Chapter 1: Red, White, Black

108 5 1
                                    

  Full moon, ito ang mga oras na palaging may nawawala o nalalagas na buhay. Iba't ibang krimen at kababalaghhann ang nagyayari. Sa ilalim ng maliwanag na buwan, naka gapang ang madilim na mundo na puno ng iba't ibang klase ng nilalang.

Mabilis na tumatakbo ang isang lalaki na nasa kanyang kabataan pa lamang. Tumatakbo siya sa kanyang buhay na para bang hinahabol siya ng isang napakasamang panaginip. Humahangos at naliligo sa kanyang sariling pawis, at halos gutay gutay na ang suot.

"Maawa ka sakin!", sigaw niya bago madapa at mabundol ang kanyang tuhod sa bato. Halos hindi na siya makatayo.

Maya maya maya biglang nabulabog ang mga puno at nag liparan ang mga nagpapahinngang ibon. Dumating ang imahe ng isang lalaki.

"Hindi mo naman kailagan tumakbo eh", may halong tawa ang pagsabi ng parating na nilalang.Isang tawa na nakakapangilabot, na kahit isang leon ay hindi magawang maka galaw kung marinig niya ang tawa nito.

"Wala akong kasalanan sayo, parang awa mo na. Anong klase ng nilalang kaba?", mangiyak-ngiyak niyang pagmamakaaawa.

"Sabihin nalang natin na isa akong tigre na naghahanap ng makakakain, at isispin mo nalang na ikaw yung pagkain ko para hindi masyadong nakakatakot", bumulong ang boses ng lalaki sa hangin na naghatid ng kagimbal gimbal na sensasyon sa balat ng kanina pang naghihingahos na bata.

"Pag pinatay mo ako, hahanapin ka ng mga pulis sa buong buhay mo!", sigaw niya pilit na nagpakakatatag sa kabila ng kanyang maalapit na katapusan.

"Edi maghahanap sila sa loob nga ilang daang taon.", sagot naman ng lalaki.

Biglang tumambad sa kanyang harap ang may ari ng nakakatakot na boses. Isang lalaki na kasing edad lang niya ngunit kung ikukumpara sa kanya, malayong isang daang pursyento ang agwat nila. Ang lalaki ang may putting buhok na kasing puti ng nyebe, isang pares ng pulang mata na kasing init ng pulang dugo, labi na halos magkasingtulad ng mga talulot ng rosas at balat na halos kuminang sa sinag ng buwan. Nakasuot siya ng itim na jacket, itim na inner shirt, itim na pantalon at itim na semi-boots, may suot din siyang kwintas na isang baliktad na bituin at maraming itim na bracelet at bangles sa kamay niya, kaliwa at kanan.

"Anong klase ng........", bago paman siya makapag salita ulit. Bigla nalang nawala ang lalaki sa kanyang harapan at napansin nalang niya ang kanyang mainit na hininga sa kanyang batok.

"Wag kang maingay, madali lang 'to", binaon ng lalaki ang kanyang ngipin sa leeg ng kanyang biktima at mabilis na sinipsip ang dugo nito, halos kulay papel na ang lalaki matapos niyang hinugot ang kanyang maputing pangil sa balat niya.

"Lalaking birhen? Nakakatawa naman ang isang 'to", pinahiran niya ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang kamay at tinapon sa gilid ang katawang ng lalaki.

Naglakad ang lalaki at mas lalong kuminang ang kanyang balat sa sinag ng buwan at kanyang buhok ay nagkaroon ng kulay pulang strip na tumatakbo sa kanyang buhok, mas lalong naging supremo ang kanyang tindig at anyo matapos siyang makakain.

"Anim na buhay sa ikatlong sumpa ng bilog na buwan, sa wakas, sa loob ng isang daan at dalawampung taon, kumpleto narin ang kapangyarihhan ko para tawaging supremong bampira. Kahit ako nalang ang natitira sa lahi namin.", sabi niya sa sarili bago winagaswas ang kanyang pakpak at lumipad  paibabaw. 

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon