I'm sorry
Kahapon ay kinausap ko si Tonyo upang maging tour guide ko pansamantala. Napapayag ko naman siya sa gusto ko. Nag-aalinlangan pa nga ito dahil si Simo ang itinalaga sa pusisyong iyon, ngunit ang sabi ko ay ayos lang.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang lamig na ng pakikitungo sa akin ni Simo. Noong nakita ko siya kahapon ay hindi man lang siya sumagot sa mga tinatanong ko. Hindi naman kasi niya iyon trabaho.
Ang sabi ni Tonyo ay pupunta kami sa Hydro. Magat Dam ang tawag doon. Ito daw ang nagsu-supply ng kuryente sa buong Isabela and the second largest Dam in Philippines.
Iniisip ko palang ay nae-excite na ang diwa ko. Nagdala ako ng extrang damit in case naisipan naming magbangka.
Umalis sina daddy at mommy kanina dahil may business meeting sila sa Canada. One month silang lalagi doon at kami lang ni China ang maiiwan dito. But China will be leaving soon. Ibig sabihin ay ako lang mag-isa ang maiiwan dito?
Ipinilig ko ang aking ulo. Isinantabi ang mga iniisip. Lumabas na kami ni China. Nakita namin si Tonyo na mukhang problemado.
"May problema ba Tonyo?" Sinulyapan ko siya, hindi makatingin sa akin.
"Ayaw po kasi umandar ng sasakyan ma'am. Sira po ang makina." Iniayos niya ang bibig ng sasakyan. Nagkamot siya ng ulo.
"Siguro naman ay may available na sasakyan dito sa hotel?" Tanong ko sa kanya na umagaw naman sa atensyon niya.
"Ma'am lahat po ng sasakyan ay ginamit. Ito nalang po ang natira. Pasensya na po kayo ma'am. Aayusin ko pa ito, aabot po ng ilang oras." Pagpapaliwanag niya.
Tumango nalang ako. Nakita ko namang ngumuso si China, alam kong mainipin ang taong ito. At ayaw niya ng naghihintay.
"Tumawag ka ng iba mo pang kasama upang ayusin iyan Tonyo. Sa susunod nalang kami mamamasyal." Wala akong ibang magagawa kundi ipagpaliban ang aming lakad.
"Pasensya na po kayo ma'am." Halata sa boses niya ang panghihinayang. Naiintindihan ko naman iyon.
Wala kaming ibang ginawa kundi tumambay sa gilid ng pool. Kumakain kami ni China ng mga sariwang prutas. Tumunog ang kanyang telepono.
"Mom...." Hindi na maipinta ang kanyang mukha. "Okay. Tomorrow.... Alright. Bye mom." Ibinaba na niya ito at tamad na tinignan ako.
"Mommy wants me to be there tomorrow as soon as possible. So, I decided that I'll be leaving this evening then. 12 hours pa ang biyahe papuntang manila, diba?"
Mahaba-haba nga ang biyahe niya kung mamaya na siya aalis. Kailangan na niyang magpahinga kung ganoon.
"You should rest. So, ang ibig bang sabihin nito ay ako nalang mag-isa ang mag-iikot sa Isabela? Nakakalungkot naman."
"Kung ako lang ang papipiliin ay gusto kong dito na muna pansamantala." Boses pagkalungkot ang tono niya.
Nang natapos kami sa pool kung nasaan kami kanina, umakyat na kami upang makapagpahinga.
"Bye Kersten." Paalam ni China habang siya ay sumasakay na sa inarkilang tricycle ni Tonyo kanina.
"Mag-iingat ka. Pasensya na at hindi kita maihahatid."
"Okay lang, ano ka ba. Papaano iyong kay Simo?" Ngiting aso na naman siya.
Hindi ko napigilang ngumiti kahit may kirot sa aking puso.
"Wala akong magagawa, nandito na kasi siya o." Itinuro ko ang puso ko. Huminga ako ng malalim. "Kahit anong mangyari ipaglalaban ko ang nararamdaman ko." Pagpapatuloy ko sa aking sinabi.
YOU ARE READING
Shattered Heart
RomanceThe fine, young and decent lady, Spring Kersten Briones had been such an angel to her family and even to the people around her. She lived like a princess in the material world called reality. Her life is as heavy as a feather, as shallow as the scat...