ENTRY TEN
Sho's POV
Nandito kaming lahat ng kabanda ko sa headquarters. Galing kami sa school. Uwian na kaya agad kaming dumeritso dito.
"Galing mo kanina bro!"
"Oo nga! Haha."
"Ayos! Kahit nagmukha kang tanga."
Napailing na lamang ako habang tumatawa dahil sa mga sinabi nila.
"Gago!"
Sigaw ko sa kanila. Tumawa na lamang sila ulit. Pinag-uusapan kasi namin 'yung tungkol sa nangyari kanina.
Actually, ang totoo niyan, sinadya ko talagang madapa sa harapan ni Arriety para mapansin niya ako. Medyo natatawa nga ako kanina dahil sa mukha niya. Namumula kasi siya at halos hindi makatingin sa akin ng deritso.
"Magpractice na nga tayo! Alam niyo naman hindi dapat tayo magiging palpak."
Sabi ko sa kanila.
"Bro, what if hindi niya tayo panonoorin magperform? Edi sira ang plano mo."
Sabi sa akin ni Kent.
"Hindi 'yan mangyayari. Alam naman nating lahat na patay na patay si Arrietty kay Sho."
Sabi naman ni Lence. Inakbayan ako bigla ni Earl.
"Bro, paano nga kung mangyari 'yun? Ano na ang gagawin mo?"
Napaisip ako bigla. Tss. Paano nga ba? Bigla naman akong napatingin kay Lence.
"Lence."
Tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Good idea Sho, siya ang magiging daan mo para siguradong makakapunta si Arrietty.
END OF ENTRY TEN
BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...