Chapter 3

76 10 3
                                    

Cry

Payapa ang ilog kung saan kami namamangka. Kuha lang ako ng kuha ng litrato habang si China ay dinadama ang katahimikan ng lugar, nakatukod siya sa bangka at ang kanyang mga daliri ay nagpapahinga sa tubig.

Simo is in front of me. Magkaharap. Siya iyong nagsasagwan sa bangka upang umusad. Tinanggal niya iyong coat niya kanina siguro'y dahil sa init kaya white long sleeve polo nalang ang kanyang suot ngayon. Nakatupi iyon hanggang sa siko. He looks so damn hot.

His strong jaw clenched as he tried to look at me. At kapag napapatingin naman ako sa kanya agad siyang umiiwas. Nakita ko na may nabuong ngiti sa kanyang labi ngunit pinipigilan niya ito upang walang makapansin. Inihanda ko ang aking camera upang sa muli niyang pagsulyap sa akin.

Hindi nga ako nagkamali dahil umamba ulit siyang tumingin sa akin ng nangingiti. Sunod-sunod kong pinindot ito upang makuhanan siya.

Tumawa ako dahil sa ekspresyong iginawad niya sa akin. Gulat ang kanyang mga mata. Ngumiti nalang ako at tinignan ang kanyang larawan sa aking camera.

His features are somehow mixed with Brazilian looks. His long legs can beat professional models. His muscles are perfectly fixed. His hair is kind'a disheveled and it really suit him well.

Siguro nga nakatadhang magkatagpo ang landas naming dalawa. I don't believe in destiny... Before. Pero nagbago iyon noong nakilala ko siya. Guys are attracted to me, but I don't entertain them. Dahil wala akong oras para doon.

I only enjoy the life I have. No trill. Just fun. I am carefree to the extent na wala akong pakialam kung makabasag man ako ng puso.

I'm never been rejected. All my life. I'm the one who rejects. All I know is to hurt feelings. Hindi ko pa iyon nararamdaman. Everyone loves me. And I used to enjoy their attentions for me. I can't imagine myself being rejected by someone and I don't want that to happen. Ayokong masaktan. Alam kong mahirap, hindi madali but that's what life means. Kung itinali ko ang sarili ko noon sa isang relasyon ay hindi ako magiging malaya. Hindi ko sana makikila itong lalaking kaharap ko ngayon.

Kalaunan ay nakarating na kami sa may daungan ng bangka, sa kabilang dako ito. Upang makarating ulit kami sa aming pinanggalingan ay kailangan namang sumakay kami sa isang zip line. Ipinahawak ko muna kay Simo iyong camera ko dahil hindi ako makakapit kung hawak ko iyon. Walang kahirap hirap siyang umaakyat sa isang matarik na cliff samantalang ako ay hingal na. Ligtas naman ito dahil may mga railings na nagsisilbing hawakan. Pwedeng isahan o dalawahan ang pagsakay, zip line depende sa gusto ng mga turista. Maaari din namang gamitin ang isa pang lubid na hanging bridge sa may malapit kung mas gusto mo ng thrill sa buhay. Sa tingin ko'y mas ligtas ang zip line kaysa roon.

"I'll go first! I'll wait you again there guys." Itinuro niya iyong pinanggalingan namin kanina. Ngumisi siya ng nakakaloko at saka kumindat sa akin.

"Wait. Sabay na nalang tayo China." Agad kong sambit. Alam ko ang pakay ng babaeng ito. Nais niya akong iwan dito. Dahil no choice na magsasabay kami ni Simo! Gusto ng puso ko pero ayaw ng utak ko! No! But... What the hell am I thinking? Siyempre hindi! Hindi pwedeng magsabay kami!

"Sasabay po ako sa kanya manong."

"No! Kuya, bibigyan kita ng malaking tip. I will pay you bigger amount." Naglabas ng pera si China at iniabot ito sa operator."Sige na Kuya." Ngiting aso naman ang babaeng ito.

500 meters ang layo nito. Nalulula na ako sa ibaba. Ang taas nitong lugar kung nasaan kami. Sana ay ganun ako ka-adventurous kagaya ng kay China.

Kumalabog ang puso ko dahil nasa gitna na ng kanyang lipad si China at ngayon kaming dalawa nalang ni Simo ang naririto kasama ng operator.

Shattered HeartWhere stories live. Discover now