[Alex's POV]
School Time!
Nyay!
Nakakatamad (_ _)
"Ui, Tres" tinawag agad ako ni dos pagdating ko sa gym, sya pa lang kasi yung tao dito.
Ang aga ko no? Hehe :))
Lumelevel up!
Tinignan ko lang sya tapos lumapit naman sya sakin.
"Aga na natin ah" nang asar pa tong gagang to, ito naman talaga ang gusto nila ah? Yung maaga pa ko. Tss. Magpapalate ako ulit, sige ka! di kayo makakaprakts.
"Tss" naglakad na lang ako ng mabilis papunta sa lockers room para ilagay ang mga dala kong gamit at pagkatapos ay dumeretso na ko sa court kung na saan si Dos.
Humiga ako sa Bleachers habang si Dos naman ay nagstrestretching.
Iidlip muna ako habang wala pa sila. Maaga pa naman eh.
"Close pala kayo ni Andrew ah"
o_0 What? Napabangon ako sa sinabi ni Dos.
"Why?" teka? dont tell me alam nya ang nangyari doon sa bar nung isang gabi? ang bilis nga naman ng tsismis oh.
"Wala lang, pumunta kasi sya dito, actually nung pagdating mo kanina kaaalis nya lang nun."
Bat naman pumunta yun dito? Close na ba kami agad porket pumunta sya dito.
"Porket ba pumunta sya dito, close na kami?"
"Tanga! Alam ko, di mo ko pinapatapos eh. Tapos yun nga pumunta sya dito.. May hinahanap daw sya, Tommy nga yung tawag eh, tapos dinescribe nya sakin yung si Tommy, sabi nya matangkad daw, pangit, parang tomboy, walang kaapil apil, hindi palaayos tapos yung mga mata daw ay walang reaksyon eh sino pa ba yung may ganong mga mata? Diba ikaw?"
Nanglait pa talaga yung gagong yun ah.
"Tinanong ko sya kung bakit kaso sabi nya wala naman daw. Lakas din ng trip nung lalaking yun no."
Psh. Wala daw, Ano naman kaya ang trip ng lalaking yun..
"Tch. Eh anong close dun?"
"Meron pa! May dala syang flowers! Ayieeee! Yun yung sinasabing close, baka hindi nga lang close eh, baka lovers!" may papalakpak palakpak pa si Dos.
Napaubo naman ako sa sinabi nya.
Lovers? Eeeeeew! No way! Yuck.
Imposibleng maging lovers kami nun, daig pa namin sina Tom and Jerry kung mag away.
"Watch your words" tinignan ko sya ng masama tapos pumara naman sya sa pagpalakpak at nagstretching na lang ulit.
"Pero tres ah, ang pogi nya pag malapitan. Umamin ka nga sakin, bat may dalang flowers yun at hinahanap ka? Kayo no?" lumapit si Dos sakin at umupo sa harap ko.
"I'd rather die" sabi ko sa kanya at humiga ulit sa bleachers.
"Eh bakit ka nga nya hinahanap?" pangungulit sakin ni Dos.
Bakit nga ba pumunta yun dito? Tapos may dala pang flowers.. Ano ba talaga ang trip ng lalaking yun.
Ah ewan ko dun sa ulupong na yun.
"Ask him."
"Eeeeeee, Sige na Tresss, ano bang koneksyon nyong dalawa?"
"I'm just the victim in here ok? He's the suspect. Ask him why" natulog na ko ulit at tumalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...