Entry 12

52 5 0
                                    

ENTRY TWELVE



(FREE KISS DAY PART 2)


Lence's POV


Pagkapasok ko ng music room ay agad silang napatingin sa akin lahat.


"Ano raw bro? Nagawa mo ba ang sinabi ko sayo?"


Salubong kaagad ni Sho sa akin.


"Oo, makakapunta siya."


"Good."


Napabuntong hininga ako. Atlast, natapos na rin ang pinapagawa sa akin ni Sho, ang mapapayag si Arrietty na makapunta sa mine concert namin.


'Best actor ka na rin pala ngayon Lence? Hahaha!"


"Gago!"


"Basta mamaya, walang papalpak ha?"


"Yes boss!"


Matinding ingayan na naman mamaya sa gym. Tss.



Arrietty's POV



Hapon na at palakad lakad lamang ako sa loob ng campus. Iniisip ko pa rin kung tama bang pupunta ako sa mini concert mamaya. Si Lence kasi ang nag-invite, nakakaguilty naman kung tatanggihan ko.


Sige, pupunta na lang talaga ako. Ilang oras lang naman eh atsaka once a year lang itong mangyari.


Tinignan ko ang wrist watch ko.


5 o'clock na pala. Ilang minuto na lang ay magsisimula na. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hays. Idaan ko na nga lang 'to sa pagkain.


*MINI CONCERT NIGHT*


Pagkapasok ko sa loob ng gym ay maraming tao na ang nakaupo. Ito na talaga, maririnig ko na naman ang nakakainlove na boses ni Sho. At maiinlove na naman ako ng paulit ulit sa kanya.


"Hi Arrietty!"


May bumati sa akin na isang babae. Sino naman kaya 'to?


"Hello."


"Hindi mo mahanap ang seat mo?"


Bakit? May nakalaan ba para sa akin na upuan dito? Tss. Umiling na lamang ako.


"Ayun oh! May name mo."


Tinignan ko naman ang itinuro niya. May monoblock na mayroong nakalagay sa likod na 'For Arrietty San Only.'


Oh? Meron nga talaga? Sabagay, apo ba naman ng may ari ng school. Tss.


"Sige, salamat."


Sabi ko atsaka ko siya nginitian. Agad akong umalis sa harapan niya at pinuntahan ang upuan na para sa akin. Parami na ng parami ang mga tao. May kanya-kanya ring dalang banner. Hindi pa nga nagsisimula nagchecheer na.


Biglang namatay ang ilaw kaya mas lalong umingay dahil sa dilim.


"Good evening everyone, we are all here to jam with our favorite band! So get ready in 5! 4! 3!"


Nakisabay naman sila sa pagcountdown. Ako? Heto, tahimik lang.


"Please give them a hands, Cold Dawn!"


Mas lalong naging maingay ang nasa loob ng gym nang binanggit na ang pangalan ng banda nila, ang 'Cold Dawn.'


"Hi, girl you just caught my eye..."


Nagsimula nang kumanta si Sho, sabay ng pagbigkas niya sa unang linya ng kanta ay may tumapat na spotlight sa kanya. Shit. Heto na naman itong feeling na hindi ko maialis ang aking mga mata sa kanya.


Para bang nagagayuma ako sa boses niya.


Tama nga talagang Cold Dawn ang pangalan ng banda nila kasi ang lamig ng boses niya.


Nag-ingayan ang lahat nang matapos na ang kanta. Tatlong kanta pa ang sumunod. Nakikisabay na ako sa pagkanta nila ngunit sa isipan ko lang. Tama nga lang talaga na pumunta ako dito, nakakaenjoy kasi silang panoorin. Or should I say, nakakaenjoy panoorin si Sho sa stage habang kumakanta.


Pero nakakalungkot lang dahil kahit ilang kanta na ang dumaan hindi niya man lang ako nagawang tignan kahit saglit lamang. Hello? Nasa harapan kaya ako! Sinong hindi maiinis nun? Tss.


"For our last song."


See? Last song na nila pero hindi niya pa rin ako magawang mapansin. Bigti na ba? Haha. Joke lang.


"I would like to dedicate this song for a girl I wanted to be mine."


Rinig kong sabi ni Sho.


Teka, nabingi ba ako?

Tell me. Hindi 'yun totoo.

S-sino Sho? Sino?

END OF ENTRY TWELVE

Free Kiss Day [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon