Entry 8

61 5 0
                                    

ENTRY EIGHT



Lence's POV


Uwian na. Agad akong pumunta sa headquarters ng banda namin. Magpapractice kasi kami para sa incoming event na Free Kiss Day. Tss. I really hate that event. Hindi naman sa bitter ako pero naiinis kasi ako sa tuwing may nakikita akong PDA na couple. Like what the heck.


Yes, sa event na iyan. Malaya gawin ng mga students ang gustong gawin nila, in short, para siyang students day.


"Bro! Kanina ka pa namin hinihintay."


Salubong kaagad sa akin ni Kent. Ang drummer namin.


"Bakit naman? Hindi pa naman ako late."


Sabi ko habang nakatingin sa aking relo.


"Hindi nga. Pero hinahanap ka ni Sho."


Sabi naman ni Earl. Ang nagpeplay ng keyboard. Agad akong nagtungo sa favorite tambayan ni Sho sa HQ namin.


"Bro, hinahanap mo raw ako?"


Napatingin naman siya sa gawi ko. Naglakad naman siya papalapit sa akin habang iniinom niya ang wine na hawak-hawak niya.


"Kasama mo raw siya kanina?"


Tanong niya sa akin. Napabuntong hininga ako. Alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin. I mean, kung sino ang pag-uusapan namin.


Si Arrietty.


"Oo, hindi na ako nakapalag. Pasensya ka na bro."


"Pasensya?!"


Naisigaw niya sabay tapon ng glass na hawak niya papunta sa sahig. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Tss. Patay ako nito.


"Di ba sinabihan ko na kayong lahat na huwag na huwag niyong pansinin o kausapin man lang siya?! Do I have to remind you again?!"


"Huwag kang mag-alala bro, hindi naman 'yun magkakagusto sa akin."


Pagpapakalma ko sa kanya.


"Really? Di ba ikaw ang binansagan na Prince of Charm and Appeal sa banda na ito?! Now, tell me, kailangan ko bang hindi mag-alala?"


Sarkastiko niyang tanong sa akin. Yes, he was right, ako ang Prince of Charm and Appeal sa buong campus pero alam kong hindi magkakagusto sa akin si Arrietty.


Suminghap ako. Tinignan ko siya. Kailangan kasi nitong magising lang eh. Napakapraning! Tss.


"Bro, ayon sa source, connection, research, in short pag-iimbestiga mo sa kanya, di ba ikaw ang gusto niya? At hindi simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya para sayo. Kaya huwag mo ng isipin na magkakagusto 'yun sa akin. Atsaka bro, hindi na 'yun mauulit."


Pagpapaliwanag ko sa kanya.


"Dapat lang, dahil akin lang siya. Tss. Magpractice na nga tayo."

Sabi niya at naunang naglakad na papunta sa music room. Nakahinga naman ako ng maluwag.

END OF ENTRY EIGHT

Free Kiss Day [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon