CHAPTER TWENTY ~ Sadness ~

1 0 0
                                    

<Kian's POV>

Hindi ako makapaniwala nang malaman kong ang lolo ni Riev pala ang bagong kapartner namin sa business. At mas lalong hindi ako makapaniwala nang sabihin ni papa na ipagkakasundo kami ni Riev. Syempre natuwa ako pero nawala din ang tuwa ko nang marealize ko ang feelings ni Riev. Gusto din ba niya ako? Matutuwa ba siya kung malalaman niyang ako ang ipinagkasundo sa kanya? Mabait sa akin si Riev, lagi siyang ngumingiti sa tuwing nakikita ako, pero hindi ibig sabihin nun ay may gusto siya sa akin. Pwede namang dahil kaibigan ang turing niya sa akin.

Kaya nung gabing binisita namin ang pamilya nila ay hindi ako makatingin kay Riev. Ayaw kong makita ang expresyon niya. Alam ko namang hindi ako karapat-dapat kay Riev eh.

Nasa klasrum ako ngayon at wala pa si Riev. Siguro ay hindi niya matanggap na ako ang ipinagkasundo nila sa kanya. Pero napatigil ako nang makita ko si Riev na pumasok sa klasrum at umupo sa upuang nasa harapan ko. Hinarap niya ako at tinitigan sa mata.

"Kian, mag-usap tayo." May lungkot sa mga mata niya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Kian tignan mo naman ako." Sabi niya pero hindi ko siya tinignan.

Alam ko naman tatanungin niya kung bakit ako pumayag sa balak ng mga magulang namin. Tatanungin niya kung okay lang ba sa akin na kami ang ipinagkasundo. Tatanungin niya kung pwede ko na lang bang urungan ang balak ng mga magulang namin.

Nagring ang bell, hudyat na oras na para mag-aral ulit.Tinalikuran na ako ni Riev kaya nakahinga ako ng maluwang. Napatingin ako kay Philip, nakatingin siya kay Riev. Halata kong medyo nagulat si Philip habang nakatingin kay Riev. Sumulyap naman si Philip sa akin at umiling-iling.

Nagsulat ako sa papel at ipinabasa kay Philip: Bakit?

Nagsulat naman si Philip sa papel niya at ipinabasa sa akin: Anong ginawa mo sa kanya?

Nagsulat ulit siya sa ibang bahagi ng papel at muling ipinabasa sa akin: Umiiyak siya.

Napatunganga ako. Si Riev ay umiiyak, bakit naman? Dahil ba ayokong makinig sa kanya o dahil ba nasaktan ko siya? Sa oras na yun ay gusto ko na ring maiyak. Lalaki pa ba ang tawag sa akin? Nagpaiyak ako ng babae at yung babaeng gusto ko pa. Napakababaw kong tao. Nagpakasarili ako at hindi pinakinggan kung ano man ang sasabihin sa akin ni Riev.

Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon