ENTRY SEVENTEEN
Arrietty's POV
"Come in!"
Narinig kong sigaw ni lola pagkatapos kong kumatok. Pinagbuksan naman ako ng isang bodyguard kaya pumasok na ako.
"Hi lola!"
"Hello Arrietty!"
Nagbeso beso na muna kaming dalawa bago ako umupo.
"What brings you here?"
"Well, gusto ko lang sanang itanong kung sino ang pumasok ng room ko lola."
"Ah yes, si Sho. Kaninang lunch siya pumunta dito."
Agad naman na nagliwanag ang aking mukha. Ang kaninang lungkot na nadarama ko ay biglang nawala dahil sa narinig ko kay lola. Agad akong tumayo at nagpaalam kay lola. Dali-dali akong lumabas at pumunta ulit ng room ko.
Ito na ba 'yung sinasabi niyang surprise? Ito ba ang dahilan kung bakit wala akong surpresa na nakita sa desk ko kaninang umaga sa school?
Kinuha ko ang phone ko at kinunan ko ng picture ang effort na ginawa ni Sho. Ipopost ko ito mamaya sa IG.
Kinuha ko ang letter at pabagsak na humiga sa kama. May mga petals naman na nahulog sa sahig. I'm really happy right now!
Binuksan ko na nga ang letter.
Dear Arrietty,
'Happy break up!'
'Yan ang bumungad sa akin. Inulit ko ulit ang aking pagbasa pero tama nga ang nabasa ko. Break up? Is this a kind of a prank para bukas?
Kinakabahan man ako ay nagawa ko pang i-dial ang cellphone number ni Sho. Agad niya naman itong sinagot.
"Hello?"
Narinig kong sabi niya.
"What the fuck Sho! Move!"
"Teka lang Myla...aahhh."
Napatakip ako ng bibig dahil sa mga narinig ko sa kabilang linya.
Sho.
Myla.
Yeah, they are making out.
Ipinatay ko agad ang aking telepono. Napatulala ako saglit. Naramdaman ko na lamang na may isang luhang dumaloy sa aking pisngi.
Hindi ako makapaniwala.
No. Hindi maaari. He is not breaking up with me!
Tuluyan na nga akong napaiyak. What the hell is happening? Am I dreaming? Please wake me up! Please!
Narinig kong bumukas ang pintuan ko kaya napatingin ako dito.
Kahit medyo malabo na ang nakikita ko dahil sa mga luha ay nakikilala ko pa rin ang lalakeng nakatayo sa aking harapan ngayon.
"L-Lence..."
END OF ENTRY SEVENTEEN
443":AF-
BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Fiksi RemajaSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...