What if's
I spent the whole Sunday crawling on my bed. Wala ako sa mood lumabas, kumain, o mamasyal man lang. Wala akong gana. Nakatitig lamang ako sa pagkaing naroon sa mesa, hindi ko iyon ginalaw.
"Shit!" Ipinaharap ako ni China sa may batis. Lumuluha ako dahil sa nakikita.
Napakababaw ko. Ganito ba ang nagagawa ng pag-ibig? Ang nagmamahal ng patago? Ang mag-isang nagmamahal?
Pinalis ko ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito.
"Ano ba namang puwing ito." Ngumiti ako Kay China upang ipahatid na ayos lang ako. "Umabot hanggang puso." Tumawa ako para mawala ang pag-aalala niya sa akin.
Kinalma ko ang sarili ko. Mabuti nalang at may dalang wayfarers si China at agad ko iyong sinuot.
Tumunog ang aking telepono. Nakita kong si mommy ang tumatawag.
"Mom." Maikling sambit ko.
"Are you sick? Hindi ka lumalabas sa kwarto mo. At ang pagkain mo ay hindi mo pa ginagalaw." Pag-aalang tanong nito.
"I'm fine mom. Wala lang po ako sa mood." Half true.
Ibinaba ko na ang tawag. At tumunganga ulit sa itaas na kisame.
Hindi ko alam kung papaano ako nakatawid sa nakakatakot na hanging bridge sa Callao, nagawa ko iyon ng wala daw akong inaasahang tulong. Tuloy-tuloy lang daw ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa sasakyan.
Nagising akong nasa kwarto na. Ayokong bumangon. Ayokong lumabas.
Malagkit na ang aking katawan. I need to take a bath, kahit na tinatamad ako kailangan kong maligo.
"God! Kersten! 3 weeks ka ng nagtatago sa lungga mo. Get a life!" Nandito na naman siya sa kwarto ko. Nag-iingay.
"Ayokong lumabas. Wala ako sa mood." Paulit-ulit na itong excuse ko na ito.
Pinaningkitan ako ng kanyang bilugang pares ng mata. "Sabihin mo nga sa akin. Yung totoo lang ha, Kersten. Dahil ba iyon sa nakita mo?"
Tulala parin ako.
"What the fuck! Kung nagkakaganyan ka ng dahil sa kanya ay mas mabuting itigil mo na iyang kahibangan mong iyan!"
"No!" Pasigaw kong sambit.
"Then, what? Dahil lang sa nakita mo nagkakaganyan ka? Paano kung mali iyang mga iniisip mo? Paano kung magkaibigan lang sila?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Pero paano nga kung hindi! What if they're living together! Wala akong laban doon!" Sigaw ko.
"What if, all your "what if's" were proven wrong? Gayong wala ka pang sapat na dahilan."
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Napaisip. Naguluhan. Pero may punto rin siya. Wala akong sapat na dahilan at wala akong karapatan. Padalos-dalos ako sa aking mga ginagawa ng hindi nag-iisip.
"I am with you Kers, you'll have my support. Kahit na ano pang desisyon ang pipiliin ay doon ako. Pero huwag mo din sanang kalimutan, once that I see you unhappy... Makikialam talaga ako sa buhay mo." Niyakap niya ako dahilan kung bakit tumulo ang luha ko. Nagiging emosyonal na ako nitong mga nakaraang araw.
"Kilala kita. Kilalang kilala. I can see it in your eyes. Tuwing nakikita ko ang kakaibang ningning ng iyong mata tuwing kaharap siya ay alam ko na. I know you fell for him kahit na ilang araw mo palang siyang makita. Hindi ko iyan nakita sa ibang lalaking kaharap mo noon. Even Ian. The way you look at him is too far from how you look at Simo."
YOU ARE READING
Shattered Heart
RomanceThe fine, young and decent lady, Spring Kersten Briones had been such an angel to her family and even to the people around her. She lived like a princess in the material world called reality. Her life is as heavy as a feather, as shallow as the scat...