ENTRY ELEVEN
(FREE KISS DAY PART 1)
Arrietty's POV
As I entered inside the campus nakita ko kaagad ang nakapaskil na, 'Happy Free Kiss Day!'
Oo, Free Kiss Day na namin. Marami akong mga nakikitang bagong mukha. Ofcourse, outsiders are allowed. Halos lahat ay may mga kasamahan. Ako lang ata dito ang nag-iisa. Well, sanay na rin naman ako na ganito na lang palagi.
"Ouch!"
I shouted when someone bumped at me. Leche naman, ang aga-aga masisira na kaagad ang araw ko.
"S-sorry!"
Napatingin naman ako sa lalaking nakabangga sa akin. Agad na nawala ang aking inis at napalitan ng saya ang aking naramdaman.
"Lence!"
"I-ikaw pala Arrietty, sorry talaga!"
Oo, si Lence ang nakabangga sa akin. Kailan kaya nito matutunan na huwag mauutal kapag kinakausap ako? Haha.
"Saan ka nga pala papunta?"
Tanong ko sa kanya.
"S-sa stall sana ng greenwich."
Sagot niya sa akin. Yes, may mga stalls dito. Para tuloy siyang mall kung titignan mo. May nagbebenta ng mga souvenirs rin.
"Samahan na kita!"
"H-ha? Sige."
Sagot niya sa akin. Agad naman kaming pumunta sa mga stalls. Bumili na rin ako ng isang box.
"Saan mo 'yan dadalhin?"
Tanong niya sa akin.
"Ah ito?"
Tanong ko sa kanya sabay taas ng box ng pizza.
"Yup."
"Ewan haha! Bumili ka kasi kaya bumili na rin ako."
'Yun naman talaga ang totoo. Ang baliw ko ba?
"So ikaw ang kakain niyan lahat?"
May naisip naman ako bigla dahil sa kanyang sinabi. Nginitian ko siya ng nakakaloko.
"Sabayan mo ako nitong kumain sa rooftop."
Sabi ko sa kanya.
"Okay."
Nabigla naman ako dahil sa walang alinlangang pagsang-ayon niya.
"Talaga?!"
Napatakip kaagad ako ng bibig dahil sa lakas ng boses ko. I'm just really excited.
"Yup. But please do me a favor."
"Sure! Ano ba 'yun?"
"Manood ka ng mini concert namin until the end of the program."
Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Ayaw ko sanang manood dahil ayaw kong makita si Sho na magperform. Mas nahuhulog kasi ako sa kanya sa tuwing nakikita ko siyang kumakanta.
Napabuntong hininga ako.
Manonood ba ako o hindi?
END OF ENTRY ELEVEN
BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...