Chapter 5: Never Kind, Darwin

29 3 0
                                    


Tumigil sa pagtakbo si Shawn at pumatong naman si Darwin sa bakal na hawakan ng hagdanan.Naghahabol ng hininga at halos maligo na sa pawis. Umabot sila sa pinakahuling floor ng building sa kakatakbo, malapit na sa rooftop.

"Kasalanan mo talaga to eh..", tinuro niya si Darwin. Hingal nang hingal si Shawn.

"Ikaw na nga tong tinulungan, ikaw pa tong naninisi", tumiklop na ang pakpak ni Darwin, sumilip siya sa bintana."Ano nang gagawin natin ngayon?"

Tumahimik lang si Shawn, hindi niya alam ang gagawin. Mali din naman na bumalik siya sa agency dahil hinahabol na siya ng mga kasama niya.

"Hindi ko alam, mga pugannte na tayo ngayon", sagot na lamang niya sa tanong ni Darwin.

"Matagal na akong pugante, ikaw lang naging isa", nakasilip parin siya sa bintana.

Bumitaw si Shawn ng buntong hininga at tinakpan nalang ang kanyang mukha ng kanyang palad dahil sa frustration.

"Uuwi nalang siguro ako sa probinsiya namin", sabi niya habang naka upo sa hagdan.

"Mabuti naman, para malayo na ako sayo", dugtong ni Darwin.

Dumaan ang ilang matahimik na sandali, wala sa kanila ang nagsalita at nagtanong.

Tumayo si Darwin sa kanyang kinauupuan at pinagpag ang alikabok sa may pwet niya.

"Uuwi na ako, ayokong maabutan ng tanghaali sa lugar na to, baka mapulbos lang ako nang wala sa oras", lumakad siya sa hallway patungo sa hagdanan pababa.

"Wag kang umalis", matuyong utos ni Shawn.

"Aalis na ako, umuwi kana sa inyo", sagot naman ni Darwin.

"Diba ang sabi ko wag kang umalis?", mababang tono ni Shawn.

"Ano bang gagawin ko dito kasama ka? Magpapagutom? Ano? Mag la live show ka? Stand up comedian?", inisnob niya ang panguutos ni Shawn."Aalis na ako",

Sinuntok ni Shawn ang sahig at binigyan ng isang pamatay na tingin si Darwin.

"Ang sabi ko wag kang umalis..", galit na tono ni Shawn.

Lumingon si Darwin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Biglang may naalala si Darwin na gumawa nga pala siya ng pangako kay Shawn.

"Alam mo abnormal ka talaga!", bumalik sa kanyang pwesto si Darwin at naupo nalang.

Biglang tumahimik ulit ang paligid sapagkat wala sa kanila ang nagsasalita.

Tanging katahimikan lang ang nag iingay sa paligid nila.

"Bakit ka nga pala naging bampira?", binasag ni Shawn ang katahimikan.

Walang sagot mula kay Darwin. Nakatingin lang ito sa malayo.

"Darwin? Huy!", binato niya ng maliit na bato ang mukha ni Darwin sabay tawa.

"Wala kanang pakialam dun..", ang tanging sagot ni Darwin.

Hinawakan ni Darwin ang isang bakal na upuan at tinapon ito kay Shawn, nakailag si Shawn at napanganga nalang.

"Ano ba?!", sumbat ni Shawn.

"Wag ka kasing nangunguna no?", sulyap ni Darwin sa direksyon niya.

Tinabi ni Shawn ang upuan at binalik ulit ang atensyon kay Darwin. Gusto niya talagang malaman ang history niya.

"Bakit nga ba?", tanong niya ulit.

"Antanga mo?", binalik niyang tanong.

"Argggh! Alam mo nakakainis kana!", naiinis na sabi ni Shawn.

Hunting Darwin: The Last Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon