CHAPPY IV
Still
By: LukahRhet_May
P.O.V ni Rain
Kinabukasan.
Same bench... place and time... nakita ko na kaagad si Krish na nakaupo sa bench na nakasanayan na naming tambayan. Lumapit ako rito at diretsong umupo. Ni hindi man lang ako napansin ni Krishiel.
Seryoso siya sa pagbabasa ng libro.
I’m concentrating looking to her beautiful face... hindi nabanggit na si Krishiel ay may makapal na glasses. Maybe this thing ang nagpapaless sa kagandahan nito. Semi neird lang siya, pero siguro pagnag-ayos ito dyosa talaga.
While looking at her face, na appreciate ko talaga ang matangos niyang ilong, her curl lashes, her smooth hair, her chocolate brown eyes, her eyebrow na natural na parang pinaayos sa beautician, her surely pink lips. Maputi siya but hindi masyadong kapansin-pansin sapagkat lagi itong naka suot ng jacket o kaya longsleeves. Basta maganda siya sa paningin ko kahit manatili pa siyang semi neird.
Ganito naman yung totoong gusto kong babae, simple yet attractive. Di kagaya nung school cheer leader na halos kita na ang kaluluwa. Ibang-iba talaga si Krishiel. At napapangiti parin ako kapag naaalala ko yun scene na hinalikan ko siya sa lips.
I know it was her first kiss kasi the way she react after says that it was really her first. And i was really honored to know that ako ang first kiss niya. Gusto ko ako ang first everything niya.
And I’m crazy because pinagpapantasyahan ko na siya.
Bahagyang inilapit ko ang mukha ko sa likod ng libro kasi parang ibababa na niya yun at isasara na.
Nang ibinaba na nito ang libro. Gulat na gulat siya ng makita ako.
“Rain, papatayin mo ba ako sa gulat?”
“bakit na gulat ba talaga kita?”
“Oo, ginulat mo talaga ako”
Nginitian ko lang siya. Ang ganda niya talaga. She’s one of a kind.
Simple yet attractive
Napapangiti nalang ako sa description ko sa kanya sa aking isip.
“tara lakad tayo, tutal wala naman daw ang prof mo sabi sakin ni Jenny yung student assistant”
“saan naman tayo pupunta?”
“kahit saan”
Hindi pa man ito nakakapagreact agad ko na siyang hinila.
“saan ba tayo pupunta?”
“mamamangka tayo” sagot ko.
“Ngayon?”- muli nitong tanong
“hindi, bukas gusto mo?”- sagot nito.
“Rain! Pilosopo ka talaga! bakit hindi mo agad sinabi?”- Krishiel
“Sinabi ko kaya” sagot ko. Hila-hila ko parin siya.
“Pano naman itong mga gamit natin?” tanong nitong muli.
“Don’t worry meron naman akong kakilala sa may pang-pang maari nating iwan duon yung gamit natin.”- ako
“Hay ewan” yun lang ang sinabi nito.
**
Nandito na kami sa kalagitnaan ng dagat. Nakasakay kami sa airboat na inarkilahan ko. Mura lang naman ito kayang-kaya sa budget. Nakapalumbaba si Krishiel habang nakatingin sa malayo.
“mabuti nalang pala at makulim-lim ang langit”
“mukhang uulan”- si Krish
“hindi naman”- ako.
Inihulog ko na yung maliit na parang arc ng airboat na gamit upang di makalayo itong sinasakyan namin.
Tahimik parin... napaka boring... kaya ang ginawa ko tinulak ko sa airboat si krishiel.
“RaInn!!!” sigaw nito ng mahulog ito sa dagat. Tawa lang ako ng tawa. Saka lumusong sa tubig kasama si Krish.
Nang lumapit ako rito. Agad niya akong hinampas sa braso.
“Ouch_”
“puro ka kalokohan” sabi nito na nagsusungit.
“meron ka ba ngayon kaya ka nagsusungit?”
“wala noh, naiinis lang ako sayo kasi tinulak mo ko dito” tinawanan ko lang ito para kasi bata . sumisid ako sa ilalim upang makapunta ako dito sa likod ni Krishiel at niyakap ko na siya. Mahal ko na ata itong babaeng to. I wish na ganito na kami forever... yun bang soo close.
Krishiel’s P.O.V
Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin sa likuran ko, alam ko namang si Rain lang yun ngunit mas nagulat siya sa sinabi ni Rain.
“sana ganito lang tayo forever...”
“huh? G-gusto mo forever tayong magbabad dito sa tubig? Huwag naman giginawin tayo dito” tumawa si Rain tapos inikot niya ako paharap sa kanya. Nakangiti ito.
“Sily... not this... I mean you... having me forever...” hinaplos niya ang mukha ko. Then he took away my glasses and tinapon iyo sa malayo.
“why did you do that??” bakit niya tinapon?
“Mas maganda ka with out those glasses”
“but I can’t see clear”
“hayaan mo sasamahan kita sa optimologist. Magpagawa ka ng contact lens.”
“okey” sagot ko nalang. Napansin kong titig na titig sa akin si Rain.
Ang lakas ng tibok ng puso ko...
Habang nakatitig sa berde nitong mga mata...
There’s something na parang gusto nitong sabihin sa akin ngunit mukhang may pumipigil rito...
Papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin...
Few inch nalang ang distance ng lips namin, nakapikit na si Rain habang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko...
“Rai_” di ko na natapos ang sasabihin ko because magkadikit na ang mga labi namin. Pinikit ko nalang din ang aking mga mata...
Ang tanging nagawa ko nalang ay ang tugunin ang maalab nitong halik nito.
When our lips parted I was still staring at his handsome face. Why did he kiss me?
“ Krishiel, I love you... matagal ko ng gustong sabihin ito sayo, kaso dinadaga ako sa dibdib tuwing nagbabalak na umamin sayo kasi natatakot akong ireject mo... now dahil tinugon mo ang kiss ko... sigurado akong may feeling ka din para sakin... I love you Krishiel... and I want to court you.”
Di ko alam kung anong ire-react ko, but I just found my self na yumakap kay Rain.
**

BINABASA MO ANG
STILL [SPG]
Romanceako si Krishiel Angela Salcedo I love “commited men” . Pinapatulan ko kahit alam kong may girlfriend sila. Isa lang naman ang rule ko. "No string attached" . Ganun lang. sinasadya kong mag-iwan ngebidensya sa mga naka fling ko para magbreak sila...