#7

908 23 4
                                        

[Andrew's POV]

Teka?

Sino ba yun?

"Tss." o.0

Tumingin ako sa kaliwa pati na rin sa kanan.

Wala namang tao ah.

"Up here" tumingala ako at dun ko nakita ang kanina ko pa hinahanap.

"Tanga" Bumaba sya at humarap sa akin.

"Wag mong ipagpilitan sarili mo sa ayaw na sayo"

Narinig nya yung pinag usapan namin ni Ellise kanina??

What the....

Nakakahiya! May nakakita na ng weak side ko. Sht.

"Kung ikaw kaya nasa sitwasyon ko"

Yan na lang ang nasabi ko, tutal alam nya naman.

"Walang mangyayari sayo kung magmumukmok ka na lang dyan"

Umupo sya ng medyo malapit sa akin.

"Sa mahal ko eh" mahal ko naman tlga si Ellise, Sobra. Sya lang ang pinakaunang babae na nagpatibok ng puso ko ng ganto.

"Sa ayaw nya na sayo eh" napatingin ako sa kanya.

Tss. Alam nya na tlga lahat.

"Pag sinabing ayaw, AYAW. Wag mo nang ipagpilitan sarili mo. Wala kang mapapala dyan, Trust me"

Andame tlagang alam ng babaeng to.

"Tss" Napatingin sya sakin.

Ngayon ko lang napansin ang mga mata nya, ang ganda.

"Pero mabuti na lang at nakipag hiwalay sya sayo"

Huh?

"What do you mean?"

Ano bang pinagsasabi ng babaeng to.

"Sino ba kasing magtatagal sayo eh ang sungit mo, mayabang, swapang, feeling hari, attention seeker, feeling gwapo----"

"So, sinasabi mong pangit ako? ha?" lumapit ako sa kanya at mukhang nagulat sya.

"Ito ba yung sinasabi mong pangit?" lumapit pa ko sa kanya habang sya naman ay hindi makatingin sa akin.

"Oo" umiiwas sya ng tingin sa akin pero parang pinapanatili nya pa rin yung walang emosyon nyang mga mata.

"Tumingin ka kaya sa akin para masabi mo kung pangit ba talaga ako" bumuntong hininga sya at tumingin na rin sa akin.

Mukhang naiba yung aura nya kesa kanina, wala ng emosyon ang kanyang mukha at ang mga mata nya blanko, wala akong mabasa.

"Ugly" sabi nya ng nakatingin ng diretso sa akin.

"Alam mo ba ganyan yung mga style ng mga babae ngayon? Yung tipong sasabihan nila na pangit daw yung lalaki at hinding hindi daw nila magugustuhan yung lalaki pero deep inside pala may nararamdaman pala sila dun sa lalaki??" Tumingin ulit ako sa kanya ng masinsinan.

Kumunot noo nya at nagsmirk at tumingin ulit sa akin.

"So you're telling me that i have a crush on you?"

Tumango ako sa kanya. "Alam mo Tommy madali naman akong kausap eh, umamin ka na kasi. Halata na eh"

"Wait! what did you just call me? I'm Tommy?"

Hahaha.. mukhang hindi nya pa alam yung tawag ko sa kanya.

"Yup, T-O-M-M-Y, TOMMY. Short for Tomboy" hahahaha.. mukhang naiinis na tong si Tommy sa akin dahil sa sinabi ko.

Ms. Varsity Player ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon