ENTRY TWO
Arrietty's POV
Nasa loob ako ng white glass room. Dito ako kumakain tuwing lunch. I really hate this, hindi ba pwedeng maging normal naman ang buhay ko kahit sa pagkain lamang dito sa school?
May sariling server ako, may sariling cook, may sariling table.
Si lola kasi ang may plano nito. Kapag siya na kasi ang nagsabi hindi ko na matanggihan. Yes, I really love my lola kaya kahit hindi na ako masaya sa pinanggagawa niya oo pa rin ako ng oo.
Katabi lang rin naman ito sa cafeteria kaya nakikita ko ang mga students na papasok at dumadaan sa cafeteria.
Uminon ako ng tubig.
Nahagip naman ng aking mga mata si Sho.
Napabuntong hininga ako bigla. That's Sho Caltanra. My ultimate crush. Isang simpleng lalake lamang siya dito sa school. Yes, may humahanga sa kanya dito sa school. Vocalist ng isang banda sa school kasi namin siya atsaka ang gwapo pa. Hindi siya 'yung tipong mayabang kahit medyo sikat sila dito sa school dahil na rin tumutugtog sila sa tuwing may event.
Kasama niya ang mga kabanda niya slash ang mga kabarkada niya habang papasok sila sa cafeteria.
Bakit kasi dito pa ako dapat kumain, hindi ko tuloy siya masilayan.
Maraming nagkakagusto sa akin but my heart only belongs to Sho but sad to say he don't like me. Ayaw niya sa isang babaeng katulad ko, gusto niya 'yung simpleng tao lamang na katulad niya. Paano ko nalaman?
Ofcourse, source. Marami akong connection.
Ridiculous right? Maraming nagdadarapa sa akin pero mas pinili kong gustuhin ang lalakeng never naman akong magugustuhan.
END OF ENTRY TWO
BINABASA MO ANG
Free Kiss Day [Completed!]
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Th...