#14

633 17 5
                                        

[Andrea's POV]

Pauwi na ako ngayon sa bahay galing ng School.

Grabe ang araw na to! Nashock ako kay ate Tres kanina!, gusto kong malaman ang tungkol sa kanya kung bakit sya ganto, kung bakit sya ganyan, kung bakit sya ganun at marami pang bakit.

Tapos ang nakakainis pa, di sinasabi sakin ng mga Ate Teammates ko ang reason kung bakit nagkanon si Ate Tres.


Naawa ako kay Ate Tres kanina nung lumabas sya ng CR. Punong puno ng dugo ang kamay nya tapos yung salamin basag tapos yung damit nya pa may mga dugo pero kahit ganun ang mukha nya naamaze ako sa kanya kasi pagkatapos nun parang walang nangyare sa kanya! Back to Normal lang nanaman ulit.


Ano ba talagang meron sayo Ate Tres??





"Mam Andy nandito na po tayo" di ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay dahil sa pag iisip sa nangyare kanina kay Ate Tres..

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, dumeretso ako sa garden at umupo habang nag iisip tungkol dun sa nangyare kanina.



"Anong ginagawa mo dito Andy?" Umeksena bigla ang kuya kong malaki!

"Umuupo." Tipid kong sagot sa kanya habang nakatulala.

"Mukhang malalim ata ang iniisip mo?" Tanong nanaman ni Kuya Andrew tapos ininom nya yung juice nya. Tumingin ako sa mesa at nag aasam ako kung may juice pa dun pero wala.

Ang bait talaga ng kuya ko! Dinalhan nya talaga ako ng juice!

Pero nevermind, back to Ate tres naman tayo..


"Kuya? May alam ka ba tungkol Ate Alex?" Biglang tanong ko sa kanya tapos bigla syang nabulunan.

"Bat ako ang tinatanong mo? Eh ikaw nga dyan ang kasama nya araw araw." Sabi nya habang pinupunasan ang bibig nya.

"Malay mo lang." Sabi ko sa kanya "Alam mo kuya, diba pumunta kayo sa Gym kanina? Alam mo pagkapasok ko dun sa Gym narinig kong nagwawala si Ate Alex sa loob ng CR tapos umiiyak sya tapos sigaw pa sya ng sigaw"

"O? Baka natae lang yun tapos ayaw lumabas." Sinamaan ko sya ng tingin tapos nagpeace sign naman sya sakin. "Eh ano naman ang sinisigaw nya?" Seryoso nya namang tanong sakin.

"AAAAAAAHHH! MGA MANLOLOKO! AAAAAAAAHH!!!" Panggagaya ko sa sigaw ni Ate Tres kanina tapos napaatras naman si Kuya Andrew sa bigla kong pagsigaw. "Tapos eto pa ang malala ha, pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng CR tumambad samin ang mukha ni Ate Tres na magulo ang buhok tapos mugto ang mata tapos yung damit nya maraming dugo. Medyo gutay gutay nga yung damit ni Ate Tres dahil sa mga bubog ng nabasag nyang salamin."

"Talaga? Baka may super powers yun." Binatukan ko itong kuya kong abnoy at sya naman hihimas himas sa ulo nya.

"Kuya! Seryoso ako!" Paninigaw ko sa kanya.

"Oo na! Oo na! Seryoso na! O tapos?" Sumeryoso nanaman si Kuya.

"Ede yun nga gutay gutay. Pero alam mo kuya, kahit ganun na hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkaganun sya nafifeel ko na pinipilit nyang maging malakas tungkol dun sa winawalaan nya. Ikaw ba namang magtraining na gutay gutay ang damit tapos may mga dugo pa tapos may mga sugat pa? Halos 4 hours nyang tiniis yung sakit ng mga sugat nya. Pinili ni Ate Alex maging matatag, gusto nyang ipakita samin na Ok lang sya na para bang sinasabihan nya kami na wag na syang alalahanin pero kahit anong pilit namin sa kanya na magpahinga na sya di pa rin sya umawat." Napangiti ako dahil sa pagkahanga ko kay Ate Alex.

Gustong gusto kong malaman ang tungkol sa kanya, gusto ko pa syang makilala.

"Kuya, gusto ko pang makilala si Ate Alex, gusto kong alamin ang lahat tungkol sa kanya." Humarap ako kay Kuya na nakatingin din sa akin. Tumayo sya tapos naghikab.

"Ede alamin mo." Kinuha nya yung jaket nyang nakapatong dun sa inuupuan nya kanina "Uuwi na ko." Paalam nya.

May sarili kasing unit si Kuya, regalo sa kanya yun ni Daddy at parang punishment nya naman yun eh kasi gusto nina daddy na matuto na sya sa sarili nya kasi matanda na sya.

Hinatid ko na si Kuya sa labas ng bahay.

"Astig ka rin ah? Pumunta ka lang dito sa bahay para magmeryenda?" Sabi ko sa kanya.

"Sa gusto ko eh" sabi ni kuya tapos pinaharurot nya na ang kotse nya.





[Andrew's POV]


Paakyat na ako sa unit ko ng may nakasabay akong pamilyar na lalaki sa loob ng elevator.

"Pre! Teka nga, pamilyar ka." Sabi ko sa kanya tapos nag isip ako kung saan ko sya nakita "Diba ikaw yung lalaki kanina sa Gym?" Napangiti naman yung lalaki tapos tumango.

"Sabi ko na nga ba! Haha, Andrew pala pare" tapos inabot ko yung kamay ko sa kanya tapos inabot nya rin ang kamay nya.

"Kurt" tumango tango naman ako.

"Anong floor ka Kurt?" Tanong ko sa kanya.

"9th floor. Ikaw?" Tanong nya naman sakin.

"Parehas tayo. Parehas lang pala tayo ng floor pero mukhang di kita nakikita dito." Sabi ko sa kanya.

"Bago lang ako dito. 2 weeks na. Ikaw? Mukhang matagal ka na dito ah." Sabi nya naman sakin.

"2 years na ko dito. Simula pa nung magcollege ako nagsimula dito." Sabi ko naman sa kanya.

*ting!* biglang tumunog yung elevator at senyales na para lumabas kami at maglakad.

"Pano ba yan? Dito na ko. Anong unit ka pala?" Sabi ko kay Kurt ng nasa tapat na kamin ng pintuan ng unit ko.

"904" nagulat ako dahil magkalapit lang pala yung unit namin at isang unit lang ang pagitan nya sakin. Small world nga naman. Nasa 902 kasi ako tapos di pa naooccupy yung 903 na nasa gitna lang ng 904 na pag mamay ari ni Kurt.

"Pasok na ko tol." Pamamaalam ko sa kanya at tumango naman sya.

Pagpasok ko sa loob nakita ko yung si Ate Linda na nagluluto.

"Kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni Ate Linda

"Di pa po. Pasok muna ako sa loob. Pakitawag na lang ako pag kakain na." At pumasok na nga ako sa loob at humiga.

Pagod na pagod ako ngayon dahil sa training namin. Haaay, pero di mawala sa isip ko ang kwinento sakin ni Andy kanina tungkol kay Tommy.

Ano ba talaga ang meron sa kanya? Pinipiga nya ang utak ko kakaisip sa kanya.
Masyado syang misteryosa.

Biglang nag appear yung mukha ni Tommy sa isip ko.

Bakit ang mga mata nya walang emosyon? May nangyari bang masama sa kanya ng nakaraan?

Ms. Varsity Player ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon