Chapter 2

95 7 6
                                    

Overdosed

"Hey! Wake up! You said we will roam around today! Aren't you excited!" Niyugyog ni China ang aking balikat. Gusto ko pang matulog ng mahimbing dahil napagod ako kagabi. Past midnight na ako nakatulog kaiisip kay Simo, I mean.. ang pagiging personal tour guide niya sa akin. Ganun ba kataas ang tiwala ni Daddy sa kanya? Nevermind.

"Hey! Naghihintay na yung gwapo mong tour guide sa ibaba." Tss. As if naman totoo. Itinuloy ko nalang ang aking pagtulog kahit na napakaingay ni China.

"What the hell Kersten! It's almost seven! Gumising ka na riyan kung ayaw mong tawagin ko ang tour guide mo para gisingin ka!" Inis na sambit nito.

Niloloko niya ba ako? Kay aga-aga napakahyper ng babaeng ito. She is a living megaphone times ten.

Hindi ko siya pinansin at umiba ng posisyon sa paghiga. Naramdaman ko ang pagtayo niya sa aking higaan, I also heard her footsteps papalayo sa akin.

"Can you please wake her up. Ang hirap niyang gisingin e. Sabihin mo aalis na tayo." Narinig kong sinabi ni China. As if naman may kausap siya. Feeling talaga.

Napatayo ako nung marinig kong may pumito ng malakas. Napatakip ako sa aking tainga dahil sa tinis at sakit na dala ng ingay.

"Ma'am, kailangan na nating umalis habang papasikat palang ang araw." Nagulat ako nung makita ko si Simo sa loob ng aking kwarto. Tawang-tawa naman ang bruhang babaeng ito dahil parang tanga na akong nakatitig lang sa lalaking katabi niya habang mulat na mulat ang mga mata.

Masama ko siya tinignan kung kaya't natahimik siya. Nakabihis narin siya ng hanging top shirt at shorts, may dala pa talaga siyang pito. Nakasabit iyon sa kanyang leeg. Hindi halatang handa siya! Hindi talaga.

"Thank you. Maaari ka ng umalis." Tumungo naman ito bilang pagsang-ayon. Tumalikod na siya't umalis ngunit ganoon parin ang posisyon ko. Sobrang gulat parin ako sa nangyari.

"See. It really helps." Nagpunta siya sa balkonahe ng kwarto ko at saka tumingin sa akin. "I smell something fishy~~~." Pakanta niyang bigkas. Humalakhak siya saka tumingin sa malayo.

"You know Kers, bagay kayo." Pagtutuloy sa kanyang sinasabi.

Lumundag ang puso ko sa sobrang tuwa. Yes! Bagay kami. Nakakatawa man pero iyon ang gusto ko. Nakakabaliw na talaga.

"Whatever." Sambit ko para naman hindi halatang nangingisay na ako sa kilig dahil sa kumento niya.

"You're transparent. Kitang kita sa mga mata mo na may iba kang pagtingin sa kanya. Finally, you're attracted." Hindi kasi ako mahilig magsinungaling. Mabilis mabasa ang aking galaw, wala naman akong magagawa dahil ganito talaga ako.

"Magbihis kana. I'll wait for you here para makapasyal na tayo. Tawagan ko ba si Luke?" Tanong niya.

"He's in Manila. Hindi mo na siya naabutan. Pasukan na sa school kung saan siya nag-aaral. He's taking medicine right? Nasa 5th year na siya." Pagpapaliwanag ko. Kakilala ni China iyong si Luke dahil pinsan niya ito. Magkapatid ang kanilang mga ina. Lumaki nga lang sa Pilipinas si Luke minsan ay bumibisita sa New York para magbakasyon. Samantalang si China ay sa New York na nagkamuwang, ngunit matatas siyang magtagalog.

"Sayang naman kung ganoon. Bilisan mo na at baka mainip si Mr. Tour Guide sa ibaba. Hahaha." Pang-aasar niya sa akin.

After 30 minutes nakapagbihis na ako. Simpleng white shirt at jumper lamang ang isusuot ko ngayon. Isinuot kong muli ang aking combat boots.

Hawak ko ngayon ang Camera na gagamitin ko sa pagkuha ng mga magagandang larawan.

I should act normal lalo na't kasama namin siyang maglilibot. He is my personal tour guide after all.

Shattered HeartWhere stories live. Discover now