Chapter 6

73 4 5
                                    

Catch

"Good Morning, Isabela!" Kahit namumugto ang mata ko dahil sa nangyaring pag-uusap namin ni Simo sa may dalampasigan kagabi ay maganda parin ang gising ko.

Hinanap ko kaagad ang telepono upang tawagan ang front desk.

"Hello, can I have a coffee please. Sa room ko nalang. Thank you." Ibinaba ko na ang tawag.

The sun starts to shine. Ang bawat sinag ng araw na tumatama sa asul na dagat ay nagpapakintab dito. Marami ang mga ibong nagliliparan sa himpapawid, maraming mga turistang naglalakbay sa kabuuan ng Isla de Bela... nakayapak, dinadama ang init ng buhangin. This place is so relaxing! The view from my veranda is nice. Kitang-kita ang sakop ng aming resort.

Napatingin ako sa pintuan ng marinig kong may kumatok dito. Naglakad ako papalapit, inayos ko ang aking suot na pantulog.

Pagkabukas ko, iniluwa nito ang isang taong matikas na nakatayo sa bungad ng aking pintuan. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Napako ang tingin ko sa kanya. Binuksan ko naman ng sakto iyong pintuan upang magkasya ang dala niya cart.

"What are you doing here?" I asked him.

"Idinala ko lang iyong kape mo. Walang may free time ngayon dahil abala sila sa kanilang trabaho kaya nagprisinta nalang ako." Sagot niya.

Nakita kong may inilapag siyang isang tasa ng kape sa aking coffee table. Maingat ang pagkakahawak niya dito na parang anytime ay mababasag. I would always love it if I'm in that situation. Iyong iingatan niya ako para hindi mabasag. Iyon sanang ganoon. Kaso, hindi e.

"Hindi ko alam kung ano ang tipo mo. Matamis ba o hindi. Ano nga ba ang gusto mo?" Lumingon siya sa akin. Hinihintay akong sumagot.

"Ikaw." Kumunot ang kanyang noo. "Ah- I mean yung sakto lang." What the hell?

Tumango siya. Hindi pinansin ang aking sinabing kahihiyan. Pinilig ko ang aking ulo upang mawala ang mga iniisip.

"Bakit? May problema ba?" Lumapit siya sa akin at lumipad ang kanyang kamay sa aking noo. Nanatili iyon doon ng ilang segundo.

His pink thin lips pouted. I don't even remember that a guy will suit that expression very well. And he does. I find it hot! Damn.

Inalis ko ang kanyang kamay. Umatras ako ng dalawang beses habang palayo sa kanya. Umiinit ang pisngi ko. Sa tingin ko ay namumula na iyon dahil lamang sa simpleng galaw niya.

"O-okay lang a-ko. Sige n-na..." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya, ayokong mahalata niya iyong mata kong namumugto kaiiyak kagabi.

Humakbang siya palapit sa akin, umatras din ako. Patuloy siya sa paglapit, patuloy din naman ako sa pag-atras.

"Lumalamig na iyong kape. Iinumin ko lang." Umilag ako sa kanya. Linagpasan ko siyang nakatayo na malapit sa kama ko.

Naglakad ulit siya palapit sa akin. Dahil sa taranta ko ay agad akong napainom.

"Aray." Napaso ang labi at dila ko sa biglaang pag-inom. Ang resulta non ay nabitawan ko ang tasa ng kape at nahulog ito sa kinatatayuan ko.

Agad niya akong dinaluhan. Hinawakan niya ang aking kamay. Namumula ito at ramdam ko na ang pangingirot. Hindi ko maalala na natapunan iyong kamay ko pero sa nakikita ko ngayon ay nangayari nga.

Ipinaharap niya ito sa kanya upang makita niya ng mabuti. Tinitigan niya ito. Kita sa kanyang mga mata ang pagkairita.

Yeah. I need to accept the fact that he will be like this to me. I can't blame him. I shouldn't blame someone. Kung madali lang sanang magpigil ng nararamdaman ay ginawa ko na ngunit mahirap talaga.

Shattered HeartWhere stories live. Discover now