Chapter 11: Five Counts of Torment

23 1 0
                                    


       

"Edi umalis ka, who cares", umikot ang mata ni Darwin pagka alis ni Shawn sa pinto. Hindi niya namalayan na gabi na pala. Papasok sana siya sa kwarto ngunit naalaala siya na kwarto pala iyon ni Shawn at galit siya sa kanya dahil sa nangyari. Dumiretso siya sa bintana sa dulo ng hallway at naupo sa bintana habang nakalaylay ang mga paa.

Tumingin siya sa paakyat na fullmon, mayroong ngiti sa kanyang mga labi na kumbaga isang magandang gabi iyon para sa kanya. Naalala niya ang mga araw na isa pa siyang supremo, lahat ng mortal nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan.

Pero may isang bagay na sumagi sa isipan niya, ito ay ang pagiging alipin niya sa isang hamak na mortal dahil lang sa maling paglunok niya sa kanyang sariling dugo. Isang pangakong hindi niya inakalang magdadala sa kanya sa isang hindi magandang sitwasyon.

"Eto ka oh!", tinaas niya ang kanyang gitnang daliri.

"Anong ginagawa mo kuya?", nagulat siya sa boses na nanggaling sa ibaba, isang nakangiting Spencer ang nag aabang sa kanya.

Bigla siyang sumimangot sa nakita at hindi niya alam kung bakit.

"Anong ginagawa mo dito?", matuyong expression ng mukha ni Darwin sa pagkakatanong.

"Ay grabe naman, ang sungit niyo po, wala lang, sino po kasama niya diyan?", umakyat siya pader ni Shawn hanggang sa puno tapos papunta sa bubong sa may bintana hanggang nakaupo siya sa bandang kaliwa ni Darwin.

Tiningnan nalang siya ni Darwin na para bang isang ulam na nagsasalita, hindi dahil sa masarap ang dugo na dumadaloy dito kundi sa katotohanan na hindi iya alam ang tunay na pagkatao ng kausap niya.

"Wala, ako lang mag isa, tumutugtog ka pala?', tanong ni Darwin habang nakatingin sa malayo.

"Ah eto ba? Hindi, isasauli ko lang sa pinsan ko" , ginamit niya ang gitara sa pagturo ng direksyon sa bahay ng pinsan niya.

Tumango nalang si Darwin bago lumingon sa kanya, napansin ni Darwin ang kakaibang hubog ng mukha ni Spencer, namangha siya sa ganda ng mukha nito.

"Hmmmmm, huhulaan ko, tatlo di ba?", nakataas ang kanang kilay ni Darwin habang bahagyang naka tilt ang ulo nito.

"Tatlong alin po?", nagtatakang sagot na patanong ni Spencer.

"Girlfriend", mapaghamaong expression sa mukha ni Darwin.

Biglang natawa si Spencer sa narinig, halos tumilapon siya pababa dahil sa kakatawa.

Ngunit hindi natutuwa si Darwin dahil sa pagkaka alam niya wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Napansin ni Spencer ang mukha nito kaya tumigil na sa kakatawa at biglang naging seryoso.

"Grabe naman kayo kuya, tatlo talaga? Kakabreak nga lang eh", patango tangong sagot ni Spencer sa tanong ni Darwin. Hindi nalang ito pinansin ni Darwin.

"Ilang taon kana po ba kuya?", kasunod na tanong ni Spencer habang hinihila-hila ang mga kwerdas ng gitara.

"20 na ako, tsaka wag mo ngang hilain ang mga strings niyan, papangit ang boses niyan", sagot niya agad kasabay ng isang paalala.

Hiniram ni Darwin ang gitara at agad itong ibinigay ni Spencer, nakita niyang may mga chords na ginagawa si Darwin habang tinutugtog ang gitara.

"20? So ibig sabihin nun mas matanda pa pala ako kesa sa'yo?", may gulat sa mukha ni Spencer dahil sa natuklasan.

Tumango si Darwin na kung baga wala siyang pakialam dahil abalang abala siya sa pagtutugtog ng gitara.

"Alam mo kase 22 na ako eh", mejo nahihiyang sabi ni Spencer.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon