Chapter 6: We meet again?

35 1 2
                                    



Isang buwan ang nakalipas at hindi narin nagkita si Shawn at Darwin. Ngayon, nagtatrabaho si Shawn sa isang guild ng mga bounty hunters sa isang guild ng mga bounty hunters na humuhuli at pumapatay ng mga element ng kadiliman para sa pera. Depende sa kategorya ng mapapaslang ang perang matatanggap ng mga hunters.

Wala naring balita tungkol sa mga biktima ng mga bampira pati kay Darwin.

"Dude, libre ka naman ng beer oh, balita ko may nahuli kang balbal", inakbayan ng isang babae na naka upo sa may counter ng isang talyer.

"Tatlong daan lang naman ang katumbas ng balbal eh, kulang pa pambili ng pagkain sa isang linggo", nilaklak niya ang laman ng baso.

Dumating ang iba pang mga hunters sa loob ng inuman at nag ingay. Hindi gusto ni Shawn ang pagdating ng mga kasama kaya nag desisyon nalang siya na ubusin ang iniinom na alak at lumabas nalang sa talyer. Kasama niyang lumabas ang babae na may pulang buhok.

"Kumusta naman yung misyon mo Erika?", tanong ni Shawn sa babaeng kasama niya habang naglalakad sa labas ng inuman.

"Ayun! Boom! Walang nangyari! Bwisit kase tong mga tiyanak eh, hirap patamaan ng bala", galit na sagot ni Erika.

Natawa nalang si Shawn sa pagkakasabing ito ni Erika.

Naging magkaibigan sina Shawn at Erika mula nung nagsimulang magtrabaho sa guild nila. Inalok kase siya ng kanyang kaibigan na magtrabaho sa kanila matapos na mapatawad at pinatlsik sa dati niyang pinagtatrabahuan. Ngunit ang kaibigan niya ay namatay dahil sa isang engkwentro ng mga kapwa bounty hunters. Si Erika ang naging karamay ni Shawn sa pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan at dun nagsimula silang maging magkaibigan. Sabay sila sa misyon minsan, kagaya ng pag rescue ng isang estudyante mula sa kamay ng mga kulto, pagpatay sa mga balbal at paghabol sa mga kapre at tikbalang. Hanngang sa naging malapit silang magkaibigan.

"Haha paano ba 'yan? Wala kang pambili ng bagong damit", tawang tawa si Shawn sa mga sinabi ni Erika.

Nagpaalam muna si Erika kay Shawn at sumakay sa kanyang motor, sasabak na naman siya sa isang misyon. Gusto niyang patunayan kay Shawn na may mabibili pa siya ng damit.

Naiwang mag isa si Shawn na naglalakad pauwi sa kanila.

"Walang bampira sa nakaalipas na buwan, nasaan na kaya yun?", tanong niya sa sarili habang nakatingin sa langit.

Habang naglalakad, bigla siyang nakapansin ng kakaiba sa paligid. Nakarinig siya ng mga kaluskos sa daan at mga malalim na hininga. Alam niyang balbal ang mga ito.

"Naku naman, hindi pa ako log in sa listahan naming, paano ko ipagpapalit sa pera ang mga 'to...", sabi niya sa sarili habang hinahanda ang baril niya. Patuloy parin ang pagmamasid niya habang naglalakad nang mabilis.

Agad na may umatake sa kanyang likod ngunit mabilis ang kanyang pakiramdam, tumilapon paapalayo ang isang balbal sa lakas ng baril niya.

Dalawang baril na ang hawak ni Shawn at napapalibutan pa siya ng mga balbal.

"Hindi ba talaga kayo nabubusog?", Pinasabog niya ang ulo nunng isa.

Mas lalong dumami ang mga balbal na nakapalibot sa kanya, hindi niya alam kung saan nanggaling ng mga ito.

Naghanap ng lugar si Shawn para makatakas ngunit nabigo siya dahil sa pinapalibutan na siya ng mga gutom na gutom na balbal.

"Wala na akong choice kundi...", pinaulanan niya ng bala ang mgaa balbal habang paikot na pinapaputok ang baril.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon