<Riev's POV>
Sabi nila, ang pag-ibig ay darating na lang ng bigla-bigla ng hindi mo inaasahan. Pero para sa akin, wala akong paki.
Marami talaga ang namamatay sa maling akala. Akala mo siya na si Mr. Right. Akala mo tutuparin niya ang pangako niya. Akala mo may forever pero ang totoo, ay puro akala lang yan.
Sabi nga nila, "It's not the matter of finding the right person, but the matter of being the right person for the one whom you choose to love."
<Maria's POV>
Ako yung tipo ng tao na seryoso sa lahat ng bagay at walang makakapigil sa akin.
Hindi ako makapaniwala na ipinanganak ako sa mundong ito. Siguro ay kailangan talaga ako ng mundong ito.
Sabi nila, action speaks louder than words. Siguro nga ay tama sila. Pero minsan ay nakakapagsinungaling din ang galaw ng isang tao.
"Never give meaning to a little act of sweetness. It might give you not only a wrong impression but also an expectation" na sabi nga nila.
<Alexa's POV>
Sa buhay, kaakibat natin ang mga salitang 'pagsubok' at 'pag-asa'. Habang may mga pagsubok na dumadating sa ating buhay, may pag-asa naman tayong natatanaw.
Sa pag-ibig naman ay kaakibat natin ang mga salitang 'sakit' at 'saya'. Sa una, masaya ka, sa gitnang bahagi, nasasaktan ka na pala. Pero ang mahalaga ay ang finale nito.
Pag nagmahal ang isang tao, nagagawa nito ang mga tangang bagay.Pero ...........may mga taong sadyang tanga lang talaga sa lahat ng bagay.
Bayaan na nga lang natin sila. Basta ang alam ko ay wala akong paki.
<Kian 's POV>
Ang mga babae, malalandi talaga sila pagdating sa lalaking mahal nila kaya hindi ko sila masisisi. Ako nga lumalandi pag nakikita ko si crush eh.
Alam niyo kasi mga kababayan, ang pag-ibig ay hindi yan emosyon, it is a choice. Choice mo kung iibig ka ba o hindi. Ikaw ang bahala at walang makakapigil kundi ikaw din lang mismo.
Kaya naman kung nasaktan ka, wag kang manisi ng ibang tao, dahil ang lahat ng nangyayari sa buhay mo ay katumbas ng iyong desisyon.
<Clark's POV>
Tsk, may nakita ako kaninang magboyfriend at girlfriend, feeling nila, sila lang ang tao sa mundo. Kaya dumaan ako sa gitna nila para kahit limang segundo lang ay maramdaman nila kung paano ang mapag-isa.
Sa pag-ibig kasi, pwede kang mainggit. May pag-ibig sila, pero ikaw wala. Dito ko napatunayan na "Life is always full of unfairness". Diba? Ang saklap.
At tsaka, alam naman natin na kasama talaga sa buhay natin ang masaktan, pero huwag naman sanang paulit-ulit.
<Philip's POV>
Alam ko namang lampa ako eh. Pero kailangan mo bang ipamukha?
Hmp, alam niyo bang ako ang crush ng bayan? Grabe, ewan ko ba sa kanila kung anong nakita nila sa akin. Gwapo naman ako, cute naman ako, matangkad naman ako, matalino naman ako? Bakit ako naging crush ng bayan? Paano yun nangyari?
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?