Stay
"Magandang umaga po. Magtatanong lang sana ako. Saan po dito ang bahay ni Pauleen Dimagiba?" isang matandang babae ang nagwawalis ng mga tuyong dahon sa kabuhanginan ang napagtanungan ko.
Naningkit iyong mga mata niyang mukha ng nanlalabo. Luma na din iyong eye glasses na suot niya.
"Kersten... Ikaw na ba iyan hija? Naku! Napakaganda mo talagang bata ka. Ano nga ulit ang iyong sadya?" nagulat ako dahil kilala niya ako. Hindi ko matandaan kung sino ang kaharap ko ngayon.
"Kilala niyo po ako?" takhang tanong ko.
Itinabi ng matanda ang hawak nitong walis at hinarap ako. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis, kumpleto pa iyong mga ngipin niya.
"Aba'y sinong hindi makakakilala sa'yo dito sa Isabela, hija? Napanood namin iyong sinalihan mo na ipinalabas sa TV. Hindi ba ay ikaw ang nanalo doon? Ang ganda ganda mo talaga! Boyfriend mo ba iyong makisig na lalaking nakahilig sa kanyang sasakyan? Hay, naku. Bagay nga kayo. Parehas kayong may magandang lahi." parang nakakita ng artista ang matanda dahil sa tono ng kanyang boses.
"Salamat po sa papuri. Pero, hindi ko po siya boyfriend." lumapit ako sa matanda upang bumulong.
"Pero mahal ko po iyan." Humagikhik naman ng tahimik ito. Para siyang bata na binigyan ng kendi dahil sa tuwa.
"Kung ganoon ay manliligaw mo siya?" mahina ang pagkakasabi nito sapat na para marinig ko. Umiling ako.
"May mahal po kasi siyang iba." nalungkot iyong mukha nung matanda.
"Sayang naman kung ganun. Bagay pa naman kayong dalawa."
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. I shouldn't feel sad. Besides, I'm still fine. Still. Fine.
Maging ang matanda ay sinabing bagay kami. Sa mata ko din naman bagay nga. Pero sa kanya? Hindi.
"Kahit na hindi niya ako mahal kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. I'm still hoping that one day... He will love me or like me as the real Kersten. And... That's not gonna happen, Lola. Hindi pwedeng ipilit ang hindi talaga pwede. It's like forcing the plane to crash... Kahit na anong gawin mo ay hindi babagsak."
I felt relief when I voice out my sentiments. The air I've been forcing not to come out find its ways to breath out.
Lola was amused on what I said. Her smile faded as she nod. Maybe, she assumed that we are in a relationship but we're not. We're just... Uhm? I don't even know what's our label.
"Kung ganoon ay sumunod kayo sa akin at pupuntahan natin iyong si Poleng. Malapit na iyong sa kanila." Iika-ika na ang matanda sa paglalakad. Tumingin naman ako sa likod at nakita kong nakahilig si Simo sa kanyang sasakyan.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong ko.
"Pupunta nalang ako mamaya doon. Mauna kana."
Naningkit ang mga mata ko. Hinarap ko siya ng mabuti.
"What?! Alam mo ang daan papunta sa kanila?!"
"Oo."
Natatawa niyang sambit. I can't believe him. E, kung alam pala niya ang daan... bakit hinayaan pa niya akong magtanong? Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Ang sarap.....
Ang sarap.... Mahalin. Siyempre, biro lang.
"Bakit di mo sinabi sa akin?"
"Hindi ka naman nagtanong. So, why would I answer if you're not asking me a question about her whereabouts."
What?! Nakakainis na siya ha? Inirapan ko nalang siya. Do I need to ask him? He knows what my plan is. He should insist to tell me!
Naglakad siya papalapit sa akin ng tatawa-tawa. Umiirap nalang ako at hindi siya tinignan. In my place, I can act normal. That's my special talent. To hide my feelings. I even got a trophy for that. Tss. Just kidding.

YOU ARE READING
Shattered Heart
RomanceThe fine, young and decent lady, Spring Kersten Briones had been such an angel to her family and even to the people around her. She lived like a princess in the material world called reality. Her life is as heavy as a feather, as shallow as the scat...