Chapter 15: Separated

53 1 3
                                    


Tahimik na pumasok si Darwin sa loob ng bahay, nasa likod niya si Shawn na kanina pa hindi umiimik sapagkat alam niya na hindi maganda ang pakiramdam ni Darwin. Napansin niya na may mallaking sugat ito sa leeg. Ngayon lang ito naging halata dahil sa kawalan ng ilaw sa daan pabalik ng kanilang bahay.

"Darwin?", mahinahong tanong ni Shawn sa tabi niya. Umupo ito sa sofa at isinandal ang ulo sa likod, "Ayos ka lang ba?", tumimgin siya sa kinatatayuan ni Darwin.

"Ayos lang", halos bulong nalang ang boses ni Darwin. Tiningnan niya si Shawn ng isang malungkot na bughaw na mata. Bumalik ulit ang kulay ng kanyang mga mata.

Basang basa silang dalawa sa ulan.

Umakyat si Darwin sa taas at dumiretso sa kwarto ni Shawn ngunit napansin niya na hindi pala iyon ang kwarto niya. Bigla siyang lumabas at dumiretso sa maalikabok na kwarto.

Walang nagawa si Shawn kundi ang tingnan nalang siya, wala siyang alam na pwedeng gawin para tulungang bawasan ang bigat ng nararamdaman ni Darwin.

"Pag may kailangan ka, tawagin mo lang ako ha", paalala ni Shawn na tama tama lang na nakarating sa kwarto ni Darwin.

Ngunit hindi siya mapakali sa sitwasyon, sa kabila ng pagitan nila bilang isang tao at bampira at dahil na din hindi alam ni Shawn ang storya nito, nais parin niyang damayan si Darwin bilang isang kaibigan. Bilang isang tao.

Sinundan niya si Darwin sa taas at agad na dumiretso sa maalikabok na kwarto. Kakatok na sana siya ngunit bigla siyang inunahan ni Darwin.

"Ayos nga lang ako...", sabi ni Darwin mula sa loob ng kwarto.

"Darwin, alam kong hindi, kahit wala akong kapangyarihan katulad mo, nararamdaman ko ang nararamdaman mo", nakadikit ang kanyang noo sa pinto. Ang bigat niya ang ginawa niyang pwersa para isandal ang katawan sa pinto, ngunit hindi niya inakala ang sumunod na nangyari.

Biglang bumukas ang pinto at bigla siyang nahatak papasok, bumulagta siya sa sahig at nabundol ang noo sa matigas na kahoy.

"Hindi mo naman sinabing...", despensa ni Darwin ngunit bigla itong pinutol ni Shawn.

"Ok lang, ok lang, ayos lang. Wala to...hindi masakit", pinaspasan niya ang alikabok sa kanyang balikat at siko at umupo sa sahig na parang bata. Ngumiti siya na parang walang nararamdamang hapdi ngunit sa loob niya sobrang sumisigaw na pala ito sa sobrang sakit.

Biglang napangiti si Darwin sa gitna ng kanyang luha at inangat ang kanyang kamay. Inabot niya ang kanyang hintuturo sa noo ni Darwin upang gamutin ang mga sugat at sakit nito gamit ang kanyang kapangyarihan.

"Para yan sa pagligtas kay Jonas", isang maliwanag na ngiti ang binigay niya kay Shawn.

Napansin nito na nawala na ang mga pasa at sugat sa kanyang balat, pati ang bukol sa kanyang noo.

"Salamat, pero paano ka? Hindi gumagaling yung mga sugat mo", umupo siya sa tabi ni Darwin. Ilang pulagada ang distansya sa pagitan nila.

"Matagal pa gumaling ang kagat ng mga taong lobo", umubo siya sa gitna ng kanyang pangungusap, "Pero bilang isang immortal, galos lang ito", kalmado at mahinang boses ni Darwin. Tumango siya kay Shawn para bigyan ito ng kasiguraduhan.

May ilang tahimik na minuto ang lumipas. Nakaupo lang silang dalawa doon at hindi nagkikibuan.

Maya maya ay biglang nagsalita si Shawn, "Paano nga ba kayo nagkakilala ni Jonas?", nilapat niya ang kanyang paa sa sahig para makaayon ito nang matuwid. Lumingon siya kay Darwin na nakatulala sa sahig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon