Chapter 7: Keep Darwin Locked

30 0 1
                                    


   

Nagising si Shawn sa haplos ng malamig na hangin sa kanyang likod. Tanging ang kumot lamang ang takip sa nakahubad niyang katawan. Bumitaw siya ng isang hikab bago tumingin sa bintana, napansin niya na hindi maganda ang araw.

"Paano ako nakauwi---", Nagulantang ang kanyang maaliwalas na pag gising ng isang tama ng libro sa gilid ng kanyang ulo.

Lumingon siya at nakita ang isang hindi natutuwang Darwin na nakaupo sa gilid ng isang aparador.

"Anong ginagawa mo dito?", inis niyang tanong sabay haplos sa tinamaang bahagi.

Sinalubong siya ulit ng isang plastic na baso sa noo niya, tumilapon ito pataas bago bumagsak sa sahig.

Binigyan lang siya ni Darwin ng isang tuyong expression na para bang nagsasabing"Wag mo akong kausapin gago ka",

"Ano bang problema mo?", galit na sigaw ni Darwin.

Binato siya ulit nito ng flower vase ngunit nakailag siya at nabasag nalang ito sa pagkakabangga sa pader.

Napanganga si Shawn sa ginawa ni Darwin.

"Anong problema ko? Ha?", tumayo si Darwin at lumapit sa kama ni Shawn.

Binigyan niya ito ng isang nakakatakot na tingin sabay labas ng kanyang mapuputing pangil.

Bigla niyang pinukpok ng libro ang ulo ni Shawn.

"Ano bang akala mo sa akin ha? Si Toothless? How to train your dragon?!", tiningnan niya pababa si Shawn.

"Bakit ba kase?", himas ni Shawn sa noo niya.

"Huy! Bampira ako! Hindi ako dragon! Ginawa mo akong saranggola, pinallipad mo ako, sinakyan mo ako, naging eroplano!", sumbat ni Darwin sa mukha ni Shawn.

"Yun lang pala eh", natatawang pagkamot ni Shawn sa likod ng ulo niya.

"Mukha ba akong aso na tinubuan ng pakpak sa likod?", hinampas niya ng unan ang mukha ni Shawn.

Napahiga ulit si Shawn sa kakatawa at natuwa sa hindi magandang mood ni Darwin.

"Ang cute nun! Lol! Aso?", tawang tawa siya sa kanyang mga pinagsasabi.

"Halimaw ka...", bulong ni Darwin bago tumalikod.

"Ayaw mo ba nun? Ang cute mong tingnan?", taas kilay na sabi ni Shawn sa likod ni Darwin.

Mas lalong hindi siya natuwa sa sinabi ni Shawn, pero sa halip na mainis, bigla siyang napangiti ng palihim bago umupo at humarap ulit na may naiinis na mukha kay Darwin.

"Balang araw kakainin din kita", banta iya kay Shawn habang nakatingin sa malayo.

Biglang nagtaka si Darwin galaw ng kanyang katawan, para bang walang naging sagabal. Tiningna niya ang ilalim ng kanyang unan at nagulat sa natuklasan niya. Nakahubad pala siyang natutulog.

"Kailan pa ako ganito?", gulat na tanong ni Shawn.

"Walang utak? Simula nung pinanganak ka.Natanong mo pala?", taas kilay na sabi ni Darwin. Walang emosyon ang mukha niya.

"Hindi, baliw! Nakahubad ako!", tinuro niya ang kanyang parte sa gitna ng kanyang hita sa ibabaw ng kumot.

"Asan bang pag iisip mo kagabi? Bigla ka nalang naghubad pag dating mo, yung mukha mong parang manyakis, sarap hampasin ng plywood, nakakadiri ka, lalaki mong tao.", inisnob niya ang mukha ni Shawn at pinulot ang libro sa sahig at binuksan ito.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon