#13

824 27 6
                                    

[Kurts POV]

"Iho bangon na, tanghali na"

Mmm. Napamulat ako sa boses ni manang.

"5 minutes" sabi ko sa kanya habang nakadapa pa rin sa kama ko.

"Malelate ka na sa klase mo, sige ka.. Unang araw mo pa naman sa skwela tapos magpapahuli ka. Di pwede yan" haaay si manang, di talaga paaawat.

Umupo ako sa kama at tinignan ang orasan sa side table ko.




Watdapak?! 5:45 am?! Ito ba yung tanghali na para kay manang?!! Kita mo nang ang himbing himbing pa ng tulog ko.. Haaaay.

"Manang naman, 5:45 pa lang naman eh. Ang aga aga pa kaya." Pagmamaktol ko kay manang at akmang matutulog na ako ulit ng magsalita ulit sya.



"KURTOY! Isa!" Sigaw ni manang na may halong inis at yan na ang senyales na wala ka na talagang magagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Dali dali akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo.








Pagkatapos kong magbihis dumeretso na ko sa kusina para kumain ng almusal.

"Good Morning" walang gana kong bati kay manang kasama ang kapatid kong si Kern na nag aalmusal na rin.

"Still sleepy Hyung?" Tanong sakin ng kapatid ko. Ganyan talaga yan kung kumausap sakin.

"Ne." Tipid kong sagot sa kanya habang umiinom ng kape.

"Andame mo sigurong ginawa sa opisina nyo no. Haaaay naku! Kaya ka hindi nagkakalovelife dahil dyan sa trabaho mo. Mapagsabihan nga yang si Catherine na bawas bawasan na yang trabaho mo sa opisina para naman maenjoy mo yung pagiging binata mo, hindi na yung binubugbog ka sa trabaho." Blah blah blah.. Ayan nanaman sya.

Si manang na ang tumayong nanay ni mommy simula nung sya ang nag alaga sa kanya, palagi kasing busy sina lolo at lola kaya ganun. Hanggang sa ngayon na parang sya na rin ang tumatayong nanay nanayan namin dahil wala din dito si mommy kasi nasa Korea para sa trabaho.

"Kumain na lang ho kayo." Sabi ko kay manang habang sumusubo ng pagkain.

Si nanay talaga, wala ng inatupag kundi lovelife ko..

Wala pa kasi akong dinadalang babae dito sa bahay kaya ganyan yan. Nakadalawa na rin naman akong girlfriend sa 18 years kong pananatili dito sa mundo pero dun sa dalawang yun walang tumagal ng 1 month. Madali kasi akong magsawa sa babae kaya panandalian lang at masyado kasing demanding yung dalawang ex ko.




"Alis na ho ako" sabi ko kay manang at sumakay na sa kotse ko.

"Sige iho, ingat ka sa pagdradrive. Dito ka pa ba matutulog mamaya?" Tanong sakin ni manang.

"Di na ho ata. Dun na ho ako sa condo ko. Sige ho." At umalis na nga ako sa bahay papuntang school.







Pagdating ko sa school, pinark ko na agad yung kotse ko at dumeretso ako sa admin para makuha ang I.D ko at schedule ng klase ko.

Habang papunta ako sa admin nadaanan ko yung park kung saan kami nakita nung si Ms. Varsity Player, di ko pa kasi alam yung pangalan nya eh.


Sa pagkakaalam ko ito yung isang gymnasium ng school para sa volleyball courts.


Dahil sa curious ako, dinala ako ng mga paa ko dun sa gymnasium at akmang papasok na ko dun sa pintuan may narinig ako na parang may nagtatalo.
Tumingin ako sa side ko at may nakita akong dalawang lalaki na nagtutulakan.



"Kapitan naman kasi, ibigay mo na.." Sabi nung lalaking may hawak na flowers at binigay dun sa tinatawag nyang kapitan.

"Eh bat ba kasi ako? Eh ikaw naman yang gustong magbigay nyan" pagsusungit naman nung kapitan.

"Eh talo ka nga dun sa bato bato pik" sabi naman nung namimilit.

"Hay! Kung di mo lang talaga ako ginawan ng assignment baka pinalamon ko na sayo tong flowers mo." Halatang naiinis na talaga yung matangkad na lalaki dahil sa kakulitan nung kasama nya.

"Tabi jan! Pag may nangyari saki dun sa loob, malilintikan ka talaga sakin." Sabi nung lalaki at napatalon naman sa tuwa yung kasama nya.


Papasok na talaga sana ako sa Gymnasium ng tinawag ako nung lalaki.

"Pre! Papasok,ka sa loob?" Tanong sakin nung lalaki. Tumango naman ako.

"Pakibigay nga to dun kay Alex, pinapabigay kamo nung umaasam na maging boyfriend nya." Sabi nya at tinuro nya naman yung kasama nya na nakaupo na sa isa sa mga benches doon sa park habang kumakain ng saging.

"Sure." Kukunin ko na sana yung flowers kaso nagring yung phone ko.

Tinignan ko yung screen kung sino yung tumatawag at nakita ko yung pangalan ng secretary ko.

"I'm sorry, i gotta answer this first. Ikaw na lang ang bumigay" sabi ko sa kanya.

"Oh, its ok. Go ahead." Sabi nya at tumango na lang ako sa kanya at lumayo na.







[Andrew's POV]


Paktay!! Pano na ngayon yan??
Yung lalaki na yun sana ang sagot dito sa problema ko..
Pahamak talagang Inigong yan!

Pano ko to ibibigay? Baka isipin pa ng mga kasama nya dun na may gusto ako sa kanya..


"Grrrrrr" sabi ko sa sarili ko.

Pano ko ba to ibibigay? Pagprapraktisan ko na nga lang..
Humarap ako sa pintuan at kunwari si Tommy yung pintuan ng gym nila.

"Ehem, ehem..... Tommy para sayo daw" tapos pag nasabi ko yun ibabato ko sa kanya yung mga bulaklak at aalis ng walang paalam. Tama!!

Kaso, baka isipin naman nung mga kasama nya na ang sungit sungit ko. Iba na lang, iba na lang.
Humarap ulit ako sa pintuan.

"Uhm, Tommy..... Pinapabigay pala sayo ni Inigo. Hehe *kamot sa ulo*" anubayan! Baka isipin naman nung Tommyng yun na mabait na ako sa kanya.. Ayoko nga.

Iba na lang.


"Tommy----"











"Bakit?" Nilingon ko yung biglang nagsalita at pagkalingon ko nakita ko si Tommy na nakasandal doon sa poste malapit sa akin.

Pucha! Kanina pa ba sya dyan?? Baka narinig nya yung mga pinagsasalita ko dito..


"K-k-ani-na k-ka pa d-d-yan?" Nauutal kong tanong sa kanya ng dahil sa hiya.


"Hindi." Tipid nyang sagot sa akin.


Napansin kong kinakawayan ako ni Inigo na para bang kinukuha ang atensyon ko.
Pagkatingin ko sa kanya sinenyasan nya ako na ibigay ko na daw kay Tommy yung flowers.


"O. Pinapabigay ng boyfriend mo daw" Sabay lahad ko sa kanya ng mga bulaklak.
Tignan nya muna ang mga bulaklak at tsinek nya isa isa yung mga bulaklak.

"Hoy! Walang bomba dyan at kung anu ano pang maaaring ikamatay mo kaya di mo na kailangang icheck yan" sabi ko sa kanya pero patuloy nya pa ring chinecheck yung mga bulaklak.
Kinuha nya yung natatanging white rose na nasa gitna ng mga red roses sa bouquet. Yun kasi yung design.


"Next time, pakisabi sa kaibigan mo na kung magbibigay sya sakin ng bulaklak siguraduhin nyang hindi red rose. Tatanggapin ko lahat na mga bulaklak wag lang red rose. Salamat" at pumasok na sya sa loob. Lumapit kaagad sa akin si Inigo.


"O kapitan? Bakit isa lang ang kinuha nya?" Tanong sa akin ni Inigo.

"Next time, pakisabi sa kaibigan mo na kung magbibigay sya sakin ng bulaklak siguraduhin nyang hindi red rose. Tatanggapin ko lahat na mga bulaklak wag lang red roses. Salamat" panggagaya ko sa sinabi ni Tommy kanina. "Yun ang sinabi nya." Binigay ko sa kanya yung bouquet nya na puro red roses na lamang ang naiwan.






"Bakit kasi red roses?" Nagulat kaming dalawa ni Inigo sa biglang nagsalita at nilingon namin kung sino yun.

Nakita namin si Andy kasama ang kateammate nya at sya yung nagsalita kanina. Lumapit sila samin.

"Ano bang meron sa Red roses na yan?" Tanong ko dun sa kasama ni Andy.

"Ito lang ang maipapayo ko sa inyo ha, kung magbibigay lang naman kayo kay Alex ng bulaklak, wag yung Red roses dahil kasama sa dark past nya ang mga letcheng red roses na yan." Sabi nung kasama ni Andy.

"Dark past?" Tanong naman ni Inigo sa kanya.

"Basta, wala ako sa posisyon para sabihin yan." At nilagpasan nya na kami.

"Yan kasi! Tanong tanong muna pag may time...."pailing iling na sabi ni Andy kay Inigo. "....kaya narereject eh." Kinuha ni Andy yung bouquet kay Inigo "Akin na nga lang to, mabuti na tong itanim sa garden ng bahay para naman magkaroon na ng rose doon."

"Sige sayo na yan. Wala ka pa kasing experience sa mga ganyan." Sabi ni Inigo kay Andy.

"Hoy! For your information, araw araw akong binibigyan ng mga bulaklak no!" Ganti naman ni Andy kay Inigo.

"At anong mga bulaklak naman yon? Makahiya? Kalachuchi? Santan?Hahahahahahahahahaha!!!!" Sabi naman ni Inigo.

"Huy! Tama na yan. Magtretraining pa tayo at tsaka wag nga kayong magharutan dito, pinagtitinginan na kayo oh." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Tara na nga Kapitan. Baka mapahiya pa ko dito kasi may kasama akong isip bata. Di pwede yan" sabi ni Inigo at nagsimula na kaming lumakad pabalik sa kabilang gym kung saan naroon ang basketball court.



"HOY! HIYANG HIYA NAMAN AKO SA UNGGOY NA TO!!" Ganting sigaw naman ni andy.







"Next time, pakisabi sa kaibigan mo na kung magbibigay sya sakin ng bulaklak siguraduhin nyang hindi red rose. Tatanggapin ko lahat na mga bulaklak wag lang red rose. Salamat"


"Next time, pakisabi sa kaibigan mo na kung magbibigay sya sakin ng bulaklak siguraduhin nyang hindi red rose. Tatanggapin ko lahat na mga bulaklak wag lang red rose. Salamat"


"Next time, pakisabi sa kaibigan mo na kung magbibigay sya sakin ng bulaklak siguraduhin nyang hindi red rose. Tatanggapin ko lahat na mga bulaklak wag lang red rose. Salamat"

"Next time, pakisabi sa kaibigan mo na kung magbibigay sya sakin ng bulaklak siguraduhin nyang hindi red rose. Tatanggapin ko lahat na mga bulaklak wag lang red rose. Salamat"



Di pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Tommy kanina. Ano bang problema nya sa Red Rose? Paborito nga yun ng karamihang babae eh.


"Ito lang ang maipapayo ko sa inyo ha, kung magbibigay lang naman kayo kay Alex ng bulaklak, wag yung Red roses dahil kasama sa dark past nya ang mga letcheng red roses na yan."

"Ito lang ang maipapayo ko sa inyo ha, kung magbibigay lang naman kayo kay Alex ng bulaklak, wag yung Red roses dahil kasama sa dark past nya ang mga letcheng red roses na yan."


"......dahil kasama sa dark past nya ang mga letcheng red roses na yan."

"......dahil kasama sa dark past nya ang mga letcheng red roses na yan."

"......dahil kasama sa dark past nya ang mga letcheng red roses na yan."





Haaaaaay! Pinapahirapan mo ako Tommy!
Una, di sya nangiti sa mga lalaki.
Pangalawa, ayaw nya naman sa mga Red Roses.
At ang pagiging cold nya, dyan ako mas lalong curious.


Sino ka ba talaga Tommy?


[Alex's POV]

Nandito ako sa CR nagkukulong.
Ayaw ko munang lumabas dahil may naalala nanaman akong mga pangyayari sa nakaraan. Mas mabuti nang dito na muna ako para malabas ang lahat ng sama ng loob ko na dala ko pa rin hanggang ngayon.



[Flashback]



Ang saya saya ko ngayon dahil magkasama kami ng pinakamamahal kong bestfriend na ngayon ay SA WAKAS naging boyfriend ko na na si Kier!! Sya ang first love at siguro sya na rin ata ang magiging forever and last love ko.
Haaaaaay! Sana nga!!
At tsaka kaya masaya ako kasi 1st monthsary na namin ngayon ni Kier as a couple!
Syempre naman sa 1 month na yun pinuno namin ng pag ibig ang bawat araw na magkasama kami.

"Alam mo Alex di ko talaga magawang tanggalin ang mga paningin ko sa mga red roses." Sabi sakin ni Kier.

"Huh? Bakit naman? May Elmer's Glue ba yang mga rosas kaya hindi mo magawang tanggalin ang mga paningin mo dyan?" Sabay tawa kaming dalawa dahil sa joke ko.

"Patawa ka talaga eh no." Sabi ulit ni Kier tapos ginulo nya ang buhok ko. "Kaya nga mahal kita eh." Sabi nya ulit sabay yakap sakin.

Enebe Kier kenekeleg eke! Hihihi.. Parang ako na ata ang pinakmagandang babae sa balat ng lupa.... WALANG KOKONTRA!

"Seryoso na, bakit nga ba?" Tanong ko ulit sa kanya habang nakayakap sya sakin.

"Hindi ko alam eh, basta pag nakikita ko yan sumasaya ako at hindi ko magawang tanggalin ang mga paningin ko dito ng dahil sa ganda nya..." Nakaramdam ako ng selos sa mga bulaklak kaya biglang sumimangot ang mukha ko ".....at ang mga rosas na yan ay parang ikaw, dahil sa tuwing nakikita kita sumasaya ako at sa tuwing nakikita kita hindi ko magawang tumingin sa ibang mga babae dahil sa kagandahan mo. Kaya wag ka nang sumimangot dyan." Tapos pinisil nya ang tungki ng ilong ko.

"Eeeeeeh... Makapisil naman to." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa ilong ko.

May biglang kinuha si Kier sa likod nya at ito pala ay isang bouquet ng mga red roses.
Paborito ko na talaga ngayon ang Red Roses!

"Happy 1st monthsary babe. I love you" binigay nya sakin yung bouquet at hinalikan nya ako sa labi.

Waaaaaah!! Ang sweet sweet talaga ng boyfriend ko! Kaya mahal na mahal na mahal na mahal ko to eh!

"Happy 1st monthsary din babe." Tapos niyakap ko sya.



*Riiiiiiiiiiiing!!*



Pagkatunog ng bell, tumungo na kami sa mga classroom namin.

Pagkaakyat namin sa floor namin, yung room ko muna ang nandoon kaya nagpaalam na ako sa kanya at pumasok. Yung room naman ni Kier ay nasa kabilang dulo bale magkabilang dulo yung rooms namin.

Pagkaupo ko sinalubong kaagad ko ng mga classmates ko at nagsipagtilian sila kasi sa binigay sakin ni Kier.

Sa gitna ng pagtsitsikahan namin nakramdam ako na parang naiihi ako.

"CR muna ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

Nasa kabilang side pa yung CR kaya medyo mahaba yung lalakarin ko pero ok lang kasi malapit naman dun yung room nina Kier.

Habang naglalakad ako papunta sa CR may narinig akong pamilyar na boses sa loob ng Janitor's Room, parang boses ni Kier eh.
Dahil sa curious ako nakinig ako sa pinaguusapan nila.

"Akala ko ba di mo na ako mahal?" Sabi nung lalaki. Sana hindi tama ang hinala ko.

"Mahal pa kita Kier! Ngayon ko lang narealize na ang tanga ko dahil pinakawalan kita! Ngayon sabihin mo, mahal mo pa ba ako Kier?" Tinabunan ko ang bibig ko dahil sa bigla.

Sabihin mong hindi Kier, plss.
Diba ako ang mahal mo?? Plss. Sabihin mong hindi.

Hindi makasalita si Kier sa pagkakaalm ko kasi wala pa ring nagsasalita sa loob.
















"Hahahahaha! Sabi ko na nga bang magiging effective yung pagiging girlfriend ni Alex sa akin. Ede napaamin ka rin na mahal mo pa akong talaga!!" Nagulat ako sa sinabi ni Kier.
Pakiramdam ko bumagsak puso ko sa sahig at biglang nadurog ng pino pino. Pakiramdam ko kawawang kawawa ako ngayon.

Hindi! Baka nagbibiro lang si Kier! Alm nyo naman ang taong yun, pabiro talaga yun!!
Pinapalakas ko lang loob ko pero unti unti ng bumabagsak ang mga luha ko.


"So you're telling me na trap nyo lang itong magbestfriend?" Tanong ni Bea sa kanya.

"Nope! Wala syang kaalam alam dito. Ako lang ang may pakana nito. Haaay! Di mo alam kung gano ako kasaya ngayong napaamin na rin kita." Sabi ni Kier at halatang masayang masaya sya.

"Eeeh! Nakakainis ka! Nag effort pa naman akong awayin ang babaeng yun dahil selos na selos talaga ako sa inyo!" Sabi naman ni Bea. "Pero ok lang atlist ako pa rin yung panalo kasi ako talaga ang mahal mo at hindi sya. Di ba magagalit yun sayo?"

"Di naman ata. For sure maiintindihan nya ako. Tutal mahal nya naman ako at syempre kung saan ako masaya dun din sya, yun naman ang sinabi nya sakin eh. Bestfriend ko ata yun" sabi naman ni Kier.


Hindi ko na talaga kaya to! Ang sakit sakit na ng pakiramdam ko.
Mga walang hiya kayo!!


Binuksan ko yung pintuan at nakita kong nagulat sila habang magkayakap.
Punong puno na ng galit ang puso ko. Wala na akong iba pang maramdaman kundi galit sa knilang dalawa!


"Alex?" Gulat na tanong ni Kier.


"Hahahahaha!! Congratulations sa inyo! Sa wakas at napatunyan ninyong mahal talaga ninyo ang isa't isa! Sa wakas at kayo talaga ang nagkatuluyan!" Kunwaring acting ko sa kanilang dalawa. "Bagay naman talaga kayo eh, pareho kayong mga manloloko!"

Nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko.

"Ikaw! Kier! Minahal na kita simula pa lang ng naging magbestfriends tayo. Ang saya saya ko nung mga araw na sinabi mong mahal mo rin ako. Grabe! Pakiramdam ko ako na ata ang pinakaswerteng babae sa buong mundo dahil mahal ako ng minamahal ko pero, p*tang in* lang ha, lahat pala yun kasinungalingan! *clap clap clap* Napaniwala mo ko kaya congrats sayo!" Binaling ko naman ang mga mata ko kay Bea na ngayon ay nakapulupot pa rin kay Kier "Ui! Sa wakas! Nakuha mo na ulit sya! Wala ka ng malalanding iba pang mga lalaki dito sa school kundi yang walang kwentang lalaki na yan! Mag sama kayong dalawa! Mga walang hiya kayo!"

Tumalikod na ako sa kanilang dalawa habang umiiyak, hahakbang sana ako papunta sa CR kaso pinigilan ako ni Kier.

"Alex! Wait!" Sabi ni Kier at hinawakan nya ang braso ko.

"Ay! May nalimutan pa pala akong sabihin sayo Kier. Diba sabi mo parang ako yung Red Roses na gustong gusto mo? Pwes tama ka nga, ako nga yun, kasi punong puno ako ng tinik na siguradong makakasakit sayo at hinding hindi mo na ko mahahawakan pang muli." Sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin sa kanya tapos tinanggal ko na ang pagkakahawak nya sakin at nagsimula na kong humakbang papuntang CR at doon ko binuhos ang iba ko pang mga luha.

[End]


"AAAAAAHHH!!!" Napasigaw na ako ng dahil sa sama ng loob.

Di ko talaga maiwasang umiyak sa tuwing naaalala ko ang nakaraan ko.

"AAAAAAAAAHHHHH! MGA WALANG HIYA KAYO! NILOKO NYO KO!" Patuloy pa rin ako sa pagsigaw.
Di ko makontrol ang sarili ko. Masakit pa kasi eh.



[Dos's POV]

Pagkapasok ko sa Gym, rinig na rinig ko ang sigaw ni Tres sa loob ng CR.

Lumapit ako sa may pintuan ng CR. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi.


Kailangan ako ni Tres ngayon! Tama! Kailangan nya ng kaibigan ngayon kaya bubuksan ko tong pintuan.

Hahawakan ko na sana ang door knob kaso may nagsalita bigla.

"Wag mong buksan yan, hayaan mo lang syang ilabas ang mga hinanakit nya sa loob. Alam kong nasasaktan pa rin sya ngayon." Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Coach na nakaupo sa bleachers.

"Pero Coach baka kung mapano sya sa loob." Sabi ko ulit kay Coach.

"No buts. Hayaan mo lang sya." Sabi ni Coach.


"AAAAAAAHHH! MGA MANLOLOKO! AAAAAAAAHH!!!" Sigaw nanaman ni Tres.



"Dos, sino yan? Si Tres nanaman ba??" Tanong sa akin ni Uno na kakadating lang kasama sina Sais, Cinco at Cuatro.

"Oo eh" sabi ko sa kanya.

*Blaaaaag!* may nabasag na kung ano doon sa CR. Baka ang salamin ng CR yun. Shet! Baka napano na si Tres dun.

"Coach baka kailangan na natin syang pasukin sa loob." Sabi ko kay Coach.

"No. Let her." Sabi ulit ni Coach.

"Ano bang nagyayari dito? At tsaka bakit nagwawala si Ate Tres?" Tanong ni Cinco. Si Cinco lang ang walang alam tungkol dito dahil baguhan pa lang sya.

Grabe ang impact nung nakaraan nya kay Tres. Naaawa ako sa kanya, siguro mahal na mahal nya talaga si Kier kaya apektado pa rin sya hanggang ngayon.

Sana maka move on na sya at sana may dumating na bago para lang malimutan nya na ang nakaraan nya.

Ikaw na ang bahala sa kanya God.

Wala na kaming nagawa kundi umupo sa bleachers malapit sa CR at hinantay na makalabas si Tres.

Habang nakaupo ako, Naalala ko naman yung nakaraan ni Tres.
Di ko ma imagine ha, ang saya saya nya nung araw na yun.



[Flashback]


Nakaupo ako ngayon sa desk habang hinihintay ang teacher namin.

Nakita ko sa may pintuan si Alex kasama ang boyfriend nyang si Kier.
Ang swerte talaga ni Alex kasi mahal na mahal sya ng boyfriend nya at mahahalata mo talaga dahil sa efforts na ginagawa sa kanya ni Kier.

Umupo na si alex sa upuan nya at inayos ang hawak nyang mga bulaklak. Nagsipagpuntahan naman ang mga classmates ko sa kanya at nagsimula na silang magtanong ng kung anu ano kay Alex tungkol sa boyfriend nya at nagsisipagtilian naman sila sa mga bawat salitang binibitawan ni Alex dahil ang sweet sweet talaga ni Kier kahit nga ako na nakikinig lang kinikilig din eh.

"Ang swerte mo talaga sa Boyfriend mo Alex no?" Sabi ko kay Alex at tumingin naman sya sakin na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Oo naman, syempre swerte din naman sya sakin kasi mahal na mahal ko sya! Hehe!" At nagsipaghiyawan nanaman ang mga kaklase ko.

Biglang nagdabog ang nerd sa mga kakalase namin tapos biglang umalis.

"O? Napano naman yun?" Tanong ng isa sa mga kaklase namin.

"Ewan, baka nainis sa mga equations sa math! Hahahaha" sabi naman ng isa sa mga kaklase ko.

"Sira, baka may pinagdadaanan lang. Hayaan nyo na lang" sabi naman ni Alex.

Nguya lang ako ng nguya ng bubble gum habang nakikinig sa usapan nila Alex.

"CR muna ako" biglang paalam ni Alex sa mga kaklase ko at umalis na sya.

Tumayo rin ako at pumunta sa labas para itapon yung bubble gum sa bibig ko, nasa labas kasi ng room namin yung trash can.
Ng nandun na ko sa may trash can nakita kong napahinto si Alex sa may janitors room.

Pinuntahan ko sya. Tatawagin ko na sana sya ng may marinig akong boses sa loob ng janitors room.

Narinig ko lahat ng mga pinag usapan ni Kier at Bea sa loob at nakita ko rin ang paghihinagpis ni Alex at ang galit nya sa dalawa.

Pagkatapos nyang pagsabihan yung dalawa dumeretso sya sa CR at sinundan ko naman sya.
Pero bago pa ako makapunta sa CR nakita ko muna sa isang sulok yung kaklase kong nerd na nakatingin sa direksyon ni Alex pero di ko na sya pinansin dahil nag aalala ako kay Alex.

Sinubukan kong buksan ang pintuan ng CR pero nakalock ito.

"Alex, si Jina Rey to. Buksan mo ang pinto!" Sabi ko habang inaalog alog pa rin ang door knob at kinakatok ang pintuan ngunit wala akong narinig na response galing kay Alex. Ang paghikbi at pagsigaw nya lang sa loob ang tanging naririnig ko.

Awang awa ako kay Alex ngayon, ang saya saya nya kanina tapos biglang naging ganito ang kapalit. Naiinis ako kay Kier ngayon, bat nya nagawa kay Alex yon. Mahal na mahal sya ni Alex pero sinayang nya lang ang pagmamahal ni Alex sa kanya.

"Alex! Pls. open the door!" Pakiki usap ko pa rin kay Alex.




"Si Alex?" Biglang dumating si Kier kasama si Bea at halatang nag aalala sya para kay Alex.

"O? Bat nandito ka? Diba dapat nagdidiwang ka na ngayon kasi nagtagumpay ka?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Di ko naman sinasadya yun. Bestfriend ko sya kaya may karapatan rin akong mag alala sa kanya." Sabi naman ni Kier.

"Tsk" napa iling ako habang nakatingin sa kanya "Bestfriend? You call yourself as her Bestfriend? Saan ka ba nakakita ng besfriend na pinaglalaruan lang naman ang dadamdamin ng tinuturing nyang bestfriend? Kier ikaw yon! Mahal na mahal ka ni Alex! Sinayang mo lang ang pagmamahal nya! Matagal ka na nyang mahal kahit ng magbestfriends pa lang kayo mahal ka na nya at nakikita ko yun sa kanya dahil masayang masaya sya sa tuwing kasama ka nya o kahit nakikita ka lang nyang nakangiti. Di mo ba nararamdaman yun? Palagi na lang kasi sarili mo ang iniintindi mo! Di mo iniintindi ang damdamin ng ibang tao! O? Masaya ka na? Nakuha mo na ang p*ta mo at nakasakit ka pa ng tao, diba double celebration yon? KAYA ALIS!" Di ko rin napigilan ang mga luha ko at nagsipagbagsakan na rin.
Alam kong di kami close ni Alex pero naaawa ako sa kanya. Sigurado akong kailangan ni Alex ngayon ng kaibigan, ng TOTOONG KAIBIGAN. At nakakasiguro akong, AKO YON.

"Jina please. Kailangan ko syang makausap." Pagmamakaawa sa akin ni Kier.

"Ako ngang walang kasalanan dito di nya pinapapasok, ikaw pa kaya na dahilan ng pagmumukmok nya ngayon?" Sabi ko sa kanya at nagsmirk ako. "Umalis na kayo Kier. Alam kong di nya kayo kailangan." Pagtataboy ko sa kanila.

"Pero-----"

"ALIS!!" Sigaw ko kay Kier at umalis na silang dalawa ni Bea. Muli naman akong kumatok sa pintuan dahil bigla nanamang sumigaw si Alex at may narinig ako ng parang may nabasag.

"Alex! Please lang! Buksan mo na ang pinto" patuloy pa rin ako sa pangungulit sa kanya.



Mga ilang sandali, biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Alex na mugto ang mata, magulo ang buhok at ang mga dugo sa uniform nya pati yung kamay nya dumudugo.

Bigla syang napaluhod at umupo ako at niyakap sya.

"Alex, please. Wag mong saktan ang sarili mo ng dahil sa lalaking yun." Sabi ko sa kanya at nagsimula nanamang umiyak si Alex.

"Niloko nya lang ako Jina. Pinaglaruan nya lang ako. Di ko matanggap na para lang akong laruan na pinaglalaruan lang. Ang sakit sakit, alam mo ba yun? Minahal ko sya ng higit pa sa buhay ko pero anong naging balik sakin? Ito ang naging balik sakin." Umiyak nanamn sya ng malakas at yumakap na rin sakin.

"Sssshhh, tahan na. Someone deserves you better." Sabi ko sa kanya. Biglang tumayo si Alex at tumayo na rin ako.

Humarap sya sakin ngunit may napansin akong kakaiba sa kanya.
Ang mga mata nya. Wala ng emosyon, di yung parehas ng dati na full of emotions.





Sumaglit lang kaming dalawa sa room para kunin ang bags namin at dumeretso kami sa bahay nila. Sinamahan ko sya buong magdamag, ginamot ko ang sugat sa kamay nya pati na rin ang ibat ibang daplis ng mga bubog sa parte ng katawan nya.
Pagkatapos kong gamutin ang mga sugat nya, pinatulog ko na sya.



[End]


Di na kami nakapgpraktis dahil nag aalala kami kay Tres. Nakaupo pa rin kami sa bleachers habang hinintay syang lumabas.




Nagulat kami dahil sa biglang pagbukas ng pintuan at nakita ko si Tres. Kung ano yung mukha nya dati nung nakita ko sya sa CR, ganun din ngayon.

Pinuntahan namin sya at pinaupo sa bleachers, tulala lang sya at hindi nagsasalita. Pag tinatanong namin sya tumatango naman at umiiling.
Katulad ng dati ginamot ko nanaman ang mga sugat nya habang yung mga janitors ay nililigpit yung mga bubog doon sa CR at yung mga dugo ni Tres na kumalat sa loob. Nakatingin lang sa kanya ang mga kateammates namin habang ako naman ay gumagamot pa rin sa kanya.

Tumingin si Tres kay Coach.

"Magpraktis na tayo. Wag nyo kong intindihin." Sabi nya at tumayo.

"May mga sugat ka pa, magpahinga ka na lang muna." Sabi ni Coach at sumang ayon naman kaming lahat sa kanya.

"Kaya ko." At nagsimula na syang maghakbang papunta sa court at nagdribble ng bola habang yung pampraktis nya namang mga damit ay may mga bahid pa rin ng dugo.

Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya.



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan na ang UD!
Sorry po kung late na ako nakapag UD!
Sobrang busy po kasi sa school eh.

Mianhe T^T

Babawe ako!

Ms. Varsity Player ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon