Chapter 13: Jonas Bellthrown

22 0 0
                                    


   

Nakahanda na ang mga gamit pati na rin ang sasakyan ni Shawn para sa kanilang misyon ngunit hindi parin lumalabas sa maalikabok na kwarto si Darwin.

"Darwin ano bang ginagawa mo diyan? Halika na, kanina pa ako nakahanda", sabay katok ni Shawn sa pinto.

Sinnagot lang siya nito ng isang kalabog sa loob. Pinabayaan nalang muna ni Shawn si Darwin, iniisip niya kase na baka bilog ang buwan at nababaliw ulit ito.

"Sige ha, dapat pagbalik naka ayos kana tsaka nga pala, 'wag mong gagalawin yang photo album diyan, mejo nakakahiya", seryosong paalala ni Shawn bago umalis sa pintuan ng kwarto.

Napansin ni Darwin na nawala na ang presensiya ni Shawn. Binuksan niya ang pinto na may halong pagkabagot. Pinagmasdan niya muna ang paligid at tukuyang lumabas sa kwarto.

Nakasuot siya ng maitim na leather jacket na may kadenang nakadetalye sa dibdib hanggang sa tiyan paikot sa kanyang likod, may maitim na hand gloves na may butas sa bawat daliri sa kanyang mga kamay, isang itim na shiny leather na may sinadyang punit sa kanyang hita na dahilan upang nakikita ang kumikinang niyang balat, isang pares ng maitim na semi boot shoes. Ang kanyang buhok ay naka pompadour na ayos at may halos isang dosenang hikaw na nakakabit sa kanyang tenga na iba't ibang disenyo. May suot siyang kwentas na may pendant ng ulo ng dragon at katawan ng ahas na nakagapang palibot sa kanyang leeg. Kapansin pansin din ang tatlonng nakabaliktad na bituin nan aka pantik sa gilid ng kanyang leeg.

Kung ilalarawan siya sa kanyang porma, daig pa niya ang isang sikat na Hollywood star.

"Tara na...whoah... ano 'to?", napahinto si Shawn sa harap ni Darwin at laking pagkagulat sa mukha nito. Halos hindi siya makapagsalita sa nakita niya sa kanyang harap.

"Bilisan mo", hindi na siya pinansin ni Darwin at dumiretso ito kaagad sa labas.

Sumunod din naman si Shawn dala dala ang kanyang maliit na bag ngunit napansin niya na napatigil si Darwin sa harap ng gate.

"Bakit? Anyare?", Nilampasan siya ni Shawn at nilagay ang kanyang bag sa motor,"Halika ka na", kinamayan siya niya ito.

Tinaasan na lamang siya ni Darwin ng kilay at isang pamilyar na expression ng mukha.

"Tanga ka talaga forever, hindi nga ako pwedeng lumabas eh", tinuro niya ang boundary gamit ang kanyang labi.

Ngumiti si Shawn at bahagyang lumapit, innabot nya ang kanyang kamay kay Darwin.

"Oh? Wala naman ah? Subukan mo", tumalon talon si Shawn papasok palabas sa gate,"Oh see? Wala! Halika ka na", masiglang pag aanyaya niya sa hindi natutuwang kasama.

Tumalikod si Darwin at lumakad papasok sa pintuan, hindi na siya lumingon pa kay Shawn na naglalaro na parang bata sa gate.

"'Wag mo nga akong pinaglololoko, ikaw nalang ang pumunta, hindi mo naman kailangan ang tulong ko", matuyong pagkakasabi niya habang papasok sa loob", Nasayang lang ang suot ko", bulong niya sa sarili.

"Uy uy ano ba? Nagbibiro lang naman eh", sinundan siya ni Shawn at hinawakan ang kanyang braso,"Halika na, magtiwala ka, walang bughaw na apoy, hindi ka masusunog", binigyan niya si Darwin ng isang mainit na ngiti.

Hinila ni Darwin ang braso niya sa kamay ni Shawn at binantaan siya gamit ang mata niya, agad namang itinaas nito ang kanyang kamay.

"Whoa! Ok Ok", umatras siya ng konnti, "Darwin...alam mo wala akong balak na masama sayo, gusto ko lang magtiawala ka, kahit ngayon lang", pinaghalong awa at lungkot ang nasa mga mata ni Shawn.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon