Chapter 12: Once, in Underworld

19 1 2
                                    


       

Nagpatihaya buong magdamag si Darwin sa isang sanga ng puno na parang isang paniki buong magdamag. Buong gabing nag-iisip sa mga pangyayari. Halos hindi makatigil sa pagtakbo ang kanyang isipan. Minamasdan niya ang buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na mundong ginagalawan niya, kung gaano kataas ng buwan ganun din kalalim ang kanyang iniisip.

Lumipas ang oras at pinakikinggan lang niya ang bawat ingay na nasa paligid, mula sa galaw ng pakpak ng ng gamugamu hanggang sa mga pag uusap ng mga tao mula sa kabilang baryo. Dinig na dinig niya ang bawat detalye ng mga ingay na ito.

Napansin niya na nabasag na ang mundo sa bukang liwayway, agad siyang nagpahulog mula sa puno at nag tumbling hanggang nakababa na sa lupa. Naglakad siya patungo sa pinto bago lumingon sa kinaroroonan ng araw.

"Bakit hindi masakit pag tiningnan? Pero nakamamatay pag hinawakan", bulong niya sa sarili bago tuluyang pumasok sa loob.

Sumalubonng sa kanya ang katahimikan sa loob. Tanging ang tunog lang ng kanyang sapatos na nasa wooden floor ang maririinig. Pumunta siya sa kusina at dumaan sa sala nang mapansing wala na doon si Shawn. Hindi nalang niya ito pinansin at dumiretso.

Kumuha siya ng isang bag ng dugo na nasa chiller sa gilid ng freezer at sinipsip ito,napapikit siya sa sobrang sarap at napaungol sa lasa. Para sa kanya, wala nang mas sasarap pa sa dugo ng tao.

Narinig niya na may bumaba sa hagdanan, si Shawn, sinilip niya ito mula sa maliit na distansiya ng pinto sa pintuan. Napansin niya sa mukha nito na wala ito sa mood, nakasuot siya ng blue shorts at isang sando. Napaikot nalang ang mata ni Darwin sa mukha ni Shawn, naiinis siya sa tuwing nakikita ang mukha nito.

"Really, huh? Wala sa mood", taas kilay niyang bulong sa sarili.

Maya maya narinig niya na nagsalita si Shawn, parang nagrereklamo.

"Nasaan na kaya yung walang hiya?", sabi niya bago nahiga sa couch at pina andar ang TV.

Lumaki ang mata ni Darwin sa narinig, hindi siya makapaniwala na tinawag siyang walang hiya ni Shawn.

"Walang utang na loob", bulong niya sa kanyang sarili.

Naisip niya na lumabas, bigla niyang binagsak ang pinto sa kusina at nagmadaling naglakad patungo sa hagdanan, hindi tumitingin kay Shawn.

Walang reaksyon mula kay Shawn, nagtataka siya kung bakit walang pangungulit ang nangyari sa pagdating niya. Napansin lang niya na hindi rin tumitingin si Shawn sa kanya. Nanibago si Darwin at inisnob nalang siya.

"Darwin...", bigla siyang napahinto sa narinig. May halong galit at pagka bagot ang boses ni Shawn.

"Ano?", matuyong sagot ni Darwin.

"Patawad...sa nangyari kahapon. Alam mo yun...", alanganing sabi ni Shawn habang nakadikit parin ang mata sa TV screen.

"Yun lang pala", pinutol ni Darwin ang salita niya at umakyat papunta sa kwarto ni Shawn.

Tumaas ang kanyang kaliwang kilay sa pagtataka kunng bakit siya napadpad sa kwarto ni Shawn imbis na dumirestso sa hallway papunta sa daanan papuntang attic. Lumingon siya sa kanyang llikod at nakita si Shawn na nakasandal sa sirang pintuan.

"Pwede bang magtanong?", hindi nababasa ang emosyon sa mukha ni Shawn. Pero nahalata ni Darwin ang hindi magandang mood nito.

"Ano na naman?", umikot ang mata niya at tumingin sa ibabaw.

Napabuntong hininga sa pagkadismaya si Shawn sa mukha ni Darwin,"'Wag mo ngang sabihing ano na naman, seryoso ako", mababang tono sa kanyang boses.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon