt Lee Fajardo sa buhay ng ating bida?
Sya na kaya ang makapagpapabago ng ugali ng ating bida.Mr. Kurt Lee Fajardo ---------------------->>>>>>
Nasa side..
Abangan!

BINABASA MO ANG
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...