[Alex's POV]
Tss. Walangyang lalaki yun.
Makaapak naman sya sa kamay ko parang close kami ah.
Kainis!
Ansakit tuloy ng kamay ko.
Mabuti na lng at yung kaliwang kamay ko yung naapakan nya, kung yung kanan lang tlga ang naapakan nya.Nakuuu!! Di lang suntok abot nya sakin at baka mapatay ko pa sya! Tss. Maapakan nya na lahat, wag lang kanang kamay ko at baka hindi ako mkapaglaro ng maayos. Haaay!
At eto pa ang nakakainis sa lahat, hindi man lng sya nagsorry sakin? Biruin nyo yun?! Sya yung hinihintay kong magsorry pero hindi nya nagawa eh.
[FLASHBACK]
"Aray!"
Pucha! Ang sakit nun ah. Sino bang asong ulol na to ang nang apak ng kamay ko? Di nya man lang ba napansin na may taong natutulog dito?
Naramdaman kong inapakan nya pa ulit kamay ko.
Pero this time di ko na palalamapasin to! Ikaw ba namang apakan yung kamay mo ng napakalaking paa at 2 times pa ha! 2 times!
Masakit kaya!
"Taena! Nakakadalawa ka na ah!"
Tumayo ako habang hawak hawak ko yung kaliwa kong kamay na baldado.
Tiningnan nya lng mukha ko na parang nacucurios sya sakin.
Sige lang, pagmasdan mo lng mukha ko. Tatamaan ka talaga saking hudas ka.
"Excuse me miss, have we met?"
Pucha! Akala ko magsosorry sya tapos dadaanin nya lang ako sa ganyan?
Simpleng SORRY lng di nya pa magawa?
Lalaki ba tlga sya? Babae ako, Heloooo?!
Inapakan nya kamay ko tpos hindi sya magsosorry?
Anong klaseng tao sya? Ayy! Hindi pala sya tao kasi HAYOP sya!
Binibwiset ako ng lalaking to eh, maturuan nga ng leksyon.
"Woah! What was that?!"
Halata sa lalaking ito ang gulat sa ginawa ko sa kanya.
At anong ginawa ko sa kanya?
Sinapak ko po sya sa mukha mga kaibigan!
Kasalukuyan pong hawak hawak nya yung mukha nya kung san ko sya sinuntok.
"Di ba obvious?"
Makalayas na nga, Nakakabanas itong lalaking to eh.
Habang naglalakad ako palayo sa kanya bigla syang nagsalita.
"Hey Hey! Where do you think you're going?? Aalis ka na lang ng hindi man lang nagsosorry sakin sa ginawa mo sa gwapo kong mukha?"
Aba't! Ang electric fan naman tlga ng lalaking to ah!
t(-_-)
"Thats my sorry"
Buti nga sayo. Ang hangin hangin nya, kanina pa sya sa canteen eh. Akala mo kung sinong hari. Porket madami lang syang fangirls akala nya kung sino na sya.
Iniwan ko na sya doon sa rooftop.
Pinagpawisan ako dun ah, mapunas nga.
Teka, asan na ang hanky ko? Sh*t, naiwan ko sa rooftop!
Buti na lng hindi pa ko nakakalayo.
Pagbalik ko dun sa rooftop nakita ko yung lalaking nasuntok ko na hawak hawak yung hanky ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...