ENTRY THIRTEEN
(FREE KISS DAY PART 3)
Arrietty's POV
"It took one look..."
Nagsimula na siyang kumanta. Nakatingin lamang siya sa likuran banda. Hindi ko alam pero feeling ko maiiyak ako. Kilig na kilig ang mga kababaihan na nasa likuran nakaupo. Tili sila ng tili. May pambabaeng pangalan silang sinisigaw na 'Myla' gusto ko itong tignan pero parang naestatwa na ata ako sa kinauupuan ko.
Mas maganda ba 'yung babae kaysa sa akin?
Kaya niya ba nagustuhan ang babaeng iyon dahil hindi siya katulad ko?
Hindi siya famous sa school?
Ganun ba 'yun?
Napayuko na lamang ako.
"I take one step away
And I found my self coming back to you
My one and only
One and only you."
Ang kantang iyon. Napakaganda ng lyrics. Ang sweet pakinggan.
Pinunasan ko ang isang luhang pumatak.
At ang kantang iyon ay hindi para sa akin.
Hindi para sa isang Arrietty San.
Natapos na nga ang kanta. Gusto kong umalis pero ayaw gumalaw ng aking mga paa. Nakayuko lang ako. Mali nga talagang pumunta ako dito.
"Hi girl, honestly ngayon lang akong naglakas ng loob na magtapat sayo."
Panimula niya. Ito na, unti-unting may karayom na tumutusok na sa aking puso. Oo, ang sakit. Sobrang sakit. Bakit Sho? Bakit hindi na lang ako?
"I really want you to know kung gaano kita kamahal. I really want you to know kung gaano ka kaimportante sa akin. And I really want you to know na kaya kong mag-effort para mapasa'kin ka lang."
"MYLA! MYLA! MYLA!"
Tell me, paano ba maging Myla?
"Date, February 29, 2016. Day, Monday. Time, 9 PM. Setting, at Saint Therese University. Tandaan mo ang lahat ng iyon dahil sa harap ng maraming tao ipagsisigawan kong mahal na mahal kita."
"MYLA! MYLA! MYLA!"
Hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga kaya.
Mas lalong umingay pa ang mga tao na nasa loob ng gym. Please, sana kainin na lang ako ng lupa.
Nagulat naman ako ng biglang namatay ilaw. Napatingin tuloy ako sa harapan, and there, nakita kong nakatutok kay Sho ang spotlight.
But still, hindi siya sa akin nakatingin.
"I REALLY LOVE YOU!"
Sigaw niya kaya nag-ingay ulit ang mga tao habang sinisigaw ang 'Myla.' How lucky she are.
"I REALLY LOVE YOU ARRIETTY SAN!"
Katahimikan.
Katahimikan ang bumalot sa loob ng gym matapos niyang isigaw iyon.
A-ano raw?
Nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin. Shit.
"Arrietty San, let me care your heart and let me love your imperfections."
Sabi niya. Nagulat ako ulit na may spotlight na nakatutok sa akin.
T-teka, totoo ba ang mga ito?
Nakita kong bumaba siya ng stage at hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari, basta ang alam ko lang ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko may mga paniki na nagliliparan sa loon ng tiyan ko.
"Arrietty, I don't want to give you any material things. I didn't also buy you flowers, chocolates, and stuff toys."
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko gamit ang free hand niya. Tila pinapatayo niya ako kaya dahan-dahan naman akong tumayo.
"Because I'll give you my heart. It's all yours."
Sabi niya pa sabay lagay ng kamay ko sa parte ng puso niya. Shit. Nasa panaginip ba ako? Pwedeng huwag ng magising?
"Will you accept it Arrietty San?"
Tanong niya sa akin. Biglang nag-ingayan ang nasa loob ng gym. Pero ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alam ba't bigla akong napangiti.
Ito na ba 'yun?
Bigla akong napaluha habang tumatango.
"Y-yes Sho."
Naramdaman ko na lamang na niyakap niya ako ng mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya.
"I love you Arrietty."
"I love you too Sho, matagal na."
END OF ENTRY THIRTEEN
BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...