ENTRY SIXTEEN
Arrietty's POV
"Sho!"
Tawag ko sa kanya nang makita ko siya. Nandito nga pala kami sa loob ng campus ngayon.
"Oh? Saan ka ba galing?"
"Sa room. Ikaw?"
"Sa cafeteria. Anyway, may surprise ako sayo."
Nakangiti niyang sabi sa akin. Naexcite naman ako. Kanina kasi pagdating ko sa room wala akong nakitang ni ano sa desk ko. Kaya medyo nalungkot ako. Syempre third daysary namin ngayon.
"Really? Nasaan na---"
"Sho!"
Pareho kaming napatingin dun sa tumawag sa kanya.
'Yung babae kahapon. Si Myla. Tinignan naman ako ni Sho.
"Sige, bye. May gagaawin pa pala kami."
"Teka lang Sho!"
Hindi niya na ako nilingon pa at tuluyan nang sumabay kay Myla. Wala siyang naikwento sa akin na may project or may activity silang gagawin.
Napabuntong hininga na lamang ako. Maybe sooner or later, ipapaliwanag niya na rin sa akin.
***
From: Sho
'Hindi pala kita maihahatid ngayon. May gagawin kami ni Myla.'
Nagpalinga linga ako sa aking paligid at nagbabakasakaling makita si Sho. Ngunit kahit anino niya ay hindi ko nakita. Uwian na at kakatext niya lang sa akin.
Ba't ganun? Feeling ko hindi niya ginagampanan ang pagiging boyfriend niya sa akin? Hindi man lang siya nagsorry sa text.
Nakita ko si Lence na naglalakad.
"Lence!"
Tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. Dali-dali naman siyang tumakbo papalayo sa akin. Anong nangyari dun?
Umuwi na lamang ako. Anong nangyayari sa mga tao ngayon? Kainis naman. Birthday ko pa naman bukas.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay nakita ko kaagad ang mga petals ng rosas na nakakalat sa bed ko. Sa gitna dun ay may isang papel. 'Yung pang invitation card.
Sino naman ang gumawa nito?
Inilagay ko na muna sa isang tabi ang bag ko at bumaba para puntahan si lola. Itatanong ko lang sa kanya kung sino ang may gawa nun sa bed ko.
END OF ENTRY SIXTEEN

BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Novela JuvenilSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...