Entry 15

46 5 0
                                    

ENTRY FIFTEEN



Arrietty's POV


'Happy second daysary!'


Napakalawak ng aking mga ngiti. Kung kahapon t-shirt ang kanyang ibinigay sa akin, ngayon naman ay isang napakalaking dog stuff toy. Ang cute!


Ba't ka ba ganyan Sho? Ang effort mo masyado! Shet. Mas nakakainlove tuloy siya.


"Uy!"


Naramdaman kong may tumapik sa akin. Nandito nga pala ako ngayon sa library, si Sho kasi inutusan.


"Ikaw pala Lence."


Halos pabulong ko na sabi sa kanya. Nasa library eh. Keep silence raw.


"Si Sho?"


"Inutusan eh."


"Congrats nga pala ha?"


"Thanks."


Umupo siya sa harapan ko.


"Nga pala Lence, thank you at pinapunta mo ako sa mini concert niyo. Wala kasi talaga akong planong manood nun."


"Bakit naman? Atsaka kasali na rin naman kasi sa plano na kumbinsihin kang pumunta."


Napatawa naman ako.


"Well, feeling ko kasi mas naiinlove ako lalo kay Sho kung marinig ko pa siyang kumanta."


"Grabe naman nun haha. Talagang na---teka, si Sho 'yun diba?"


Napalingon ako sa likuran ko. Tinignan ko ang entrance ng library at nakita si Sho na masayang nakikipag-usap sa isang babae.


Biglang kumirot ang puso ko. Bumalik ang tingin ko kay Lence.


"Kilala mo ba 'yang kasama niya?"


"Oo. Si Myla 'yan."


"Myla?"


"Yup. Sige mauna na ako ha?"


May sasabihin pa sana ako ngunit nagmamadali naman siyang umalis papalabas ng library.


Napabuntong hininga na lamang ako. Ito ba 'yung tinatawag nila na selos?



END OF ENTRY FIFTEEN

g s�S���@�

Free Kiss Day [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon