CHAPTER FIVE ~ Mutual ~

3 1 0
                                    

<Maria's POV>

Nag-eexam kami ngayon at kahit na isa ay wala akong maisagot. Hindi ko pa kasi maintindihan ang mga katanungan.

Naiinis tuloy ako dahil laging mukha ni Clark na nakangiti ang nagpapakita sa isip ko.

"Love at first sight ang tawag dyan." Sabi ni Alexa pagkatapos kong magkwento.

"Love at first sight?" Takang tanong ko. Kasi imposible naman, kung love at first sight ang tawag dito, ibig sabihin ay dapat naiinspire ako diba? Pero nagiging distraction naman siya sa akin.

"Si Riev?" Tanong ko dahil kanina pa namin siya hinihintay dito sa may cafeteria.

"Pinuntahan niya si Kian. Bibisitahin daw niya." Sagot ni Alexa.

Bigla kong naalala si Clark, baka nasa ospital din siya. "Tara Alexa, sundan natin siya." Sabi ko na may ngiti sa labi.

"Sige!" Sagot ni Alexa.

Pagkarating namin sa ospital ay inilibot agad ni Alexa ang kanyang paningin.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Hinahanap ko yung lalaking nakawheel chair." Sagot niya.

"Eh parang ikaw naman itong nalove at first sight eh." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Narating na namin ang silid ni Kian at pumasok na kami at masayang nagkukwentuhan si Riev at Kian. Parang matagal na silang magkakilala kung titingnan.

"Na love at first sight nga si Clark kay Maria eh." Tatawa-tawang sabi ni Kian na ikinamula ng mukha ko.

"Talaga? Ang mga lalaki talaga oh, nakukuha lang sa ganda." Sagot ni Riev.

"Haha. Oo nga eh, ako nga sa ganda ko lang binase ang pagmamahal ko." Sagot ni Kian.

"Wala akong paki sa nararamdaman mo." Sagot ni Riev.

-_-

"Pero kung liligawan ni Clark si Maria, hindi ako tututol. Tutal mabait naman si Maria eh."

Napangiti ako sa sinabi ni Riev, kahit papaano ay may narinig akong compliment mula sa kanya.

"On the second thought ay mas nananaig pa rin ang pagiging seryoso niya sa lahat ng bagay." Dugtong ni Riev.

-_-

"Andiyan pala kayo." Sabi ni Kian nang mapansin niya kami.

Lumapit kami ni Alexa sa kanila. Napansin namin na wala na yung mga nakatusok sa katawan niya.

"Lalabas na siya ngayon. Hinihintay na lang niya ang parents niya para sunduin siya." Paliwanag ni Riev.

"Ahhhh~"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clark. Lumapit siya sa amin na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Ano nanamang nakain mo?" Tanong ni Kian.

"Wala ah. Ililipat kasi ako ng school ni papa." Sabi niya.

Lilipat daw siya ng school? Sana sa school na lang namin.

"Ha? Iiwan mo ako? Walang hiya ka, ikaw na nga lang ang nag-iisang kaibigan ko sa school tapos iiwan mo pa ako." Reklamo ni Kian.

Napabuntong-hininga siya. Tumingin siya sa akin at bumulong, "Mag-usap tayo." At lumakad siya palabas ng kwarto. Sinundan ko siya.

Nasa labas na kami ng kwarto at kakamot kamot sa batok si Clark.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "A-anong, anong sasabihin mo?" Tanong ko.

"Uhm, may gagawin ka ba bukas?" Tanong niya.

"Last day of exam namin bukas, pero half day lang naman." Sagot ko. Pakiramdam ko ay yayayain niya ako sa isang date.

"Pwede bang samahan mo akong mag-enrol?"

-_- Expect the unexpected.

"Tapos kain tayo sa labas." Dugtong niya.

"Sige ba." Nakangiting sagot ko.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Pero parang masyado atang napapabilis ang istory ng buhay namin. Pero mas okay na rin yun para matapos na.

Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon