Chapter 3: The Hunter

34 2 0
                                    


                                                                                

"Ngayong gabi, tatapusin natin ang buhay ng isang kriminal. Mananaig ang kabutihan", sigaw ng lider ng buong squad. "Itaas ninyo ang inyong kanang kamay", utos niya.

"Light will cross, darkness will fold", sabay sabay silang nagsalita.

Inihanda na ni Shawn ang kanyang mga sandata. Nakatinngin sa malayo habang nag iisip ng mga maaring mnayari. Sa iilang saglit nalang bababa na sila sa sasakyan para simulan ang kanilang misyon.

"Paalala lamang, wag kayong titingin ng direkta sa mata niya, kung makita niyo siya agad niyong paulanan ng silver bullet", paulit ulit na paalala ng lider na para bang isang kaiju ang haharapin nila.

"Yes sir!", sabay nilang sagot.

Nakatingin parin si Shawn sa malayo, iniisip niya ang kanyang pamilya, kanyang mga kapatid pati malalapit na mga kaibigan.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang luma at abandonadong hospital. Sa unang tingin palang, maiisip mo talaga na sa pagpasok mo sa entrance nito sasalubungin ka kaagad ng mga kaluluwa. Sobrang luma at nakakatakot ang ihip nga hangin. Walang may alam kung ano ang mangyayari sa loob.

"Right wing, left wing, front! Mission carry on!", utos ng lider sabay takbo papasok ng mga tauhan sa loob kabilang na si Shawn.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit tahimik parin ang paligid. Walang putok ng baril o sigawan. Naisip nalang ni Shawn na baka mali ang lugar na napuntahan nila.

"Sigurado ba kayong andito lang yung Darwin na yun? Kanina pa tayo andito ah?",tanong ni Shawn sa mga kasama niya, siya lang ang hindi naka bitbit ng baril sa squad nila.

"Mabuti pang tumahimik ka nalang, baka gusto mo ikaw ang unang sispsipin ni Darwin?", sagot ng kasama niya habang naglalakad patalikod.

Tumahimik na na lamang si Shawn, dahan dahan siyang naglakad hanggang sa mapansin niyang nawawala na siya sa grupo.

Ilang minute ang lumipas pero hindi parin niya mahanap ang mga kasama niya. Nagsimula na siyang mag alala.

"Naku naman, nasan na kaya sila? Baka umuwi na yun. Arghh!!", Naupo nalang siya sa sulok, nag aantay ng signal mula sa mga kasama.

Maya maya ay may narinig siyang putok ng mga baril. Agad siyang tumayo at inihanda ang kanyang baril at silver whip. Dahan dahan siyang naglakad papuntang third floor kung saan niya narinig an gang putok. May sumunod ulit na apat na putok. Nagtago siya sa may pillar at dahan dahang pumasok sa entrance ng hallway sa third floor, kung saan nakita niya ang isang karumal dumal na pangyayari.

Nakattumpok ang lahat ng patay na katawan ng kanyang mga kasama na parang tumpok ng mga basura sa dump site. Nakatayo sa bundok nga mga patay ang isang lalaking napakaganda at sobrang dominante ng tindig. Hindi makapaniwala si Shawn sa nakita niya bukod sa tumpok ng mga bangkay. Ngayon lamang siya nakakita ng isang nilalang na parang hinugot sa isang 3D game dahil sa anyo nitong hindi gaya sa kanilang mga normal na tao.

"Maawa ka, pakawalan mo ako!", sigaw nung kasama niya na gumagapang paatras papalayo kay Darwin.

"Ano bang pakay ninyu kuya? Invitation ba ito?", nag pout nalang si Darwin sa mukha ng lalaki.

"Parang awa mon a, may pamilya ako...", pagmamaka awa ng lalaki kay Darwin.

"Pwedeng pahiram nito?", pinulot ni Darwin ang HawkFang300 na baril sa sahig. Ito ang pinakaalakas nab aril na ginagamit lamang ng mga lider sa squad nila. 'Masakit ba 'to?", tanong niya na parang hindi niya alam ang sagot

"Wag mo akong barilin, maawa ka, wag yan",mangiyak iyak na pagmamaka awa ng lalaki.

"Ganun ba? Teka kang ha?", pinutok ni Darwin ang baril sa kanyang bibig, halos lumuwa ang mata ni Shawn sa nakkita niya, pero imbis na maapektuhan o mamatay ang bampira, iniluwa nalang niya ang bala nito na hindi man lang nagalusan kahit isa. Ni walang ngipin ang nalagas.

"Hmmmm ano ba yan? 2016 na ah? Ito parin ba ginagamit niyo? Ang hina nito ah?", tinapon niya na parang laruan ang baril. May marka ng pagka dismaya sa kanyang mukha.

"Anong klase ng nilalang ka?", iyak ng lalaki habang tumatakbo papalayo.

"Oh sige, promo nalang yang buhay mo ha, bibigyan pa kita ng apat na taon para sa pamilya mo", palarong sigaw ni Darwin na may halong sarcasm.

Lumakad papalayo si Darwin nang biglang may sumigaw sa likod niya.

"Taas mo ang iyong kamay! Huhulihin kita!", isang maling galaw ni Darwin.

Itinaas ni Darwin ang kanyang kamay sabay tawa.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Shawn.

"Hmmmm?", lumingon si Darwin na may ngiting pammatay sa kanyang labi.

Huminto ang oras sa pagtagpo ng mata nila.

Ilang segundo ang lumipas nang magsalita si Shawn.

"Ikaw ba si Darwin Frost? Inaaresto kita!", tinutok niya anng baril sa mukha ni Darwin.

"Talaga? Gusto mo sumama ako?", lumiwanag ang mata ni Darwin, simbolo ito na may ihuhulog siya sa kanyang patibong.

Ngunit walang nangyari kay Shawn, nakataas parin ang kamay nito sa distansya ng mukha ni Darwin.

"Tigas mo rin no?", Napangiti nalang si Darwin sa resistance ni Shawn.

"Taas mo ang iyong kamay!", utos ni Shawn.

"Paano kung ayaw ko?", taas kilay sa sagot ni Darwin.

"Babarilin kita! Sige1", banta ni Shawn sa papalapit na si Darwin.

Sa isang ihip ni Darwin sa kamay ni Shawn, tumilapon ng malayo ang kanyang dalanng baril. Naiwan na lamang ang silver whip sa kabilang kamay niya.

"Ayaw mo pag usapan 'to?", bait baitang offer ni Darwin.

"Hindi ako makikipag usap sayo!", sukmat ni Shawn.

Npabuntong hininga nalang si Darwin sa stress niya sa pakikipag negotiate niya kay Shawn, inisnob nalang niya ito at tumalikod.

"Alam mo sayang naman kung papatayin kita eh, siguro mag aral ka nalang sa college. Bahala kana jan", Lumakad papalayo si Darwin.

"Bahala pala ha...",hinampas ni Shawn ang latigo sa likod ni Darwin, sumingaw ang usok mula sa likod niya.

"Hissssssssssss, ugh!", lumabas ang pangil ni Darwin sa ginawa ni Shawn, nanlisik sa galit ang mga mata niya.

"Sige! Masakit diba? Gusto mo pa ng isa?", winasiwas niya ulit ang latigo at tinamaan ang noo ni Darwin, nasugatan ito at umusok.

"Ang tigas talaga ng mukha mo!", lumindol ang buong third floor sa pagsigaw ni Darwin. Lilipad n asana pataas si Darwin nang biglang sinapote ni Shawn ang paa nito at bumagsak ito sa sahig.

"Hindi ka makakatakas sakin!", hinampas niya ulit ng latigo si Darwin sa kanyang mukha. Sumigaw sa hapdi si Darwin.

"Papatayin talaga kita!", sinuntok ni Darwin ang sahig at yumanig ang buong gusali. Nawala ang balance ni Shawn at itoy natumba, nagkaroon ng pagkakataon si Darwin na sunggaban ang nakatihayang si Shawn.

Lumipad paitaas si Darwin at bumagsak kay Shawn, nakapatong.

"Gusto mo pa bang mabuhay ha?!!", hinawakan niya ang leeg ni Shawn. Halos pumutok ang mata ang ulo niya sa higpit ng gapos ni Darwin.

Sinagot ni Shawn ang tanong ni Darwin ng isang tuhod sa crotch nito, tumilapon papalayo si Darwin. Bago paman makatayo ulit, binuksan agad ni Shawn ang silver spritz at inispray ito sa mukha ni Darwin.

Halos gumuho ang gusali sa pagsigaw ni Darwin. Napakahapdi ng mata niya na halos hindi na siya makakita. Gumapang siya sa sahig pero pinaghahampas siya ni Shawn ng silver whip.

Nanghina ng husto si Darwin hanggang sa mawalan na siya ng malay.

"Ito ba ang supremoo nga mga bampira?Ang hina naman!", kumento si Shawn sa nakagulantang na katawan ni Darwin sa sahig.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon