Entry 7

64 5 0
                                    


ENTRY SEVEN



Arrietty's POV


"OMG. Magkasama sila?"


"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon!"


"The hell! Two elites nagkasama!"


Nakakarindi ang mga usapan nila. Sabagay, wala naman talaga akong kaibigan dito kaya magkakaganyan talaga sila lalo na't isang Lence Rio ang kasama ko ngayon.


Isinama ko siya sa white glass room.


"Sigurado ka bang sasama ako sa pagkain mo?"


Napatawa ako sa kanyang tanong. Ilang ulit niya nang tinatanong sa akin 'yan.


"Oo nga sabi."


"Naku, malakas akong kumain."


"Don't worry. You can get whatever you want."


Umupo na nga kami.


Totoo nga, malakas siyang kumain. Ang dami ba namang pinaluto haha! Habang naghihintay kami sa pagkain ay nagkwekwentuhan na muna kami.


"Ba't mo nga pala ako inaya na sabayan ka sa paglunch?"


Tanong niya sa akin.


"Wala kasi akong ibang kasama dito."


"Ba't ako?"


"Feel ko lang."


"Baliw."


Tumawa naman ako sa sinabi niya.


"Thank you haha!"


"Baliw ka nga talaga. Naku! Patay ako kay Sho nito!"


Nagpantig naman ang aking mga tenga dahil sa narinig. Sho raw?


"Ha? Bakit?"


"H-ha? May sinabi ba ako? W-wala! H-huwag mo ng pansinin 'yun."


Nagtataka naman akong tinignan siya. He looked nervous. Bakit naman kaya? Tatnungin ko na sana kaya lang dumating na ang mga pagkain.


Ano naman kaya 'yun? Idaan na nga lang ito sa pagkain.


END OF ENTRY SEVEN

:

Free Kiss Day [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon