Butterflies
Iniayos ko ang maliit na beach umbrella na sumasakop sa katawan ko dahil lumalandas na ang sinag ng araw kaya't tumatama ito sa aking balat. Napakainit. Ang bilis ng takbo ng panahon, dumating na ang pinakahihintay ko kapag bakasyon. Summer.
Tanaw na tanaw mula rito ang napakaganda at asul na dagat. Tila ba'y nanghehele ang tunog ng mga alon, halimuyak sa ilong ang maalat na simoy ng hangin. Hinding-hindi talaga ako magsasawa dito.
"Ang tagal mong nawala dito, ha? Buti naman naisipan mong bumalik?" Anang katabi ko.
"Why not. I love this place. I love everything here. Dadalhin at dadalhin parin ako ng mga paa ko dito." Sambit ko sa kanya na ikinangiti naman niya.
"Yeah. That's why I missed you, Kersten." Tinanggal ko ang wayfarer na suot ko. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Is he blushing?
"I miss you too, Best friend. Ang pangit mo padin." Saka ko siya tinampal sa balikat. Tawang tawa ako sa reaksyon niya pagkatapos ko iyong ginawa. Kahit kailan talaga napakasungit ng lalaking 'to. Ang sama ng kanyang tingin sakin habang tumatawa ako. Tsk. Bipolar.
"What's with that expression, Luke?" Tanong ko sa kanya dahil para na niya akong ibabaon sa lupa ng buhay.
"What did you just say? Ako? Pangit? This face?" Saka niya inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Di ako nakagalaw agad. I'm still shocked.
"Tss. That's what you call 'the handsomeness of Luke'. Tara na. I'm hungry." Tumayo na siya at naglakad na palayo habang ako Hindi parin nakakaget over sa ginawa niya. He's always been like that simula nung mga bata pa kami.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng dagat. Dinama ko ang hampas ng hangin sa aking mukha kasabay ng pagsayaw ng aking buhok. Tumalikod na ako at tumungo na kung nasaan ang mini family resto ng aming resort. Yes, my family owns a resort here in Isabela though nariyan naman ang dagat iba parin kapag gusto mo talagang magpahinga halimbawa nalang kapag gabi. You don't need to go as far as the shore but to relax yourself in a comfortable pool. It's business.
"Spring Kersten Briones! You're very pretty my dear. Just like your mom." Pambungad ni Tita Leyezia, Luke's mother.
"Good morning Tita, Tito." Bati ko sa kanilang dalawa. A wide smile plastered on my face when I saw that pretty little angel.
"Lyca! I missed you baby. How are you?" I kissed him continuously. God, I really miss her.
"I'm fine Ate Kersten. And I missed you too." Sambit niya. Napayakap ako sa kanya, I want her to be my sister. I want to hug her forever. She's pretty, really pretty.
Iyong si Lyca ay younger sister ni Luke. Malayo ang agwat ng kanilang edad. But still they were perfect siblings. Wala akong kapatid, kaya siguro malapit ang loob ko sa kay Lyca.
Habang kumakain kami tahimik lamang kaming mga mas bata. Business everywhere, pinag-uusapan siguro nila iyong partnership ng dalawang resort.
Pagkatapos ng umagahan, sabik na akong magtampisaw sa tubig alat. When I was young, I dreamt to be one of those mermaids. And I just laugh at that childhood memories now. I've grown up, a fine young lady.
Though, I'd grown a lot. I don't allow myself to wear bikinis. Kaya naman floral shorts muna at isang racer back ang suot ko ngayon. I'm just 20. I don't really enjoy teenage life. It sucks. I was never engaged in any relationship and I don't want to.
Papalapit na ako sa pampang. Dinaramdam ko ang init ng buhangin, ang hanging nagpapasayaw sa hanggang baywang kong buhok na umaalon sa dulo. Iniangat ko ang kamay ko sa magkabilang gilid ng aking katawan. Napapikit nalang ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
YOU ARE READING
Shattered Heart
RomanceThe fine, young and decent lady, Spring Kersten Briones had been such an angel to her family and even to the people around her. She lived like a princess in the material world called reality. Her life is as heavy as a feather, as shallow as the scat...