Special Chapter

69 5 0
                                    


SPECIAL CHAPTER



Ganito naman talaga ang buhay. Minsan masaya, minsan naman hindi. Bawat istorya ay may iba't ibang kaganapan. May kasiyahan ngunit hindi mawawala ang kaguluhan.


Isang taon na rin ang lumipas simula ang pangyayaring iyon. Noong una hindi talaga ako makapaniwala na nakipagbreak sa akin si Sho. Oo, nasaktan ako ng sobra. Sa mga oras na iyon ay gusto ko ng mamatay. Minahal ko siya ng tapat. Minsan napapaisip ako kung may Diyos ba talaga. If God really loves me, ba't niya hinayaan na mangyari ito sa akin? Ilang buwan ring nasa utak ko ang katanungan na iyan. Until one day, I found my self na hindi ko na pala siya masyadong naiisip. Doon ko na lamang nasagot ang aking katanungan.


I realized kaya nangyari iyon sa akin ay para ipaalam sa akin na wala akong pag-asa sa taong mahal ko. At ipaalam sa akin na kailangan ko ng magmove on. Na I deserves someone who will love me back. Ipinukaw Niya lang ako sa isang pantasya na kinagagalawan ko. Alam ko, ibibigay ni God ang lalakeng 'the best' talaga para sa akin. At handa akong maghihintay kung sino man iyon.


"Happy birthday to me! Ang sarap talagang maging single!"


I shouted dito sa rooftop. Wala namang nakakaintindi sa akin dito. Do you want to know why?


Kasi wala naman ako sa Pilipinas. Nandito kasi ako sa Japan.


"Shut up."


Nagpalinga linga naman ako nang marinig kong may nagsalita. English 'yun ah?


"Who's there?"


"Someone who owned this place."


Ano raw? Sa tinagal tagal na pagpunta ko dito, ngayon ko lang nalaman na may ari pala ang abandonadong lugar na ito. Niloloko ba ako ng isang 'to? Tss.


"Really? Are you kidding me? Hoy! Kung sino ka mang bakulaw na nagsasalita diyan na parang baliw, hindi mo ako maloloko! Neknek mo! Oh ano? Hindi mo naintindihan? Edi i-google mo!"


Sigaw ko sa hangin. Hindi ko naman alam kung nasaan siya eh. Kainis.


Narinig ko naman na tumawa siya pagkatapos kong sabihin iyon. Tuluyan na nga atang nabaliw.


"I'm glad nang malaman kong nakamove on ka na Arrietty. Oh ano? Kailangan ko pa bang i-google?"


Halos hindi ako makagalaw dahil sa mga sinabi niya lalo na't lumabas siya sa pinagtataguan niya. Feeling ko pati panty ko nalaglag dahil sa sobrang pagkabigla.



"L-Lence?"



Naisambit ko.




"Nice meeting you again, Arrietty San."



-THE END-


Free Kiss Day [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon