Chapter 10: Rejected

23 1 0
                                    


       

Naiwan sa bahay si Darwin buong maghapon. Walang magawa kundi ang pabalik balik na paglalakad sa gilid ng pader hanggang sa bubong tapos pababa ulit. Nagmumukha siyang bilanggo sa sitwasyon niya. Walang iniwan si Shawn kundi isang cellphone lang na may note na nakalagay: "Tawagan mo ako pag may kailangan ka"

"Kung ganun pala.... Teka lang", nagsimula siyang i dial ang number na iniwan ni Shawn.

Nag ring ang phone at sinagot agad niya agad nito.

"Hello? Oh ano problema sa bahay?", pa cool na sagit ni Shawn.

"Mamamatay na ako kumag, wala kabang alaga dito na pwedeng inumin?", naiinis na tanong ni Darwin.

Tumawa mula sa kabilang linya si Shawn, tila may mga kasama siya sa lugar na kinaroroonan niya.

"May beer ako diyan sa ref, yun nalang inumin mo", tawang tawa si Shawn sa pagkakasabi nito kay Darwin.

"Bwisit ka talaga! Ano ba! Gutom na gutom na ako!", halos mapasigaw na si Darwin.

"Oh ano gaagawin ko? Mag isip ka nalang ng paraan", sagot naman ni Shawn, hindi nawawala ang laro sa kanyang boses.

Tumahimik nalang si Darwin, naisip niya na ibaba nalang ang telepono, wala sin namang patutunguhan kung makikipag talo siiya kay Shawn dahil alam niya na hawak nito ang buhay niya.

Nilunok nalang niya ang kanyang pride at mahinahong nagsalita.

"Shawn, nagmamaka awa ako, wala ba kayong mga blood donation hub diyan ana pwedeng pagbilhan ng kahit tatlong bag ng dugo?", mahinahon niyang pagkakasabi.

Tila nawala ang pagiging mapaglaro ni Shawn at natahimik ito.

"Meron naman, sige gagawa ako ng paraan", seryosong sagot ni Shawn.

"Sige, tatanawin kong utang na loob 'yan", binaba niya ang telepono at napatingin nalang sa bintana.

Naisip niya na tumakas ulit, bigla siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at lumabas sa pinto ng bahay, humanap siya ng lugar na walang masyadong araw ang nakasinag.

Nararamdaman niya ang presensya ng bughaw na apoy na nakapalibot sa buong bahay. Nilapit niya ang kanyang kamay sa kinaroroonan ng presensya hangang sa nagulat siya sa biglang pagkapaso ng kanyang hintuturo.

Oras na para subukan ang paagtakas niya, umatras siya ilang metro para pumwersa. Nilabas niya ang kaanyang pakpak at tumalon ng malakas na kasing bilis ng kidlat.

"Argggggggghhhhhhhhhh!!!!!!!! Aaaaaahhhhhh! Sssssss!", bumagsak siya sa parking lot ni Shawn na parang hinampas ng wrecking ball. Umuusok at punong puno ng sunog sa kanyang balat.

Hindi siya nakatayo kaagad, halos maiyak sa sobrang pagka frustrate, hindi na niya ininda ang sakit ng mga paso sa mukha at sa leeg. Tumayo nalang siya at pumasok ulit sa bahay. Naisip niya na kahit makatakas siya sa ganitong oras, mamatay din naman siya dahil sa sobrang init sa labas.

Humiga siya sa couch at naghihikahos, may dugo na tumutulo mula sa mata niya dahil sa sobrang lakas ng epekto ng bughaw na apoy sa kanya. Halos nahihirapan na siyang huminga, ngunit bilang isang imortal, hindi siya nag alala sa kanyanng kalagayan. Nahiga nalang siya dun habang hinihintay si Shawn.

Hindi pa nga gumagaling ang sugat nung dati niyang sugat, ngayon nadagdagan na naman. Ganoon nalang ang dala ng bughaw na apoy sa kanya.

Maya maya, biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Shawn, bigla itong nagulat sa nadatnan. Agad itong lumapit kay Darwin at nagtanong, "Anong ginawa mo? Ano na naman bang ginawa mo Darwin?", may halong galit at pag aalala ang boses ni Shawn.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon