ENTRY NINE
Arrietty's POV
Naglibot libot lang ako dito sa school. May hinahanap kasi ako, si Lence. Wala lang, ang sarap niya kasing kausap haha.
Narinig kong tumunog ang phone ko, pagtingin ko dito ay si lola ang tumatawag. Ba't naman kaya siya napatawag? Agad ko naman itong tinanggap.
"Hello po?"
Bati ko.
"Where are you?"
"Nasa school po."
"Yes, you're inside the campus but you're not inside in your classroom. Sabi ng Prof mo hindi ka tumutulong. Stop going anywhere at tumulong ka."
"Lola---"
Okay, pinatayan niya ako ng telepono. Kamalasan nga naman. Tss. Sino naman kayang Prof ko ang nagsumbong kay lola? Madapa sana siya.
"Tangna!"
Napahinto ako sa aking paglalakad at napatingin sa lalakeng nadapa sa aking harapan. Nadapa?
Napatingin siya sa akin. Halos malaglag ang aking panga nang malaman ko kung sino ito. Walang iba kundi ang aking pinakamamahal na Sho.
"Pwede mo ba akong tulungan?"
ASDFGHJKL?!
Kinakausap niya ba talaga ako? Shit. Gumising ka Arrietty, huwag mong ipahiya ang sarili mo sa kanya.
"Sure."
Sabi ko. Nanginginig ang aking mga kamay na iniabot it sa kanya.
Lumapat ang kanyang balat sa aking kamay. Shit. Damang dama at rinig na rinig ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Ano ba naman 'to.
"Thank you."
Sabi niya nang makatayo na siya.
"Y-your welcome."
Arrietty naman! Huwag kang mautal! Napaghahalataan ka.
"Sho nga pala."
Pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa akin. Napatingin ako sa kanyang kamay na inilahad niya sa aking harapan. Mahahawakan ko na naman siya?
"You're Arrietty, right?"
"Y-yes."
Sagot ko sa kanya atsaka itinanggap ang kanyang kamay. Grabeng chansingan na 'to.
"Mauna na ako ha? May practice pa kasi kami."
Sabi niya atsaka niya ako nginitian. What the heck? Parang gusto nang kumawala ang puso ko sa dibdib ko. Ngiti niya lang pala, pamatay na. Shit.
"Go ahead."
Atsaka ako gumanti ng ngiti. Kulang na lang mapunit na ang mga labi ko dahil sa malaking ngiti na ibinigay ko sa kanya.
Umalis na nga siya sa harapan ko.
Pero heto ako, nakatingin pa rin sa kanya.
Sho Caltanra. Kung alam mo lang, minamahal kita.
END OF ENTRY NINE
BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...