ENTRY FOUR
Arrietty's POV
Papasok na ako ng mansyon. Agad na nagsibatian ang mga maids but hindi ko sila pinansin. Derideritso ako sa paglalakad papunta sa favorite tambayan ni lola dito sa mansyon, ang office niya na nandoon sa second floor. Kumatok na muna ako.
"Come in!"
Rinig kong sabi niya. Pinagbuksan naman ako ng isang bodyguard. Agad akong pumasok at nakita si lola na umiinom ng kape.
"Arrietty! You're here! Come!"
Nakipagbeso beso muna ako sa kanya bago ako umupo.
"How's your day?"
Tanong niya sa akin.
"The same as always. Lola, about dun sa Free Kiss--'
"Ah yes! Don't you dare to let me down, okay?"
Napatahimik ako bigla. Hindi pa nga ako tapos magsalita, inunahan niya na kaagad ako. Paano na 'to?
"Lola...kasi..see, h-hindi naman ako marunong maghandle ng section."
Sabi ko sa kanya. Honestly, ayaw ko lang talagang maghandle at pumunta sa event na iyon. Ano naman kasi ang gagawin ko dun? Tutunganga? Tss.
"Darling, darling, darling. You're Arrietty San, I know you can do it. Pagbigyan mo na ang lola, last year nag-absent ka. Atsaka last year mo na sa school ko kaya um-oo ka na lang."
Napabuntong hininga ako. Ito ang pinakaayaw ko sa sarili ko eh, ang hindi marunong tumanggi. I gave her a smile.
"Sige po lola."
"That's my granddaughter! Anyway, hindi makakapunta ang parents mo for your incoming birthday. Don't worry, nandito naman si lola."
"Okay lang po 'yun lola. I have something to do nga po pala."
"Sure go ahead. Basta sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo sa birthday mo, I'll be always here."
"Thank you po."
Lumabas na nga ako ng office niya. Agad akong nagtungo sa room ko at napabuntong hininga.
Ako ang maghahandle ng section ko. Hindi makakapunta ang parents ko sa birthday ko.
Mas may worst pa ba nito? Kung meron, paki inform kaagad ako. Damn. What a hell day.
END OF ENTRY FOUR

BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...