Chapter 9: Darwin Romero

28 0 1
                                    


Sinalubong si Darwin ng ulap ng alikabok sa pagpasok niya sa kwarto. Gabundok ang mga lumang gamit na tinabunan lang ng tilon. Humanap siya ng upuan at naupo, nag iisip ng plano kung paano siya makakatakas sa sitwasyon.

"Sana nga kase pinatay ko nalang ang gago noon pa eh", nilalaro niya ang kanyang buhok sa noo niya. Hinawkan niya ang kanyang braso na may paso.

"Paano naman ako tatakas may nakaharang pa, bwisit", bulong niya sa sarili at nainis ulit sa pag alala niya sa mga nangyari.

Umupo nalang siya doon sa loob ng isang oras, nagmamasid sa paligid kung umalis naba si Shawn para malaya siyang makagawa ng mga bagay na nais niya. Minsan naisip niya na kagatin at sipsipin ang dugo ni Shawn pero hindi niya pwedeng gawin dahil nangako siya sa sarili niya na magbabago, ngunit hindi niya talagang maiwasang mainis ng husto sa ginagawa ni Shawn sa kanya.

Bigla niyang napansin ang isang lumang gitara na nakatayo sa sulok ng kwarto. Tumayo siya at hinipan ang alikabok na halos nakatabbon na sa kulay ng gitara. Matapos ang ilang paglilinis na hinaluan ng mahika, bumalik sa dating kulay nito ang gitara.

Umupo siya ulit sa upuan at sinubukan ang pag strum sa gitara, sinntunado pa ito sa isang kambing.

"Grabe naman to, siguro pagmamay ari ito nung kumag, pareho silang sintunado", hindi niya maiwasang umikot ang mata pag iniisip si Shawn.

Naalala niya ang isang kanta na palagi niyang kinakanta nung normal pa lang ang buhay niya bilang isang college student na nag aaral sa isang prestigious na paaralan. Minsan iyong naging isang napakagandang buhay, marami siyang naging kaibigan, palaging nangunguna sa klase at hindii maipagkakailang crush ng campus dahil sa galing niyang mag gitara. Sa tuwing tumutugtog siya ng gitara ay hindi maiwasan ng mga babae na lumapit at tanungin ang pangalan niya.

Ngunit ang magandang buhay niya ang biglang nagdilim, na para bang isang maputing school uniform na binuhusan ng maitim na tinta ng isang permanent marker.

(Balik Tanaw)

(Darwin's POV)

"Tulungan niyo kami! Nahimatay ang kasama ko!", sigaw ng kaibigan ko na si Mira. May luha sa kanyang mata habang sumisigaw ng tulong. Nasa gitna kami ng hallway sa paaralan naming.

Ang huli kong naalala ay ang pag doble ng paningin ko at isang napakaasakit na ulo na tila ba isang parusang handog ni kamatayan. Halos ikabaliw ko ang sakit at sumisigaw ako sa gitna ng maraming tao. Hanggang sa dumilim ang paligid.

Gumising sa gitna ng isang putting kwarto at kulay dilaw na kurtina, nakita ko ang ina ko nakikipag usap sa doctor.

"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit nasa ikaapat na stage na ang kanser ng anak niyo sa utak", Iyak nang iyak ang aking ina sa nalaman. Lumapit siya sa akin at binigyan ng isang halik sa noo.

"Wag kang mag alala anak ha? Magiging maayos din ang lahat", sabi niya sa gitna ng kanyang mga luha.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, pero ang malinaw lang sa isipan ko ay ang salitang apat, at kanser sa utak. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng doctor dahil noong mga nakaraan buwan ay sobrang sigla ko pa. Nagsimula lang naman ang mga serye ng napakasakit na ulo noong nakaraang dalawang buwan. Hindi maaring may sakit ako. Paano na ang mga panagarap ko.

Pinigilan ko lamang ang pagbuhos ng aking mga luha.

"Mama, ano po ba anng nangyari?", hinahaplos ko ang ulo ng akong ina na nakasandal sa aking tiyan.

"Anak. Lumaban ka lang ha? Kasama mo si mama at si papa, alam kong uuwi din si papa ilang araw mula ngayon, pati ang ate mo na nasa ibang lungsod. Magkakasama tayo nak, wag kang mag alala", hinagkan ako ni mama at umiiyak siya sa aking dibdib.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon