<Riev's POV>
Kahapon ay umuwi si kuya at si lolo galing England at may dala-dala silang masamang balita. Ang sabi ni lolo ay nakahanap sila ng bagong kapartner sa business nila at may anak daw silang lalaki. Kaya naisipan ni kuya na ipagkasundo ako sa lalaking anak nila.
Naiinis nga ako kay kuya eh. Pero sabi ni kuya ay matutuwa daw ako pag nalaman ko kung sino. Tinanong ko kung gwapo at sabi niya ay gwapong-gwapo daw. Syempre natuwa ako pero bigla kong naalala si Kian. Nawala ang ngiti ko, bakit kung kailan narealize ko na gusto ko na si Kian ay tsaka pa ito nangyari.
Ganito ba talaga pag umibig ka sa isang tao? 50-50 ang tsansa na maging kayo? Ang saklap naman.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah." Puna ni Kian.
Pauwi na kami ngayon at ito ang ikinakatakot ko. Sabi kasi ni lolo ay makikilala ko na yung anak nung kapartner nila mamayang gabi.
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Kian.
Nang marating na namin ang bahay ko ay nagpaalam na agad ako at pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong doon. May kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Riev, ang mabuti pa ay ayusin mo na ang sarili mo para mamaya." Boses yun ni kuya.
"Bakit hindi na lang ikaw ang makipagkasundo? Single ka din naman ah." Sabi ko kay kuya.
"Pangako Riev, pag nakilala mo ang anak nila ay magpapasalamat ka din sa akin." Sabi ni kuya at narinig ko ang yabag niya papalayo sa kwarto ko.
Paano ko naman kaya papasalamatan si kuya eh si Kian nga ang gusto ko eh. Si Kian lang. Pero napaisip ako sandali, hindi kaya si Kian nga talaga? Naalala ko pa nung tinanong namin kay Kian yung address ni Clark. Ang sabi niya ay inihatid niya si tito sa airport papuntang England. Kaya ba nasabi ni kuya na pasasalamatan ko din siya dahil si Kian nga yung anak nung kapartner nila? Tsaka nakita naman na ni kuya si Kian nung gabing tutungo na siya sa England.
"Riev, andito na sila." Sabi ni kuya.
Nagsalamin ako saglit at lumabas na ng kwarto ko.
"Di ka pa nagpalit ng damit." Sabi ni kuya.
Hindi ko siya pinansin. Pumunta na kami sa kusina at nakita ko si Kian at ang parents niya. Napangiti ako ng malapad.
Sa mga drama talaga ay ganito ang nangyayari kaya expect niyo na. Pero nawala ang ngiti ko dahil hindi tumitingin sa akin si Kian. Sa iba nakatuon ang pansin niya. Ni hindi siya ngumingiti.
Umupo ako sa tapat niya. Inilapag naman ni mama ang mga iniluto niyang pagkain sa mesa. Nagpray kami para sa sanctification ng pagkain at nagsimula ng kumain.
"Hindi ko inaasahan na si Riev pala ang apo niyo. Hanggang sa ipinakita niyo sa akin ang kanyang larawan." Sabi ni tito kay lolo.
Ngumiti lang ako.
"Hindi nga ako makapaniwala na lumaking maganda ang apo ko dahil nung bata pa lamang sila ay parang sa ibang planeta siya galing." Tatawa-tawang sabi ni lolo.
Tumawa naman si mama, papa at kuya at pati na rin si tito at tita. Pero si Kian ay walang reaksyon. Hindi siya tumitingin sa akin. Naiinis ako, ayaw talaga akong tignan ni Kian. Kung ayaw niya sa akin, bakit hindi na lang niya sabihin para hindi nila ituloy.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo agad ako. "Matutulog na po ako. Pagod po ako galing sa school." Sabi ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila, dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga.
Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Malinaw na sa akin ang lahat, nag-eexpect lang pala ako sa wala. Ang saya-saya ko pa nung makita ko si Kian pero hindi pala masaya si Kian sa akin.
Naalala ko yung araw na nakilala ko si Kian. Siguro sa simula pa lang ay magkaiba na talaga ang ginagalawan naming istorya, maaaring ako yung bida at si Kian ay ekstra lang o kaya ay maaaring si Kian ang bida at ako ang ekstra.
Napangiti na lang ako. Pati ba naman kasi tadhana ay pinaglalaruan ako. Isa lang naman ang solusyon sa ganitong sitwasyon eh, ang tanungin at kausapin ng diretshan si Kian.
BINABASA MO ANG
Happy Ending
RandomNaging maikli man ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa ay mas pinili nilang pagkatiwalaan ang kanilang nararamdaman. Ngunit sa pagtitiwalang ito ay magkaroon kaya sila ng happy ending?