#1

1.5K 29 1
                                    

[Alex POV]

*PARTY ROCK

YEA

Wooo! 

LETS GO! 

Party rock is in the house tonight

Everybody just have a good time

And we gonna make you lose your mind

Everybody just have a good time*

(A/N: Ringing tone po nya yan, Hihihi :'>)

Takte! ang agang mambulabog naman neto! Kitamong ang himbing himbing ng tulog ko! 

Aaaargghhh!

Sino kaya itong tumatawag ng gantong kaaga?

Bumangon ako at kinuha ko yung phone kong kanina pang nagriring na nakapatong sa lamesa malapit sa kama ko..

---

Dadiii'Coach 

Calling....

---

Shuta! Anong oras na ba? *tingin sa relo*  

Shet! 7:45 na! at 5 minutes na lng late na ko sa training! 

Ako ksi ang laging late sa team namin at sabi sakin ni Dadii'Coach na dapat daw 30 mins. before practice dapat nasa gym na daw kami.. 

Eh ano ako ngayon? 5 mins. na lng? Nga Nga girl! 

Pagagalitan tlga ako neto ni Dadii'Coach!

Aiist~ Bahala na!

Agad kong sinagot yung tawag ni Dadii'Coach.

"Yes Dadii'Coach? Why so aga Dadii'Coach?"

"Wag mo kong ma Why so aga Why so aga Alex ha! Dba sabi ko sayo dapat nandito ka na sa court 30 mins. before our training?!"

"E-eh a-no k-si D-D-Dadii'Coach--" Nu ba yan! Nauutal na ko!

"Ano?! Tapos na ang Bakasyon Alex! First day ngayon ng training natin ngayong school year nato at  malalate ka lang?? Dba sabi ko sayo sanayin mo sarili mo na gumising ng maaga para naman pagdating ng pasukan hindi ka na malate sa trainig?! Iniexpect ko na ang improvement mo pero worst pa pala!!" pagpuputol ni Dadii'Coach

"Uhh--mm.. Late k-ksi yung A-A-alarm C-Clock ko, tama! Late ksi yung alarm clock ko kaya di ako nagising ng maaga. Sorry Dadii'Coach" palusot ko sa kanya. Sana magwork. 

Pls. work.

"Kaya pala Baby Girl, antayin ka na lng namin dito Baby Girl ha? Maligo ka na at magbreakfast. Just make it faster ok?" paglalambing sakin ni Dadii'Coach.

Waaah! Thank god at pasado palusot ko! Yesss! Ang galing ko tlga!

"Ok po Dadii'Coach, i'll make it up to you na lng po. Bye" pagpapaalam ko sa kanya.

"Ok Baby Girl, take care. Bye"

*toot.toot*

Sa wakas! Nakalusot din.

Pagkatapos ng tawag ni Dadii'Coach agad ko ng sinimulan ang rituals ko sa umaga which is ang maligo, bihis, konting ayos sa sarili and then done! 

Hindi ako naglalagay ng make up sa mukha ko ksi magmumukha lang akong clown, eh sa hindi ako marunong eh, at tsaka training kaya yun? tpos papahid ako ng ganun sa mukha ko?!! Hahaha :D Buang!

Pagkatapos ng Morning Rituals ko agad na kong bumaba para magbreakfast.

"Morning Mam!"

Hindi ko lng sya pinansin..  

Ganyan ako sa mga maids ko except na lng kay Nana Inday ksi sya na ang naging yaya ko simula pa ng sanggol pa lamang ako. 

Nailalabas ko lng ang tunay kong ugali sa mga malalapit sakin at yung mga kilala ko na talaga katulad na lng ni Dadii'Coach, Teammates ko, si Nana Inday at si Mommy. 

Kahit mga Classmates and teachers ko hindi ko pinapansin eh.

"Where's Mom?" tanong ko dun sa maid

"Maaga pong umalis ksi may aasikasuhin pa daw sya sa Company nyo" sabi nung made

"Nana Inday?" tanong ko ulit sa kanya

"Namalengke po" sbi naman ulit nung maid.

Hindi na ako muli pang sumagot at kinain ko na lang ang agahan ko.

Saraaap~!

Pagkatapos kong kumain pumunta na ko sa labas kasi hinihintay na daw ako ng driver namin sa labas.. Haaaay, gusto ko yung nagcocomute lang ako eh kaso iisang anak lang ako kaya doble ingat sakin ang mommy ko.

Pagkasakay ko dun sa kotse agad namang nagmaneho yung Driver namin papunta sa school na pinapasukan ko ngayon. 15 mins. pa yung byahe namin paunta dun kaya sa 15 mins. na yun magpapakilala muna ako.

Hehehe :)) Hindi pa ako nagpapakilala eh.

Ako pala si Alexis Hyacinth Reyes, 18 years old, 2nd year college na ko ngayong pasukan, iisang anak lang ako ni Emily Reyes at si mommy na lang ang kasama ko ngayon because my dad passed away in a car accident 8 years ago, 10 years old pa lang ako nun.

Pero nakamoved on  naman ako. Binibisita ko rin  naman ang puntod ni Dad tuwing sabado ng hapon kasi may binibisita rin ako tuwing sabado ng umaga.

Nabibilang ang company namin sa Fashion Industry kasi yun ang hilig ni mommy, fashionista sya eh pero ang anak hindi. Uhm, Varsity Player ako sa larong volleyball, ako ang spiker sa team namin. Hindi ko naman hilig ang volleyball eh pero may nagtulak sakin para kahiligin ko to. Haay! I miss him so much.

Tama na nga ang drama.. Hehe.

Yung tumawag pala kanina si Dadii'Coach ng team namin yun. Kaya Dadii eh kasi sya ang tataytatayan namin. Tinuring nya na kaming para nya na kaming mga anak, Strict sya pag sa training pero pag wala, dun nya na kami nilalambing. Walang asawa si Dadii'Coach lumaki syang binata. Ewan ko ba kung bakit eh.

"Mam Alex, nandito na po tayo"

Bumaba na ko sa kotse at tumungo na ko sa gym kasi nandoon yung locker room at shower room namin eh.

"Oh! tres, 10 mins. kang late! hahaha, hinintay ka talaga namin ha" - Dos,

Yung mga numbers namin sa court ang tawag naming mga First 6 sa isa't isa.

"Nga eh, takteng alarm clock yun! Bibili na talaga ako ng bago! Sige bihis muna ako"

Pagkatapos kong magbihis ng pangtraining kong suot which is field cap-sleeve na jersey, tight shorts na isa't kalahating dangkal ang haba at kneepads.

Pagdating ko sa court naabutan kong nakaupo pa sa bleachers yung mga teammates ko at nasa harapan nila si Dadii'Coach.

Umupo na ko sa harapan at nasa gitna ako ngayon ni Dos at Cuatro. By number kasi yung sitting arrangement namin eh.

"Ok girls. Kailangan na natin ng puspusang training dahil nalalapit na ang Sportsfest at makakalaban nanaman natin ang Raiders team na pumapasok sa Auburn University at syempre tayong mga tga Lakeland University hindi dapat tayo magpapatalo sa kanila. Tayo ang defending Champions at kailangan nating panatilihin yun. So i'm expecting us to win"

Tumayo si Uno na Captain Ball namin at sabay sigaw na.

"LAKELAND LADY SPIKERS! WHAT DO WE LIKE?!"

Tumayo kaming lahat at sabay sabay kaming sumigaw.

"BUMP, SET, HIT, SPIKE! THAT'S THE WAY WE LIKE TO FIGHT!"

Pagkatapos nun nagdasal muna kami at nagsimula na ang training namin.

Kailangan ko na talagang seryosohin to, para manalo ulit kami.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Hahaha! Sana nga manalo sila!

Vote

Comment

Be a Fan!

Thats the way i like to write!

~PrettyWicked17

Ms. Varsity Player ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon