Chapter 4: Fugitive Run

40 1 0
                                    



Sa isang luma at maalikabok na bodega, nakagapos sa isang kinakalawang na poste ang isang pugante na pinaghahanap ng mga tagapag tanggol ng kabutihan. Isang bampira na imbis humabol ay siya mismo ang hinuli at ginawang hostage ng isang tao.

"Sabihin mo na kase kung nasaan ang mga kasama mo?", hampas ni Shawn ng latigo sa nakahubad na katawan ni Darwin.

"Hindi kaba nakikinig? Sinabi ko na sayo na ako nalang ang natitira sa lahi namin!", binigyan niya ng isang pamatay na tingin si Shawn.

Sa halip na pakinggan ang susunod na sasabihin ni Darwin, binuhusan niya ng isang mainit na tubig na may halong silver powder si Darwin. Umusok ang katawan nito sa reaksyon ng kontra.

"Aaaarrgggggh! Ano ba!", iyak na pagsigaw ni Darwin. Halos yumanig ang buong gusali sa lakas pagkakasigaw niya.

"Awwww, ang lakas mo parin no? Kahit nakagapos?", palarong sabi ni Shawn bago hampasin ulit ng latigo si Darwin.

At kung ano ano'y binuksan ni Shawn ang bintana at hinayaang tumagas ang init papunta sa balat ni Darwin. Dumugo ang mata ni Darwin sa pagkakasigaw niya, lumabas ang pangil at halos mawasak ang poste sa pagkakapagaspas ng kanyang pakpak. Ngunit hindi ito sapat paraa mawasak ang mga kadena na nakagapos kay Darwin.

"Wala akong ginawa sayo...", may halok iyak na pagkakasabi ni Darwin.

"Wala sakin? Halos mapatay mo nga ako dun eh!", hinampas niya ng balde ang mukha ni Darwin. Umupo na lamang siya sa sulok, nag iisip ng susunod niyang gagawin sa bampira.

"Ano bang pinagkaiba niyo samin?", tiningnan ni Darwin si Shawn na may luha sa mga mata nito.

Nakita ni Shawn ang isang hindi pangkaraniwang na pangyayari. Ngayon lamang siya nakakita ng isang matigas na bagay na lumambot dahil sa sakit.

"Mabait kami, masama kayo..", sinagot niya bago tumingin papalayo.

"Masama? Pinatay ng mga mortal na katulad niyo ang magulang at nakababata kong kapatid. Wala silang ginagawang masama, oo bampira kami, sumisipsip ng dugo, pero hayop ang pinapatay namin, hindi tao.Dalawang daang taon akong umiiyak na tahimik, poot at galit ang naninkirahan sa puso ko, masamang alaala ang bumuo sa isipan ko, hanggang sa natuto akong pumatay ng tao, naging malakas at naghiganti. Kayo? Ni minsan ba pinakinggan niyo ang storya namin bago niya binaon ang mga pilak na balang yan sa mga puso naming? May buhay din kami, may nararamdaman, kahit paulit ulit niyong sabihin sa halimaw kami at alagad ng dilim, hindi niyo maipagkakait na namumuhay din kami kasama ninyo. Dahil unang una sa lahat, kayo mismo ang nag sindi ng mitsa na sumusunog sa buhay niyo ngayon", pahayag ni Darwin habang lumuluha.

Napatingin nalang si Shawn sa direksiyon ni Darwin. Imbis na sagutin ang mga sinabi ng bampira, pinulot nalang niya ang isang matigas na bakal sa sahig at hinampas ang mukha ni Darwin.

"Nagpapakabait ka ata?", sabay tawa bago hampasin ng latigo si Darwin.

"Kung hindi mo ako mapapatay at pagod kana sa pagpapahirap sa akin, pakawalan mo ako, gawin mo akong alipin at susundin kita sa mga gusto mo.", tumulo ang dugo sa matai long at bibig ni Darwin. Naghahangad na sana kaawaan siya ng isang mortal na sanay nilalapa niya ngayon.

"Weeee? Maniwala ako sayo", binuksan niya ulit ang bintana at ang sinag ng araw ay gumapang ulit sa balat ni Darwin.

Sa halip na sumigaw sa sakit, kinagat ni Darwin ang kanyang labi at sinipsip ang kanyaang sariling dugo. Sa isang saglit, nawala ang mga kulay pula sa buhok ni Darwin at naging bughaw, kasing bughaw ng dagat ang mata niya.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon