Chapter 8: Damn it! Shawn!

26 0 2
                                    


   

Halos mabutas ang sahig ni Shawn na gawa sa kahoy sa pagdadabog ni Darwin. Parang sasabog anng pintuan sa pabalik balik na pagbagsak nito ni Darwin dahil sa sobrang inis. Naghahanda siya ng isang pares ng sandwich at juice habang nakahuba sa may mesa. Nagkalat ang mga balat at wrapper sa sahig, masyado siyang naiinis na wala naa siyang pakialam sa paligid niya.

Pumasok na siya sa kwarto ni Shawn at nabulabog sa lakas ng tugtugin, sabog na sabog ang speaker sa mga kanta ng Linkin' Park.

"Bwis...", magmumura na sana siya sa sobrang pagkainis pero pinigiilan niya ang kanyang damdamin para ihatid ang pagkain sa naghihintay na si Shawn.

Hininaan ni Shawn ang volume ng speaker at binigyan ng ngiti si Darwin.

"Wow, marunong ka pala maghanda?", dinukot niya ang isang kapiraso ng sandwich at sinubo sa kanyang bibig.

"Nasusuka ako sa amoy ng mga pagkain niyo", inirapan niya ito at tiningnan ang speaker,"Tsaka yung bagay na yan, hindi ko gusto yan, alam mo bang mas lalong umiinit ang lugar pag maingay, ayaw na ayaw ko sa mainit, palibhasa kase wala kang utak", inisnob niya si Shawn at tumalikod, pinulot niya ang unan sa sahig at binalik sa kama.

"Ganun ba?", biglang nilakasa ni Shawn ang speaker na halos sumayaw na ito, tumayo ang buhok ni Darwin at umilaw ang mata niya sabay paglabas ng kanyang maputi at matalas na pangil, "Aww sorry", tumawa si Shawn at pinatay ang player.

Napansin niya na may paso ang braso ni Darwin, nilapitan niya ito at hinawakan.

Binigyan siya ni Dawin ng babala na wag lumapit gamit ang mata niya.

"Anong nangyari diyan?", nag pout si Shawn sa nakita niya. May halong laro ang expression niya sa mukha.

"Nang dahil sa kawalang utak mo, gumawa ka ng invisible barrier sa palibot ng bahay mo, ngayon hindi na ako makalabas, at nung sinubukan ko nga, ito, tinapon ako pabalik sa loob at napaso pa ako dahil gawa sa bughaw na apoy ang mga ito kahit hindi nakikita, hindi mo rin makikita dahil wala kang utak", mas lalong umapoy ang galit ni Darwin dahil sa ginawang pagmumukha ni Shawn.

Lumingon si Shawn sa paligid niya at sumilip sa bintana ngunit wala naman siyang nakita.

" Wala namang bughaw na apoy ah?", nagtatakang tanong niya kay Darwin na ngayon ay nangangati sa mga kagat ng lamok.

"Wala ka namang utak diba? Kakasabi ko nga lang na wala", patuloy parin ang pag hampas niya sa mga maliliit na insekto.

"Wala naman akong ginawang masama ah?", sabi niya kay Darwin.

"Puro ka nalang wala, nung inutusan mo ako na huwag umalis dun nagsimula yun.", hindi nasiya tumitingin kay Shawn.

"Wala naman talaga akong ginagawang masama ah", depensiya niya sa akusasyon ni Darwin.

"Ganyan naman talaga kayo eh, tingin niyo kapag gumawa kayo ng masama sa isang masamang tao ay mabuti na ito", sumbat niya sa pagmumukha ni Shawn. May halong lungkot sa kanyang bughaw na mata.

Iniwasan niya ang tingin ni Darwin at humiga nalang sa kama, bigla niyang napansin ang tattoo sa balakang ni Darwin, isang nakabaliktad na bituin na nakapaloob sa isang bilog, pati ang isang tila depiksyon ng full moon na napapaligiran ng mga runic symbols sa gitna ng kanyang spine bandang ibabaw.

Namangha si Shawn sa nakita niya at inilapit ang mukha nito para masinsingang makita.

"Saan mo pinatira to?", tanong niya.

"Bastos ka ha!", napanganga sa gulat si Darwin.

"Hindi yan, tanga! Ibig kong sabihin itong mga tattoo mo?", hindi niya tinanggal ang mata sa tattoo ni Darwin.

Biglang natahimik si Darwin, tumingin siya sa malayo at hindi nagsalita.

"Darwin?", tanong ni Shawn.

"Sumpa 'yan, bilang isang supremo", tiningnan niya sa gilid ng mga mata si Shawn.

Tumango si Shawn at hinawakan ang balat nito sa kanyang likod, "Darwin Frost wag kang gumalaw", at parang tinatawag siya ng mga detalye sa tattoo ni Darwin.

"Utusan mo nga akong gumalaw ulit at hahampasin kita ng speaker, wag mo hawakan yan!", paalala niya kay Shawn, ngunit huli na ang lahat.

Biglang nahilo si Shawn at humiga ulit sa kama, tinakpan niya ang kanyang mata at parang nahihirapang huminga.

"Parang may humihigop ng lakas ko...", reklamo niya sa nararamdaman.

"Sinabi ko na sayo diba, wag mo nang hawakan, hindi mo ba alam na kapag hinawakan mo ang isinumpang bagay, susundan ka nito hanggang kamatayan", napabuntong hininga si Darwin.

"Tulungan mo ako....hindi ako makahinga...", nababalisang pagmamaka awa ni Shawn.

Hinila ni Darwin ang katawan ni Shawn at dinikit niya ang mukha nito sa kanya, nakatitig sila sa isat isa.

"Tingnan mo ang bughaw na karagatan, bughaw na himpapawid, bughaw na ilaw ng mata", bulong niya sa mukha ni Shawn.

Agad na binuksan ni Shawn ang kanyang mata at umilaw ito kagaya ng kay Darwin. Agad na tinulak ni Darwin si Shawn papalayo.

"Anong nangyari?", hinawakan ni Shawn ang kanyang ulo."Bigla akong hindi makahinga kanina tapos....", lumaki ang mata niya sa biglang pumasok sa isipan niya at tumingin kay Darwin,"Hinalikan mo ako?", napanganga siya sa kanyang natuklasan.

"Sana siguro hindi ko nalang binura ang alaala mo kanina, sana lupasay kana ngayon", inirapan niya si Shawn at umalis sa harap niya.

"Bakit hindi mo sinabi na hahalikan mo ako?", palarong pagpapanggap ni Shawn.

Natanggal ang pinto sa pintuan ni Shawn sa lakas ng pagkakahampas nito ni Darwin, bumagsak ito sa sahig at nagkita ulit sila.

"Nabulok na siguro yang utak mo sa pulburang nalalanghap mo no?", binigyan niya ito ng pamatay na tingin at mapangmaliit na expression.

"Siguro nga, mahilig akong magpaputok eh", kinindatan niya si Darwin at kinagat ang labi niya.

Binato ni Darwin si Shawn ng isang maliit na mesa na nasal abas ng kwarto niya ngunit nakailag lang ito, tumawa ito ng malakas at binigyan ng middle finger si Darwin.

"Mamatay ka sana!", galit na galit na sigaw ni Darwin bago padabog na naglakad pababa sa hagdanan.

"Edi mawawala ka rin pag nawala ako, la la la la", dinig na dinig niya ang panunukso ni Shawn sa kanya. Hindi nalang niya ito pinansin at dumiretso sa isang bakanteng kwarto.

:!-

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon