Entry 37: Choice

263 25 27
                                    


[Hinaricchi~ Napagkasunduan namin na mag-celebrate sa Karaoke Bar pagkatapos ng klase mamaya para sa pagbabalik nyo ni Aka--]


Binabaan ko na sya. .___.


Anung Karaoke Bar nanaman?!


Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Tatlong araw na ang lumipas simula nung mailigtas kami ni GG dun sa gubat. Napagalitan pa nung mga coach nila yung mga Power Rangers pero si Ruka na ang nag-ayos ng lahat ng yun dahil sya naman yung pasimuno. Sina Rainbow-senpai naman maayos daw na nakauwi sa Secret HQ namin. At CHARAAN~ bago ang phone ko! Nabasa yung luma habang nasa bulsa ko nun eh. Kung sinu-sino na agad tumawag para kamustahin ako.

Gusto pa akong dalawin nina Reo-nee kahapon! Pero no! Nakakahiya pag nalaman nilang kayna Emperor GG ako nakatira! Tapos isa pa yung si Kyo! Ang kulit-kulit, lalo pa nung nalaman nyang walang tao sa mismong bahay namin. Naloko na. *facepalm*.

Hm? Ang ipinagtataka ko lang. Anu ba yung pinagsasasabi ni Kami-chan sakin na kasali daw sa kulto sina Ruka, Taiga at Tatsuya?

Ang dami kong aayusin pagkapasok ko mamaya. *sighs*


"Hm? Nauna nang pumasok si GG?" si Ruka ang sumalubong sakin pagkababa na pagkababa ko ng hagdan at naka uniform na.

"Oo, Young Miss. Sumabay narin sa kanya si Hiro-sama. Ako na lang maghahatid sainyo." masayang-masayang nginitian nya ako.

"Sige.." tugon ko "Bakit ang saya mo yata ngayon. At ano yang mga papel na hawak mo? Picture yun ni--"

"A-Ah wala to Young Miss! Hahaha! Tara na~" tapos itinulak nya na ako palabas. "At sa nga pala, pupunta tayo mamaya sa headquarters pagkatapos ng klase mo.."

"Ah.. Sige."


{Rakuzan High/Lunch}

"Oh Kami-chan. Anu bang pag-uusapan natin sa sinasabi mong kulto hah?" tapos sumubo ako ng spaghetti.

"Ah--Uhmm.. Hindi. Wala yun Hina-chan." nakatungong sabi nya na sumubo din sa kinakain.

Problema ng nilalang na to? MAY TINATAGO SYA SAKIN! Pero hindi ko na lang sya kinulit.

Tapos dumating si Kyo at nakikain sa tabi namin. Andami nya agad tinanong dahil ang tagal nya nga akong hindi nakasama. Lahat na ng palusot na pwedeng sabihin kung bakit ako sumama sa Training Camp, kung bakit ako naiwan kasama si GG dun sa gubat, at kung saan ako nakatira ay nasabi ko na.

"K-Kay na Kami-chan ako nakatira ngayon.."

"Haaaaah!! Anung samin eh kayna Aka--MPHH!" binusalan ko nang tinapay yung bibig nya.

"Eh saan ba ang bahay nina Yamanaka-san para mapuntahan naman kita?" nakangiti pa si Kyo.

"Uhmmm.."


Pero may dumating na lang na guardian angel! May binulong kay Kyo tapos nagmadali na syang umalis. ANG GALING!

"Mamaya na lang ulit Hina" tapos kumaway-kaway na sya sakin at tumakbo na.


Nakangiting kinawayan ko rin sya.. Pero halata kong beast mode na nga tong katabi ko.

"Bakit ba idinamay mo pa ang nananahimik naming bahay dyan sa fiancé mo!" tinuktukan nya pa ako.

"Eh alam mo namang magagalit si Kyo kapag nalaman nyang kayna GG ako nakatira. Ayokong nagagalit pa sya. Tapos baka mag-away nanaman silang dalawa. Ayoko nang mangyari yun noh!"

♔MASUSUNOD EMPEROR AKASHI♔ [KnB Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon